CHAPTER 16

8 1 0
                                    

CHAPTER 16

"We're hereeee!" naalimpungatan si Hanan nang sumigaw si Edward. Pagbukas ng pinto ng sasakyan ay halos malula ako sa laki ng lugar.  Bahay ba 'to o resort?

"Bahay mo 'to?" gulat na tanong ni Hanan.

"Mukha bang bahay 'to? May dagat oh."

"Akala ko ba sa bahay niyo tayo mags-sleep over?" gulong tanong ni Santi.

"Chareng! Sabi kasi nila mommy dito tayo sa resort para may sarili tayong space. Bongga diba!" sabay hawi nito sa imaginary long hair niya.

"So sa inyo 'to?" tanong ulit ni Hanan.

"Yazzz! Tara pasok na tayo."

Agad na naglakad si Edward. Sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa isang rest house na may malaking private pool. Ang ganda ng lugar nila Edward, parang pinaghalong countryside at city kaya naman ang dami ring puno na nakapaligid at malapit sila sa beach.

Nang makarating kami sa rest house ay agad naming inilapag sa lounge ang mga gamit namin at nag-unat dahil ilang oras din kaming naupo sa sasakyan at talaga nga namang nakakangalay sa likod.

"Oy teka anong ginagawa mo, Edward?" gulat kong sabi ng makita ko siyang maghuhubad na ng pantalon.

"Maghuhubad?"

"Doon ka sa comfort room. Lakas din naman ng trip mo e 'no?"

"At bakit? Duh! Nakadoble na kaya ako ng swim suit. Che!"

Bago pa man ako makapagsalita ay walang habas na siyang naghubad sa harap namin sabay tindig na animo'y sasali ito ng pageant.

"Oh pak! Ganda divaaa!" buong tinis ng boses niyang sabi. Natawa kaming lahat sa ginawang iyon ni Edward. Naglakad siya at basta nalang iniwan ang hinubad niyang damit sa maliit na sofa.

"Lagay ko lang dito. Hindi naman 'yan mawawala. Oh ano pa hinihintay niyo? Magswimming na tayo dalii!"

Excited na sabi niya. Nagsitayuan kami dahil masarap nga namang maligo sa umaga. Makulimlim pati ang panahon kaya hindi mainit sa balat ang dagat kung sakali dagdag pa ng sariwang hangin.

Maya-maya pa ay nakaayos na ang lahat. Pinahiram ako ni Hanan ng swim wear na fitted sa katawan. Hindi ko alam ang tawag pero para siyang pangtraining. Parehas kami ng suot at mabuti nalang ay pareho kami ni Hanan na hindi sanay sa swim suot. Okay na itong fitted na shirt at cycling.

Pinili naming maligo sa dagat sa mga oras na ito kaysa sa private pool kaya naman sinara muna ang pintuan sa rest house para makasigurong walang mawawala sa gamit.

Pagkalusong namin sa dagat ay agad kaming naglaro sa tubig. Ang sarap sa pakiramdam ng tubig dagat. Pagkatapos ng marami-raming mga gawain sa university, deserve rin naman kahit papaano ang ganitong pahinga. Kung pwede lang talagang mabuhay ako sa ganito ka tahimik at kasayang buhay, hindi ako mag aatubiling piliin ito. Simple pero masaya.

"Laro tayo volleyball. May net doon oh!" excited na sabi ni Hanan.

"Ay bet! Marunong ba kayong magvolleyball?" tanong ni Edward.

His Sunflower (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon