CHAPTER 5

3 0 0
                                    

CHAPTER 5

"Mag-iingat ka dun ha." niyakap ako nina mama at lola. Si papa naman ay inilalagay ang mga gamit ko sa kotse ni Hanan.

"Oo naman mama. Kayo rin po mag-iingat po kayo lagi." nginitian ako ni mama. Pagkaharap ko kay lola ay bakas ang lungkot sa mga mata niya.

"Smile ka naman lola. Dadalaw naman po ako dito every end of the month. Hindi naman ako pupunta ng ibang bansa lola e." pagbibiro ko habang hawak ang pisngi niya. Si lola naman masyado akong pinahihirapan e.

Napayuko naman ako ng biglang may humila sa damit ko—nakita ko ang kambal. Gusto nilang magpakarga.

Ngumiti ako at binuhat sila, "Mamimiss ni ate ang kakulitan niyo. Behave lang kayo dito a."

Niyakap ako ng kambal at humagikgik sila ng tawa. Pag alis ko wala na akong makikitang cute na mga babies. Hayst, wala na akong mapipisil na pisngi!

"Okay na yung gamit mo doon. Hinihintay ka na nung kaibigan mo sa kotse." agad ko namang binaba ang kambal at niyakap si papa.

"Ikaw papa bawasan mo na ang pag-iinom." natatawa kong sabi habang yakap siya.

"Ano ka ba! Oo naman. Importante e gwapo pa rin ako."

Kumalas ako sa pagkakayakap at tumawa kaming dalawa. Mamimiss ko ang pang-aasar ni papa. Iniabot niya sa akin ang allowance ko for this coming month.

Nagpaalam na 'ko sa kanila. Palabas na ako ng biglang may yumakap sa 'kin mula sa likod.

"Hanapan mo 'ko ng pogi roon ate."

"Oo naman JC pero bago ang lahat dapat makatapos ka muna ng pag-aaral." humarap ako sa kanilang dalawa ni Sunshine at niyakap sila.

"Ingat ka ate." malungkot sa paalam ni Sunshine.

"Oo naman pero ngiti ka muna." ngumiti naman siya atsaka ako bumitaw nang yakap.

Kumaway silang lahat sa akin at ginantihan ko naman iyon ng ngiti. It's been 9 months nang makilala ko si Hanan at Santi. I just can't believe na sa lahat ng tao ay sila pa ang tutulong sa akin.

Hindi naman kami madalas mag-usap dahil busy silang dalawa pareho. Nalaman ko rin na mas matanda sa akin ng isang taon si Hanan at Santi. Third year college na sila ni Santi sa pasukan at ako naman ay first year. Dahil nga tumigil ako ng dalawang taon ay malayo na sila ng taon sa college kumpara sa akin.

Pumasok ako sa kotse at umupo sa front seat. Kumaway kami ni Hanan kayla mama. Nagsimula nang paandarin ni Hanan ang engine ng kotse at isinara ang window shield nito.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang kaming dalawa ni Hanan. Nahihiya kasi ako magfirst move e. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon naiintimidate ako sa presensiya ni Hanan. Siguro dahil hindi pa ako sanay na kasama siya personally? Siguro nga.

Lumiko ng daan si Hanan. Bibili daw kasi siya ng pagkain sa drive thru ng Jollibee. Huminto siya sa counter at umorder.

"1 bucket of jollibee meal. Yung drinks, pineapple juice nalang."

"Good for 6 person po ba?"

"Yes please."

"Ano po yung dessert niyo po? Mashed potatoes or chocolate sundae?"

"Can I have both? Like 3 pieces of sundae then 3 pieces of sundae?"

"Yes ma'am."

"Also, can you make one chocolate sundae into stawberry flavor?"

"Yes ma'am."

"Great. That's all."

"That would be 1,300 ma'am."

His Sunflower (On-going)Where stories live. Discover now