Necklace

68 8 0
                                    

"Ano ba gusto mong malaman sakin?" Tanong ko

"Kahit ano,"

"Edi mag tanong ka." Sabi ko

He roll his eyes and stare at me.

"Ano?"

"Ilang taon kana?"

"16 malamang," sagot ko

"Ikaw naman mag tanong." Aniya

"Pano kayo nagkakilala ni Emma?" Tanong ko

"Hindi ba pwedeng mga madadaling tanong muna?"

"Dun din naman papunta yon sagutin mo nalang," sabi ko

"Tsk. Nagkakilala kami dahil kay mikey, childhood best friends din kasi kami kaya ko siya nakilala,"

"Ahh.." Yun lang yung nasagot ko

"Ikaw? Nagka gusto kana ba?" Tanong niya

"Hindi pa, sayo pa lang." Sagot ko

Mag tatanong na sana ako ng biglang dumating yung mga pagkain namin.

"Pakisabi kay tito thank you," tumango lang yung waiter sakin at umalis.

"Okay back to my question, pano mo naman siya nagustuhan?"

"Kase maganda siya, mabait, caring, loving basta parang lahat nasa kanya na middle school ko na nalaman na may feeling pala ako sakanya ayaw na ayaw ko kasi non na merong lalaking lumalapit sakanya," aniya

"Seloso mo naman pala," sabi ko at tumawa

"Ewan ko sayo eh ikaw? Bat wala kang nagustuhan?"

"Ewan ko din wala naman kase akong pakealam sakanila ilang beses na din akong sinet up ni Baji sa mga date date na yan pero wala talaga, kaya ikaw yung nauna kong kusang nagustuhan." Sabi ko at uminon ng iced tea.

"Naalala ko pa nung middle school din ako everytime na mag bubukas ako ng locker punong puno ng love letters yung locker ko meron pang taga ibang school na pumupunta sa school ko para lang ayain akong mag date, syempre nirereject ko din sila."

"Andami mo naman pa lang admirers tas wala ka man lang nagustuhan sakanila?" Tanong niya habang kumakain.

"Bakit? Si Ryuguji Ken ba sila?" Naka ngisi kong tanong

Umiling lang siya at nag patuloy sa pagkain.

"Eh alam mo naman pala na ayaw ni Emma makipag relasyon sayo pinipilit mo pa," sambit ko

"Tsk, nararamdaman ko naman na mahal niya din ako hindi ko lang alam kung ano yung pumipigil sakanya."

"Ay wow malakas kutob yan," I roll my eyes

Nag patuloy nalang kami sa pagkain at nag usap ng kung ano anong mga bagay hanggang sa matapos kaming kumain.

"Uuwi nako ken-chan see you nalang sa school." Kumaway ako at nauna nang mag lakad

Pero nagulat ako ng bigla niyang hilahin yung braso ko.

"Bakit?"

"Hatid na kita pauwi baka ano pang mangyari sayo dyan eh," sabi niya

Lihim akong napangiti sa inasal niya.

Taray improving agad si ken-chan ah, kinikilig ako.

Habang naglalakd kami ay walang nag salita saming dalawa. But he's the one who broke the silence between us.

"Sunduin kita sa Monday sabay tayong pumunta ng school sabihan ko nalang si Baji,"

Napalingon naman ako sakanya.

"Sigurado ka?"

"Mukha ba akong nag bibiro?"

"Oh chill lang nag tatanong lang eh," I chuckle

Hanggang sa nakarating na kami sa bahay ay nag asaran nalang kami.

"Sige na papasok nako umuwi kana," sabi ko at binuksan yung gate.

Tumango lang siya pero bago ako pumasok at tinawag niya ako.

"Y/n,"

"Oh?"

Lumapit siya sakin at sinuot sakin ang kwintas. Napahawak ako sa kwintas at tinanong siya.

"Para san to?"

"Wala lang.. sige na mauuna nako," he pat my head before leaving.

Hinaplos ko yung kwintas at ngumiti. Sige pa fall ka talaga ken-chan pero kinikilig ako..

Pumasok nako sa bahay na naka ngiti.

𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐔𝐬 || 𝐑𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫 𝐱 𝐃𝐫𝐚𝐤𝐞𝐧Where stories live. Discover now