Forgotten

72 8 3
                                    

Fast forward

Monday..

Maaga akong nagising dahil sinag nga araw na tumama sa mukha ko.

"Ugh! Monday nanaman," tamad kong sabi at bumangon sa mula sa kama

Naligo nako at nag bihis ng uniform habang inaayos ko yung necktie ko ay napatingin ako sa kwintas na binigay sakin ni ken-chan nung sabado.

Napangiti ako at sinuot ito pero tinago ko muna sa loob ng uniform, baka ma issue nanaman ako lalo na yung dalawang bruha.

Bumaba nako at dumiretso sa kusina para kumain, kumuha ako ng nutella at tinapay ng bigla akong may naalala.

Hala! Sabay pala kami ni ken-chan papuntang school!!

Dali dali akong kumain at nag toothbrush. Inayos ko yung buhok ko.

Ayan ang ganda ko na

Lumabas nako at hinintay siya sa labas. Ilang oras pa ay wala din siya, napatingin ako sa cellphone ko.

"Baka may dinaanan lang," sabi ko sa sarili ko

Pero dalawang oras na ang nakalipas ay wala pa din siya. Wow akala ko ba sabay kaming pupunta ng school.

Fast forward

Late nako ng dalawang oras kaya dumiretso nalang ako sa detention room.

Lunch break na nung naka labas ako.

"Y/n!" Rinig ko tawag sakin

Nakita ko si Chelsea at Dianne na tumatakbo palapit sakin.

"Bat ka na late?" Tanong ni Dianne

"Nag alala kami sayo ni hindi din alam ni Baji kung nasan ka," sabi ni Chelsea

"Ang sabi ni Baji sakin si Draken daw susundo sayo eh..pero magkasama sila kanina ni Emma.." sambit ni Dianne

Nagkatinginan silang dalawa habang nag alala humawak sa balikat at kamay ko.

Magkasama sila ni Emma? Kaya pala..

"Ah.. ganon ba?" Ngumiti lang ako sakanila. "Sige una nako, kakain muna ako."

"Sumama kana samin,"

Umiling ako, "Hindi na," sabi ko at umalis na

Dumiretso ako sa cafeteria ng school at bumili ng ramen at coke. Pagkatapos ay pumunta ako sa rooftop at doon kumain.

Akala ko ba mag momove on na siya? Bat mag kasama sila ni Emma? Tangina naman ang sakit.

Habang kumakain ako ay bumubuhos yung luha ko.

Putangina naman kaseng tong si ken-chan napaka rupok.

Bwiset ka ken-chan ang sakit pero mahal pa din kita. Sana kasi hindi mo nalang sinabi na sabay tayong pupunta ng school kung hindi din naman pala.

Tangina bat parang girlfriend ako ni ken-chan, well.. dun naman din yun papunta.

Nagulat ako ng biglang may bumukas ng pinto ng rooftop.

Ken-chan..

Agad akong lumingon sa kabilang side at pinunasan yung luha ko.

"O-oh bat ka nandito? Hindi mo kasama sila mikey?" Pilit kong pinapa normal yung tono ng boses ko.

"Y/n.." naramdaman kong lumapit siya sakin

Hindi ako sumagot at kumain nalang. Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

"Y/n.. sorry," aniya

"Ha? Sorry para saan?"

Yumuko siya. "Alam kong may usapan tayo na sabay tayong pupunta sa school.."

"Ah? Yun ba? Hindi okay lang," sabi ko at lumingon sakanyan na may ngiti.

He stare at me.

"Bakit?" Tanong ko

"I'm really-" I shut his mouth using my hand

"Seriously, okay lang" I chuckle tsaka bumalik sa pagkain.

"And also pano ka makaka move on kung lumalapit kapa din sakanya?"

"I-I know.." he said

Umiling nalang ako.

"Alam ko namang wala akong karapatang magalit at magselos ken-chan kasi hindi mo naman ako girlfriend eh," tumawa pako. "I just want you to consider my feelings for you."

"Alam ko.. and that's why I'm sorry I'm so stupid," he held his head.

Tinawanan ko lang siya at inubos yung pagkain ko.

Bigla niya naman akong pinaharap sakanya.

"Oh bakit?"

"Suot mo ba?" Tanong niya

"Ang alin?"

"Yung kwintas" aniya

"Ah oo pero nasa loob ng uniform ko baka kasi ma issue pako dito sa school kilala kasi ako na hindi pala suot ng mga jewelry," sabi ko

"Ah ganon ba," aniya at binitawan yung dalawang balikat ko.

𝐓𝐡𝐞 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐔𝐬 || 𝐑𝐞𝐚𝐝𝐞𝐫 𝐱 𝐃𝐫𝐚𝐤𝐞𝐧Where stories live. Discover now