part 3

0 0 0
                                    

 

Natakot ng husto si Anna sa kapahamakang naidulot nya sa diwata.


Itinago nya ang patpat sa isang maliit na kahoy na kahon, ikinandado at dinadala kahit Saan man sya magpunta upang Hindi mawala ang patpat mula sa kanyang paningin.

Ilang buwan ang lumipas mula ng kaarawan ni anna.

Ang balita na ang isang diwata ay kinakailangang ibigay ang kanyang patpat ay isang malaking balita sa ibang mundo.


Narinig Ito ng isang lamang lupa at wala syang ibang ginusto kungdi ay makulong ang isang diwata.


Kaya nagibang anyo sya bilang isang maglalako.

At nang makarating sa palasyo ni anna upang nakawin ang patpat .


Maingat syang pumili ng araw at oras na Si Anna ay nagiisa at walang kasama.


Nagsuot sya ng mataas na sapatos para mag mukhang matangkad at tinakpan ang kanyang berdeng mukha. At dala ang isang sako na nilagyan ng sumpa na kahit na sino ang makakita ay gugustuhing Makita ang mga laman nito.

Nang makatapos ng makalapit ay tumawag sya upang sya ay marinig ni Anna


"Mga kwentas...mga purselas,singsing at hikaw mga pinaka magagandang bato na Hindi mo pa nakikita na kahit saan...mga gintong ibon at pilak,serbyete at rubi at mga dyamante , mga Puno at mga hayop inukitan ng saphire, amber, perlas at emeralds" mayabang sigaw ng lamang lupa na  nagpapangap bilang isang matandang nagtitinda.


Si Anna na naglalaro sa harden ay Narinig ang tawag ng lamang lupa at ng sandaling makita ng mata nya ang mga dala nito ay mabilis na tumalab sa kanya ang sumpa.


Tumakbo sya palabas ng harden at Makita ang mga dala nito.

"Sandali! pwede ko bang Makita ang iyong mga tinda? Pakiusap!!"

"Ah eh Saan? Dito?" Tanong ng lamang lupa

"Hindi kita pwedeng papasukin dito dahil magisa lang ako"

" 'Cough' 'cough' ano na bang nangyayari sa mundong Ito ngaun kahit mga bata ay hindi makuhang magtiwala sa isang matandang maysakit at imbitahang pumasok at bigyan ng isang basong tubig dahil maaraw sa labas 'cough''cough' " pagdradrama nito

Naawa namn si Anna sa matanda. "oh ah pasensya na po Kau sakin. Pakiusap pumasok na po Kau" at pinapasok na nya ang matanda.

Nang pumasok na ang lamang lupa ay bigla na lamang pumula ang mga Mata nito dahil naramdaman na nya ang presensya ng mahiwagang patpat.


Nilakasan nya pa ang ubo. Ng tumakbo si Anna(evil's smile)para  kuhaan ng tubig ang matanda ay kinuha agad ng lamang lupa  ang kahon at isinilid nya Ito sa Sako at Hindi nya napansin na nahulog pala nya ang isang magandang bracelet at tumakbo na ito


Nang marinig ni anna at makitang nawawala ang kahon ay hinabol nya agad ang  lamang lupa.

"Ang Patpat! ibalik Mo sakin ang patpat! Lamang lupa ka bumalik ka rito" Galit na sigaw ni Anna habang hinahabol parin ang lamang lupa.

3rd's story (Completed)Where stories live. Discover now