Si Anna:part 1

0 0 0
                                    

Ito ay panahon ng naniniwala pa Tayo sa mga diwata at mga anghel at mga nilalalang mula sa ibang mundo ng bumibisita sa ating Mundo.


Upang tuparin ang kanilang layunin.nagsimula ang istoryang ito sa paanan ng isang bundok sa  'norway'.



Isang gabing taglamig at maginaw sa isang Castillo na lubhang kailangan ng pagpapagawa.

Ito ay ang kaarawan ni anna ang munting prinsesa ng kaharian.

Dumalo lahat ng kaibigan nya at maraming pagdiriwang at mga laro na kahit ang napakatanda sa Castillo ay mistulang tumatawa rin at natutuwa sa mga masasayang bata. At dumating Sila sa pag anunsyo ng birthday cake.



"Mga Bata! Oras na." Sabi ng Reyna. Ang Ina ni Anna.


"ANG CAKE 🍰" sabay sabay na sigaw ng mga Bata.

Ang cake nong panahon nayun ay hindi lang ordinaryong bagay na ginagawa dahil tuwing may kaarawan  ang cake na Ito ay may ginagawnag ritual O sariling mahika.




Ritual Ito ng Ina ng may kaarawan ng gumagawa ng birthday cake na lagyan ng singsing ang loob nito.




Kapag hiniwa ng ang cake kung sino ang nakakuha ng piraso ng cake na may singsing ay may isang hiling na Kung Ito ay may hiling na makatuwiran at Hindi matatanggihan ng kahit sinong diwata.




Punong Puno ng tuwa na umopo ang mga bata palibot doon sa lamesa at nakatitig sa cake.


Sino sa kanila ang makakakuha ng hiling?


"Kapag ako ang nakakuha ay hihiling ako nang mabalahibong pusa na may asul na mata" masayang Sabi ng isang batang babae.


"At pag ako? Hihiling ako ng isang eroplano na pwedeng lumaki at pwede Kong gamitin kahit kailan ko gusto" Sabi ng batang lalaki



"At gusto ko namn ng manikang nakakausap ko. Anong hiling mo Anna?"tanong pa ng isa pang batang babae.


"Hmmmm......wala akong naisip eh!"sagot namn ni Anna

"ANO OOOOH? Ano ba? Sigeh na." Sabay sabay na tanong ng mga Batang prinsepe at prinsesa


"Kaarawan mo ngaun Anna. Paano kanaman mawawalan ng hiling?" Takang tanong ng isa pang batang lalaki O should I say prinsepe.


"Ahm siguro hihilingin ko nalang na Sana matupad ang lahat ng hiling nyo"ani Anna


"Ano? Hahatiin na ba natin?"tanong ng Ina ni Anna


Kaya ang cake ay hinati ng pa isa isa. Ang mga piraso ay hinati at pinasa pasa. At ang bawat isa ay kumagat sa mga cake. Wala sa mga   ibang prinsesa at prinsepe ang singsing. Except Kay Anna dahil Hindi nya pa Ito nauubos.

Ting.! (Hehe tunog Yarn ng nahulog na singsing sa cake).






3rd's story (Completed)Where stories live. Discover now