Firefly 1 | Wishbone

128 8 33
                                    

L O R I E

Emma. Iyon ang pangalan ng aking ina at gusto niyang tawagin ko siya nang ganoon lang.

Noong walong taong gulang ako, itinuro na sa'kin ni Emma kung paano magdingas ng apoy sa chimney box sa gitna ng sala dahil sa lumalamig na panahon ng maulang taglagas—pagdating ng hapon hanggang gabi lalo na sa lokasyon kung nasaan kami naninirahan. Kaming dalawa lang ang magkasama. Nakatira sa isang maliit at lumang cabin, sa gitna ng masukal na kakahuyan, sa dalisdis ng bundok na napaliligiran ng mga nagtataasang mga puno at mga ligaw na halaman. Madalas talagang basa ang lupa kahit walang ulan, dulot siguro ng mababang hamog tuwing sasapit ang bukangliwayway sa silangang bahagi ng kalangitan. Kalimitan huni ng mga ibon ang maririnig tuwing umaga at kuliglig naman sa gabi.

Habang nilalamon ng apoy ang tuyong kahoy at pinagbabaga, mula sa aking likuran, sa kanyang recliner, tahimik akong pinagmamasdan ni Emma. "Lorie, gusto mo ba talagang mag-aral? Handa ka bang makasama ang ibang mga bata sa loob ng silid-aralan?" iyon ang sinabi niya makaraan ang ilang minutong panonood sa akin. Alam niyang gusto kong mag-aral at matuto sa eskwelahan matapos niya akong mapansing interesado sa mga librong natanggap namin mula sa donation box galing sa isang charity. Nagtaka siya dahil hindi ako nagkainteres sa mga laruan at manyika, mas nagtuon ako ng pansin sa mga librong may nakaaaliw na mga litrato at panay mga letrang hindi ko naman mabasa at maintindihan.

Ilang taong nagtiyaga sa akin si Emma. Tinuruan niya akong magbasa at magbilang. Paulit-ulit ko ring nababanggit sa kanyang ibig kong mag-aral sa isang paaralang kasama ang mga estudyanteng nasa edad ko. I pushed myself to study and learn everything she cared about and believed in, because that is how I would be able to live my life—to be wise and literate to survive day by day—and I'm not going to give up. Itinatanim ko na lang sa utak ko na ginagawa ni Emma ang lahat ng iyon para sa ikabubuti ko, sa paglago ng aking kaalaman at pagkatao. Palagi niya ring bukambibig na hindi habambuhay ay nariyan siya, na palagi kaming magkasama, na nasa tabi ko siya at ganoon na lang iyon.

When I turned eleven, Emma still didn't send me to school. Natuto na lang ako sa mga librong naipadadala sa amin mula sa charity at sa mga bagay na ibinabahagi niya. Kabutihang asal ang pinakamahalagang matutunan ko ayon sa kanya. Ipinaliwanag niya rin sa akin na hindi lahat ng taong makakasalamuha ko pagdating ng araw ay mapagkakatiwalaan, hindi niya iniaalis ang ilang may mabubuting loob, subalit karamihan sa mga ito ay hindi. She also taught me that time is essential but crucial and that if I was associated with people who wouldn't be beneficial to me, I shouldn't waste it, and avoiding them was the best thing I could do.

Pagtimpla ng napakasarap na herbal tea, pagluluto sa kusina, pagtatanim ng iba't ibang uri ng halamang gamot at bulaklak sa bakuran, pagbebenta ng kamison sa palengke at paggawa ng tapiserya ang itinuro ni Emma sa akin noong tumuntong ang gulang ko sa labing tatlo—kasama na ang paghahabi ng kardigan at ilang kasuotang panglamig. Kung ano ang madalas niyang ginagawa na pinanonood ko lang sa kanya noon, ngayon ay halos pinagsasabay-sabay na niyang matutunan ko. Minumulat na niya ako sa buhay habang nag-iiba na ang dating ng pisikal na aspeto ng kanyang pangangatawan. Madalas ko nang mapansin ang putla sa kanyang mukha. Mas maraming oras na rin ang inilalagi niya sa kama. Madalas na siyang tulog, walang gaanong lakas para sa maghapon at kakaunti na rin ang pagkonsumo niya ng pagkain. Nanghihina na siya, dulot siguro ng hirap sa paghinga dahil sa sakit niya sa puso at ayaw niyang mamatay ng walang kasama kung sakaling ipasok niya ako sa eskwelahan upang mag-aral.

Naiintindihan ko ang intensyon ni Emma. Hindi iyon makasarili o pangmamanipula sa kagustuhan ko, sadyang dapat nauunawaan ko ang sitwasyon naming dalawa, dahil ako na lang ang mayroon siya at ganoon din ako sa kanya.

Mula sa chimney box ay pinaiinit ng nagbabagang apoy ang buong sala nang maalala ko iyong hapong pinagmamasdan ko ang nanghihina niyang katawan, nakaluhod ako sa gilid ng kanyang recliner kung saan siya nagpapahinga habang minamasahe ko ang kanyang kamay ay nabanggit ko ang bagay na iyon, "Emma... hindi ka pa naman mamamatay, hindi ba?" inosente kong tanong sa kanya, dulot na rin siguro ng kuryosidad at murang kaisipan. "Aalagaan kita. Gagaling ka at lalakas ulit ang katawan mo para matupad ang ipinangako mo sa aking hindi mo ako iiwan..."

West to the Firefly LaneWhere stories live. Discover now