Chapter 43

158 9 4
                                    



Chapter 43

Toffy's POV






To Noemi:

Hey nerdy girl, gising ka pa? Dito ko sa garden. Hindi ako maktulog eh. Punta ka dito para may mainis ako >=D

Send 11:01 PM







Gabi na.

Kung ide-describe ko pa ang gabi ay masasabi kong isa itong magandang pagkakataon para mag muni-muni sa nakaraan at magpaka emo o umupo na lamang sa isang tabi at tumingala sa langit kasabay ng pagbibilang sa mga bituin hanggang sa ika'y mangawit.
Basta maganda ang gabi ngayon isabay mo pa ng malamig na simoy ng hangin na para bang buwan na ng Disyembre.






11:15 pm

Oras na nakita ko sa aking cellphone nang muli ko itong tingnan.

Wala pa ding reply si Noemi sakin. Siguro tulog na sya.






"Gabi na ah. Bakit nandito ka pa?"

Tumingin ako sa babaeng kararating lang.

Si Ririn.
Tumabi sya sakin at umupo, saka muling nagsalita.

"Di ka din ba makatulog?"

Tumango ako sa kanya bilang sagot.




"Ang ganda ng mga stars nu?"



Napatingin ako sa kanya nung sinabi nya yun sakin.

Nakita ko syang nakatingala at nakangiti.




"Naniniwala ka ba na tinutupad daw ng mga bituin yung mga kahilingan natin?" muli nyang tanong sakin




"Hindi siguro" tipid kong sagot sa kanya.



"Bakit naman?"



"Siguro kasi mas naniniwala ako na nasa tao ang gawa. Yun yung kung may gusto kang makuha, gumawa ka ng paraan"


"Praktikal na tao ka pala"


"Ha? Pano mo nasabi?"



"Wala naman. Hmm, ako kasi mas naniniwala ako na kung iyon yung itinadhana, yung kahit anong pursigido mo kung hindi sayo, hindi mo talaga makukuha"



"Eh di ang unfair pala ng mundo"


Napatingin sakin si Ririn nung sinabi ko yun.

"Ha? Bakit naman?"



"Kasi yung mga ayaw mo, yun yung ibinibigay sayo. Yun yung itinadhana sayo. Kaya minsan naiisip ko, bakit kaylangan pang makilala yung una kung sa pangalawa ka pala itinadhana?"





"Siguro para may matutunan. Siguro para mas mahalin mo yung inilaan talaga para sayo. Di ba nga, everything has a reason? Kung hindi mo makita ang rason ngayon, baka bukas o sa makalawa malalaman mo na"


Napangiti na lang ako sa isinagot sakin ni Ririn.
Siguro nga tama sya.



"Oo nga pala, ang galing mo kanina. Para kang superhero" nakangiti nyang sabi sakin.



Saka ko lang naalala yung kanina. Hindi ko alam kung bakit nakagawa ako ng ganung eksena. Ang alam ko lang, gusto kong mailigtas si Noemi.





11:30 PM

Nakita kong oras nang muli akong sumilip sa cellphone ko.

Wala pa ding paramdam si Noemi.






"Toffy?"

Natigil ako sa mga pinag-iisip ko nang muli akong tawagin ni Ririn.

"Bakit?"



"Di ba may mahalaga kang sasabihin kanina?"




Bigla kong naalala yung muntik kong pag-amin sa kanya kanina.

Kumapa ako sa bulsa ko at dinama yung hugis puso na Hair Clip na matagal ko ng iniingatan.

Matagal ko na itong gustong ibigay sa kanya kasabay ng pag-amin ko ng tunay kong nararamdaman.

Kaya lang naunahan ako ng kaba.

Naunahan ako ni Shiro.




Tumingin ako kay Ririn. Nakatingin din sya sakin. Nag-aabang ng aking sasabihin.

Ang babeng ito, sampung taon ko ng minamahal.

Naging bestfriend nya ko. Dinamayan sya sa lahat ng problema nya sa buhay. At nagparaya na din para sa sarili nyang kaligayahan.

At ngayon, single na sya. At ako, matagal ko na syang hinihintay. Walang masama kung liligawan ko na sya.

At ito na yung tamang oras, tamang pagkakataon na sampung taon ko ng pinakahihintay.




. . .pero siguro, ito din yung oras na pagsisisihan ko dahil pinalagpas ko na naman ang pagkakataon.

"Wala Ririn. Saka ko na lang sasabihin"



"Ha? Bakit naman?"




"Wala. Saka na lang talaga" sabi ko sa kanya at ngumiti ako para hindi na sya mag-alala at mangulit.



Hindi ko din alm kung bakit.

Basta naramdaman ko na ayoko munang sabihin sa ngayon.

Para kasing nagdududa na din ako sa sarili ko, kung kailangan ko pa bang umamin o manatili na lang ganito ang lahat.

Sa bagay, hindi naman sira. Baka kasi masira ko lang.

Siguro takot din ako.







11:36 pm

Wala pa ding reply si Noemi.





_________________________________________

[to be continued]
[End of Chapter 43]

Your Secret Admirer, DWhere stories live. Discover now