CHAPTER 6

847 67 5
                                    

CHAPTER 6

Noemi's POV



"So how many times I will save you?"
Tanong sakin ni Shiro na para kong pinapagalitan.



Napayuko lang ako. Hindi ko alam ang dapat isagot.

Ito ang pangalawang beses na iniligtas nya ko.

Parang Knight in Shining Armor ang dating nya sakin.
Pero di ko naman sinabi sa kanya na iligtas nya ko di ba?

Haay pinapairal ko naman pride ko (>.<)

Pero kase, sinusumbatan nya ko eh
(-_-)



Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse nya pero hindi pa nya ito pinapaandar.
Nasa may parking lot lang kami at may balak pa ata syang sermunan at sumbatan ako bago nya patakbuhin to.





"Alam mo ba kung saan nakatira si Ririn?"
Bigla nyang tanong pagkatapos naming manahimik.

Bahagya kong napataas ang ulo ko mula sa pagkakayuko dahil sa biglaan nyang tanong sa akin.

Teka, bakit parang interesadong interesado sya kay Ririn?





"Bakit ko naman sasabihin sayo?" sagot ko sa kanya

Aba kahit mukhang artistahin ka, at lagi mo kong nililigtas, di pa din yun sapat para ibigay ko sayo ang mga background informaton ni Ririn.
Sabi ko sa sarili ko.



"Hmm. . . okay ganto na lang, sabihin mo sakin ang full address ni Ririn at ang kapalit. . . . "

Sabi nya sa akin.
Ngunit bago nya ipinagpatuloy ang sasabihin nya, inilapit nya sakin ang mukha nya.

Palapit ito ng palapit na para bang hahalikan nya ko.

Ewan ko, pero napapikit na lang ako.

3

2

1

"Hangga't hindi mo pa kayang ipagtanggol ang sarili mo, at wala pang magtatanggol sayo. . . . "

Bigla na lang syang nagsalita. Kaya napadilat ako.

Ngunit pagdilat ko, biglang nanlaki ang mata ko at naramdaman kong namumula ang buong mukha ko.

Kasi pagdilat ko, sobrang lapit ng mukha nya sa akin!



Kitang kita ko ang mapang-akit na mga mata nya,

Ang mala-perpektong mukha nya,

Amoy ko din ang mabango nyang hininga at ang mabango nyang katawan.


Hindi ko alam kung gumamit sya ng tinatawag na "Gayuma Perfume" pero kung hindi lang mabait, nerd, mahinhin at mahiyain ang role ko dito, eh kanina ko pa sya ni-Rape.


Tapos inilapit pa nya ng husto ang mukha nya sakin.

At ramdam kong mas namula pa ang mukha ko!

Teka, hahalikan nya ba ko?


Pero imbis na sa labi sya pumunta, sa gilid sya ng tenga ko at bumulong ng,

". . .don't worry, you are under of my protection"

Naramdaman ko ang hininga nya sa may leeg ko. Kaya medyo nakiliti ako.

At ramdam ko din na nag-init ang mukha ko.
Alam kong pulang-pula na ang mukha ko sa mga oras na to.
Bumilis din ang tibok ng puso ko.

Pagkatapos nyang bumulong sakin, inilayo na nya ang sarili nya at pinaandar na ang makina ng kotse.

Your Secret Admirer, DWhere stories live. Discover now