Chapter Fourteen
Birthday Wish
Nicolaus and I exchanged more messages that night. Kahit nga hindi ko gustong magpuyat at napuyat ako dahil sa kakulitan niya.
I woke up the next day with a huge smile on my face. Ngayon na lang ako nakangisi nang gano'n kaya namula ako nang punahin ako nila Ate Nati.
"Blooming na blooming naman yata ngayon ang Roshlin namin, ah? Mukhang masarap ang tulog?"
Agad kong nakagat ang labi at nahihiyang inalis ang atensiyon sa kanila. Kunwari kong hinalungkat ang mga gamit ko kahit na ang totoo ay hindi naman kailangan.
Katatapos lang naming kumain. I was just waiting for the driver to pull up. Nauna kasing ihatid ang mga step-sisters ko at ang iba namang driver ay kasama ni Papa at Tita Myrcelle. I'll probably be late for my first class pero ayos lang. Saglit lang rin naman ang biyahe at makakaabot pa ako.
"Palagi naman pong masarap ang tulog ko, Ate."
Imbes na iwan ako ay nagmamadali siyang umibis patungo sa aking harapan. Natawa ako nang hawakan niya ang mukha ko at sinipat-sipat.
"Hindi eh! Parang sumobra ng ilang guhit 'yong lawak ng ngiti mo ngayon, eh!"
"Ate!"
We both laughed at that. Mas lalo akong nadiin sa usapan nang dumating pa si Ate Flor. Hindi nawala ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa mga pang-aasar nila. I don't know what's wrong with me. Siguro nga ay talagang masarap lang ang tulog ko kaya gano'n?
Naiinis ko nang pinisil ang magkabila kong pisngi nang maramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga ito matapos mabasa ang huling text ni Nicolaus kagabi. Nasa kotse na ako at patungo na sa university.
Nicolaus:
Matulog ka na mamahalin pa kita.
Hindi ko na iyon nareplayan kagabi. Akala ko makakapag-isip ako ng matinong reply ngayon pero hindi ko pa rin magawa.
My heart pounded when I saw another text from him! Kagat labi ko iyong binasa.
Nicolaus:
Good morning ganda. Anong oras break mo mamaya?
Kung nasa harapan ko lang siguro ang lalaki ay nasuntok ko na siya. I typed my reply.
Ako:
Before lunch may 1hr break ako, bakit?
Nicolaus:
Sama ka raw sabi ni Vivi eh. Sakto pala sabay-sabay tayo.
Ako:
Saan? Anong meron mamaya?
Nicolaus:
Wala naman. Kakain lang ng lunch tapos baka landiin ka na rin.
His texts should be illegal. Kahit na kasi matagal na panahon kaming hindi nakapag-usap at nagkaroon pa ng hindi pagkakaunawaan ay parang walang nagbago sa lalaki. Kung ano kami bago ko siya ginhost ay gano'n pa rin kami ngayon.
Mag-re-reply na sana ako nang oo pero nang maalala ko ang unang beses na makita ko siya sa unang araw ng klase ay nag-iba ang mood ko.
Ako:
Bakit hindi mo landiin 'yong girlfriend mo?
Hinintay ko ang text niya pero nalaglag na ang magkabila kong balikat nang walang dumating hanggang sa makarating kami university.
Hindi ko na inasahan ang pag-re-reply niya. I knew it. Siguro ay na-realized niyang mayroon na nga pala siyang girlfriend at dapat ay hindi na siya gano'n sa akin.

YOU ARE READING
Dancing With Cinderella (Cordova Empire Series 3)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT [ SPG | R18 ] A girl who was so sure of her future-got accidentally pregnant by the man she hated the most, making all her plans incredibly mangled with routines of heartbreak and uncertainties. - Roshlin Zabryna Catalina Alm...