CHAPTER 2

26.4K 800 164
                                    

Chapter Two

Buenavista

Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko habang nakatitig sa door bell ng bahay na iyon.

Nagpatuloy sa pagkalampag nang mabilis ang puso ko. I was nervous as hell. My eyes shifted on the house. It wasn't the biggest house in the area, but it was one of the nicest. The walls were painted gray and white at sa tantiya ko ay may limang kwarto o higit ang mayroon ito.

Inilayo ko ang kamay sa door bell at huminga muna sandali bago muling titigan ang litratong hawak ko.

It was still the house behind the gate, wala  masyadong nagbago bukod sa kulay. The old trees were still there, mas mayabong at kulay luntian pa nga kaysa sa litrato.

Muli akong napabuga ng malalim na paghinga habang nakatitig doon at pabalik ulit sa nasa harapan ko.

Umayos ako ng tayo at muling hinila ang hawak kong maleta, nagpaskil ng ngiti at pilit na pinipilit ang sariling ayos lang ako. Magiging maayos lang ako.

Nagmamadali ko nang itinago ang litratong laman ang lalaking pakay ko. My dad, ang lalaking una kong minahal... At una ring bumasag sa puso ko.

Pababa na ang araw kaya nananayo na ang balahibo ko sa lamig ng simoy ng hanging ibang-iba sa pinaggalingan ko.

I heave another sigh before finally pushing the door bell. Isang beses, dalawang beses hanggang sa pang lima kung saan doon lang lumabas ang nakaunipormeng babae para madaluhan ako.

"Magandang hapon po!" masigla kong bati kahit na mukhang hindi siya matutuwa kapag nasabi ko na ang sadya ko.

Kunot noo siyang lumapit sa gate. Umatras ako nang bahagya at binati siya ulit.

"Magandang hapon po! Gusto ko lang pong itanong kung dito pa rin po ba nakatira si Mr. Almanzerano? Rucio Almanzerano po?"

Her jaw almost fell right after she heard what I said. Napatulala siya sa akin at tuluyan nang nahinto habang nakatitig sa mukha ko, as if she was looking at a ghost. Ngumiti ako ng malawak kahit na gulat pa rin siya.

"O-Oo," may pag-aalinlangang sagot ng may katandang kasambahay. "Anong pakay nila?"

I felt a sudden bile on my throat. I don't know if I should be happy or more nervous at that. Gayunpaman, nagawa ko pa ring tumindig nang maayos para sagutin siya.

"Ako po ang unang anak ni Rucio sa unang asawa niyang si Heaven, pwede ko po ba siyang makausap?"

Kung kanina ay mukhang nagulat siya nang makita ako, ngayon naman ay parang tuluyan na siyang mahihimatay sa mga sinabi ko.

I get it. Alam kong hindi niya ako kilala o maski siguro ang Mama ko at tingin niya ngayon sa akin ay nagsisinungaling, pero iyon ang totoo. I am Rucio's daughter at ang Mommy ang unang asawa niya.

"Manang?"

Napapitlag siya't binalikan ng katinuan sa pagpukaw ko. Lutang niyang nilingon ang bahay na kanyang pinanggalingan at pabalik ulit sa akin.

"P-Pero–"

"Alam ko pong may sarili ng pamilya ang Papa ko pero kailangan ko po siyang makausap. Please, kahit sandali lang po." may pagmamakaawa ko nang sabi.

Hindi dahil gusto kong kaawaan niya ako ngunit dahil iyon ang totoo kong nararamdaman bukod sa kaba at lungkot—awa para sa aking sarili.

"S-Sandali at sasabihin ko. Ano nga pala ang pangalan mo, Hija?"

Sinubukan kong ngumiti ulit para kunin ang loob niya.

"Roshlin... Roshlin Zabryna Catalina Almanzerano po."

Dancing With Cinderella (Cordova Empire Series 3)Where stories live. Discover now