Kabanata 1

1.3K 39 10
                                    

Ayesha POV

Kasalukuyan akong  nakatayo sa harapan ng puting pinto. May maliliit na salamin sa gitna nito at mababasa sa taas ang salitang operating room.

"La..."

Mahigpit kong niyakap ang girlfriend ko nasi Victorina.

Mag-iisang oras nakami rito pero nasa loob parin ang mga doctor at ang lola niyang si carmela.

Napaka bilis ng lahat. Kahapon ay okay pa siya. Kasama pa namin siyang nakikipag tawanan ngunit kinaumagahan ay ganito na ang nangyari.

Talaga ngang napakabilis ng panahon kapag masaya ka at mabagal naman kapag nasasaktan ka.

"Sino ang kamag-anak  ng pasyente?"

"Kami po doc" lumapit ito samin.

Nagsimula ng tumambol ang puso ko sa sasabihin nito.

Anytime ay maaring mawala ang taong pinakamamahal ni Victorina at alam kong magiging masakit ito para sakanya ngunit gagawin ko ang best ko para damayan siya.

Hinihintay namin ang salitang sasabihin niya ngunit wala parin itong sinasabi kaya lalo akong nakakaramdam ng kaba.

Nakahanda nako. Nakahanda nakong akuin ang responsibilidad para maalagaan si Victorina ngunit mas nanaig parin sa puso ko na sana ay okay si Carmela na sana ay hindi pa ito ang huli naming pagkikita.

"Palabas na po si doc hintayin lang natin ng konti nurse lang po ako dito kaya wala pa po akong maibibigay na kasagutan sainyo" 

Muntik ko ng mabali ang leeg ng lalakeng nasa harapan namin ng sabihin niya ang mga katagang iyon.

bwisit! kung makapagtanong akala ko naman doctor, nurse lang pala-_-

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Victorina kaya nawala ang atensyon ko sa bwisit na nurse.

Kahit mabigat ang kinalalagyan niya ngayon ay nagawa niya paring tumawa at dahil yon sa bwisit na nurse nato na akala namin ay doctor.

Kaya dahil diyan ay hindi nako naiinis sakanya dahil kahit papaano ay nawala ang mabigat na pasanin sa puso ni Victorina.

Biglang bumukas ang pinto sa pangalawang pagkakataon at ngayon ay lumabas ang lalakeng nakacoat na white at marahang lumapit samin.

Napalunok ako sa pagkakataong ito dahil alam ko siya na ang tunay na doctor. Siya na ang magsasabi ng tunay na kalagayan ni Carmela.

Malungkot ang mukha nito kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Victorina.

"Sorry but we've lost her" after what he said ay mabilis na nawala ang girlfriend ko sa kinatatayuan namin.

Nagpasalamat muna ko sa doctor bago tuluyang tumungo sa loob ng OR.

"Victorina..."

Tanging katagang nasambit ko. Hinayaan ko siyang umiyak sa tabi ni Carmela natigil lang siya ng sabihin ng nurse na kailangan ng dalhin sa morgue ang katawan ni Carmela.

Inalalayan ko siya palabas at pinaupo na muna.

Ako na ang umasikaso ng lahat ng bills nila sa ospital. Tinawagan ko narin sina mommy at si Abby para malaman ang nanagyari.

Noong una ay nagulat pa sila ngunit ng sabihin kong kailangan ng tulong ni Victorina para sa burol ng lola niya ay hindi na sila nagtanong pa.

Nalaman korin na ang dahilan ng pagkawala ni Carmela ay ang sakit niya sa baga dala narin ng katandaan ay tuluyan na nga itong namaalam.

Another Journey (book II Of AYESHA DELMUDO REYAL) GXG (COMPLETED)Where stories live. Discover now