Prologue

8 0 0
                                    

Sa bawat storya sa buhay, ito ay umiikot sa dalawang pamamaraan lamang: masaya at malungkot, pero ako, ako yung dapat masaya lang, dapat tinitingala ng lahat, niluluhudan ng lahat at higit sa lahat sinasamba, pero bakit?? Dahil ba mayaman ang pamilya ko? Dahil ba may ari ng isang eskuwelahan ang mga magulang ko?. Ako si Trixie Melrose Harriet ang makikilala bilang isang anak mayaman sa eskuwelahan ko, lahat sila tinitingala ako at iba sa kanila boss kung tawagin ako, ewan ko, pero hindi ito yung buhay na gusto ko, oo ma swerte na ako dahil meron ako ng wala yung mga nakakasama at nakakasalamuha ko, pero masaya bang halos lahat sila natatakot sayo, lahat sila nawawalan ng tiyansa na makilala mo dahil sa estado ng buhay mo??, gusto ko maranasan yung tratuhin akong isang normal na tao, yung parehas ng pag kakakilala nila sa isa’t isa, hindi ako artista na pang vip lang, gusto kong maranasan yung pang kalahatan.
Sisimulan ko sa pag kukuwento kung saan ayakong malaman nila ang totoong ako dahil sa estado ng buhay ko, kaso may isang taong laging gumulo sa isip ko, ang taong kilala ang pamilya ko, siya si Griffin Cornelius, isang anak ng business partner ng daddy ko sa Cornelius Building, isang lalaking halos lamunin ng kasikatan. Ang lalaking tinitilian ng kababaihan, magaling kumanta at sumayaw in short talented. Samahan niyo akong lakbayin/daanan ang magiging buhay ko bilang isang trixie.

SecretWhere stories live. Discover now