Is It You? - 40

334 8 3
                                    

A/N: Okay. Move on na tayo. Joke. Mahirap yun. Haha.

Warning: Bitin ang chapter na to. HAHAHAHA. I am evil. >:)

***

[Vince's POV]

"Kuya si Nix?"

"Wala pa nga eh. Yaan mo na. Baka ineenjoy yung christmas party. Last na eh."

"Ako niloloko mo, kuya? 7PM, christmas party?"

"Baka nag-eenjoy." Itong si Vianice daig pa ko mag-alala kay Annika. 

"Baka nga. Oy kuya."

"Ano?"

"Pillowfight tayo!"

"Ayoko! Pambata yan. Isip bata ka talaga Allaine." Tapos binato ko sya ng unan. Nandito kasi kami sa sala eh.

* BAM! *

Binato ako ni Vianice, sapul sa mukha. Takteng yan. Naalog utak ko dun ah.

"Tae Allaine Vianice. Sabing ayaoko eh. Yung utak ko maaalog, baka nakakalimutan mong BS Math ang course ko."

"Arte mo kuya. Ayaw ayaw ka pa, eh ikaw naman yung unang bumato ng unan. Cheche nito o!"

*BAM!*

Isa nanaman lumilipad na unan galing kay Vianice. Buti nalang nakailag ako. At naisip ko bigla kung pano mapapatigil si Vianice. Pano ba naman, tuloy tuloy sya sa pagbato ng unan.

"Ah ganon ah. Di ka titigil kakabato ah." Tumayo ako at naglakad palapit sakanya. Samantalaga sya, tuloy parin sa pagbato. 

"AHAHAHAHAHA. KUYAA! HAHAHAHA. AYO--HAHAHAHA-KO NA. HAHAHAAHHAHAHA."

EPIC FACE. Kiniliti ko sya eh. Ayan, tawa na ng tawa. Dahil nga gumaganti ako sakanya, hindi ako tumigil kakakiliti sakanya kahit kanina pa nya ko nasisipa. Takte, daig pa ni Vianice yung nagtaekwondo lessons pag kinikiliti.

"HAHAHAHAHA. KUYA HAAHAHAHA. Ayan na si Annika!"

"Hi Nix!" bati sakanya ni Vianice. 

Hindi sya pinansin ni Annika. Hanggang ngayon, nakayuko parin sya, nakatayo sa may pintuan ng bahay namin.

"Ay? Di pinansin yung enthusiastic kong bati."

"Batiin mo ulit."

"Ikaw na kiya. Snob nga kanina dina?"

"Psh. Ge na nga. Annika!"

Tumingin sya sakin tapos tumakbo sakin. Sabay yakap.

May problema to. Hindi lang basta problema. Nasaktan to. Ganito kasi si Annika simula bata pa kami. Pag may nang-aaway sakanya sa school, sakin yan tatakbo at yayakap. Ganyan si Annika. Ganyan ang baby ko.

"Annika, anong nangyare?"

"Kuya.." hinigpitan lang nya yung yakap nya sakin.

"Bakit? Ano nangyare? Tell me."

"*iyak*" 

NApagdesisyunan kong wag nag muna sya tanungin. Hinayaan ko muna syang umiyak ng umiyak para mailabas nya yung nararamdaman nya. Later on, nakiyakap na din si Vianice.

Maya-maya, kumalas na din si Annika sa yakap tapos nagpunas ng luha.

"Yuck. Nabasa ko yung shirt mo, kuya. Sorry. At ikaw ate, nakikiyakap to, eh si kuya lang naman niyakap ko."

"Hmp. Sungit nito ni Annika."

"Joke lang. Payakap nga sainyong dalawa. Dali." At kaming tatlo'y nagyakapan.

Is It You? [On Hold]Where stories live. Discover now