Is It You? - 23

326 6 4
                                    

A/N: Sorry talaga natagal yung update. Actually, dapat ipopost ko na to kahapon. Kaya lang habang tinatype ko, naexit yung wattpad. Shet lang diba? 

***

[Normal POV] 

Start na ng practice ni Annika at Gab para sa pageant. Kaya ang incharge ngayon sa mga team nila ay yung mga assistant captains. Si Joshua sa basketball, at si Steff naman sa cheerdance. Actually, si Andrea ang inassign ni Annika para maging incharge, kaso pumapel si Steff sa moderator nila kaya sya yung inappoint.

Maayos naman yung takbo ng practice ng basketball team unlike sa cheerdance team. Bakit? ayaw nilang sumunod kay Steff.

"ANO BA GUYS?! FORMATION NA SABI EH!"

Pag-ilang beses na yang sinigaw ni Steff pero hanggang ngayon, may kanya kanya praing agenda yung mga members. Yung iba nagtetemple run, yung iba nagwawattpad, yung iba nagkkwentuhan, yung iba naman nakatulala.

"UGH! BAHALA NGA KAYO SA BUHAY NYO!"

Sabay walk out ni Steff palabas ng gym.

Pagkalabas na pagkalabas nya, napuno ng tawanan at bulungan yung gym.

"Taraaay ni Ate! Walk out queen lang ang peg!"

"Makapag-walk out kala mo maganda."

"Tss. Madapa sana sya."

"Guys, ayos na tayo. Baka pagalitan tayo ni annika pag wala tayong napractice." - Andrea

Sumunod naman sakanya yung cheerdancers. Dahil sa pagwawalk out ni Steff, naging maayos yung rehersal ng cheerdance kahit kulang sila.

*****

[Annika's POV]

"Again."

Pfft. Nakakarindi na yang again ni Ms. Abbie. Kanina ko pa yan naririnig. Kasi naman si Lance eh! Parang tingting lumakad.

"Excuse me, Ms. Abbie. The directress wants to have a word with you."

"Okay. Gab, practice. Annika, guide him."

"Yes miss." sagot namin ni Lance.

Paglabas ni miss, sumalampak agad ng upo si Lance sa tabi ko. Mukhang pagod ang loko! Ang sarap pagtawanan! Hahaha! Ang sama ko noh?

"Hoy Lance! practice daw! Bakit ka nakaupo dyan?"

"Pwede wait?!"

Ay sarcastic si Koya. Epekto ba yan ng pagod?

"Sabi ko nga. Kasi naman kaw eh, dinaig mo pa yung tingting sa lakad mo!"

"ikaw na nagmodelling classes!"

"How di you know?"

"May kapatid ako. She's taking up modelling classes too. Parehas kayo ng way lumakad eh."

Ay?! May kapatid pala to! Ay hindi Annika! Malas naman ng batang yun, kuya nya si Lance. Haha! joke lang. ^_____^V

"Malas naman nung batang yun."

"Asa ka. Spoiled kaya yun sakin!"

"Ikaw na mabait na kuya!"

"Of course."

"Tama na nga chikahan natin. Practice ka na!"

Tumayo naman na si Lance para makapagpractice. At pagkatapos ng syam syam, natapos din sya at maayos na lumakad! Yeheey! Sakto naman dumating na ulit si Ms. Abbie.

"Ano Gab? Okay na?"

"Yes miss."

Pinalakad nya muna mag-isa si Gab then sabay na kami. Sa wakas! Tapos na kami sa entrance. Introduction naman yung ppracticin namin. Corny nga ng inroduction eh. May pinadalang instruction yung head ng interschool para sa intro, para daw pareparehas ng way ng pagpapakilala yung candidates. 

"Okay, Annika. Try introducing yourself usong the instruction given."

"Good afternoon, ladies and gentlemen! I am Annika Vernice Villafuerte, representing Periwinkle Academy!"

Ang cute ng name ng school namin noh? Periwinkle. :D

"Good. Ikaw naman, Lance."

"Good afternoon, ladies ang gentlemen! I am Lance Gabriel Bautista, representing Periwinkle Academy!"

Oh shet. Ang gwapo ng boses ni Lance. :"> Yung tipong kahit may ginagawa kang importante mapapatigil ka at mapapatingin sakanya dahil sa gwapo ng boses nya. :"". Oh em gee lang.

"Okay naman pala yung tone at voice modulation nyo eh. So hindi na natin yan masyadong ppractisin. Ay! Before I forget, asan na pala yung pictures nyo? Show it to me pagbalik ko galing sa CR ah."

"Yes, miss."

Haaaallllaaaaa! Nakakahiya yung picture ko! Papagtawanan nanaman to ni lance for sure! Hmpf. >.<

"Vernice, patingin ng picture mo."

"ayaw ko."

"Dali na. Damot nito."

"Eh ayaw ko eh."

"Panget mo talaga."

"Oy hindi ah! Tingnan mo pa!"

Wrong move, Annika. Nakita tuloy ni lance picture ko.

"As expected."

"oo na, panget na."

"Wait ha. Di pa kasi ako tapos. As expected. You're beautiful."

Eeeeh. :"> Flattered naman ako dun!

"I know. *insert confident smile here* patingin picture mo!"

"Oh. Gwapo yan."

Oo nga. Gwapo nga. Sya na!

"Oh, asan na yung pictures nyo?"

(A/N: Annika's and Gab's picture on the side.)

inabot na namin yung pictures namin.

"You two really make up a good pair. Anyway, wala na tayong practice bukas. Kailangan daw kayo ng teams nyo. Yan yung sinabi sakin ng directress kanina, alam nyo naman yun, seryoso pagdating sa mga interschool competitions. Pag-usapan nyo nalang kung anong ippresent nyo sa talent portion. you may now go back to your respective teams."

Le shet. May talent pa pala. <//3 

Is It You? [On Hold]Where stories live. Discover now