SB: Chapter 13

9K 222 6
                                    

Joseff's POV

Mary is acting weird towards me these past few days. She seemed okay with the others. Nakikipag laro parin naman sya sa mga pasyente ko at nakikipag kuwentuhan sa mga utilities and nurses sa hospital pero parang iniiwasan nya ako.

“Mamaya na yung reunion. Should we go?” Tanong ko. I was leaning at the kitchen counter and she's at the dining table wrapping some brownies she baked for the kids.

Bahagya syang natigilan pero hindi sya lumingon sa akin. Pinagpatuloy lang nya ang ginagawa nya.

“We promised our attendance to your mom. Dapat lang tayong pumunta.” Walang anumang sabi nya.

Tumayo sya at pumunta sa sink para maghugas ng kamay.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod. I felt her stiffen.

“I'm feeling like I've missed you. Nandyan ka lang naman. Pero bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako? Is there's something wrong sweetheart?”

Hinarap ko sya sa akin. Ikinulong ko sya sa pagitan ng mga braso ko.

Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. I was going to kiss her but she moved her face, my lips landed on her cheeks.

Napabuntong hininga ako. Something's really wrong.

Bahagya nya akong itinulak at walang sabing iniwanan akong naguguluhan.

Tumakbo sya paakyat ng hagdan. Narinig ko din ang malakas na pagsara ng pintuan ng kuwarto nya.

------

Napabuga ako ng malalim na hininga habang hinihintay ko ang pagbaba ni Mary.

Isang oras nalang ay magsisimula na ang reunion at wala akong balak magpa late. Ayaw ko ng grand entrance.

“Sweetheart, aren't you done yet?” I asked. Alam kong may problema kami at balak kong isantabi muna iyon para kay mom.

Narinig ko ang yabag nya pababa ng hagdan. Kaagad akong nag angat ng tingin, only to be amazed by the beauty she has.

Nakasuot sya ng long sleeved dress na hangang sa tuhod lang ang haba at ang kulay ay off white na may mga disenyo ng burdadong bulaklak. Simpleng makeup at inilugay nya lamang ang mahaba at natural na kulot nyang buhok.

Pagbaba nya ay nilampasan nya ako. Niyakap ko sya mula sa likod nang mahabol ko sya.

“You look so beautiful sweetheart. Let's be okay even just for tonight.”

I let out a deep sigh. Bahagya kong hinawakan ang kamay nya at hinila sya palapit sa akin.

“Alam kong may problema tayo. And believe me, halos hindi ako makapag isip ng maayos lalo't hindi mo ako pinapansin. It's damn frustrating sweetheart.”

Humarap sya sa akin at marahang tinampal ang bibig ko. Napakunot noo ako.

“Bad words Dr. Yeo.” Napangiti ako at niyakap sya ng mahigpit.

“I missed you sweetheart. No more silent treatment please. Let's talk later okay?”

Nakahinga ako nang maluwag nang marahan syang tumango at ngumiti sa akin.

Mabilis lang ang naging biyahe namin papunta sa hotel kung saan gaganapin ang reunion.

Matapos kong ma-ipark ang sasakyan ay nahawak ako ng mahigpit sa manibela at nagpakawala ng malalim na buntung hininga.

Halos sampung taon kong hindi nakita ang mga kamag anak ko mula sa daddy ko at wala silang alam sa alitan namin.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng mainit na kamay ni Mary Julienne sa mukha ko na nagpakalma sa akin.

Sleeping Beauty (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon