SB: Chapter 18

8.7K 193 8
                                    


Joseff's POV

I woke up with the smell of coffee. Awtomatiko akong napangiti. Kinapa ko ang gilid ng kama pero di ko mahanap si Mary sa bahaging iyo kama kaya unti-unti ko nang binuksan ang mga mata ko.

"Ang tagal mong gumising. Muntik ko nang kainin mag isa itong breakfast. Hindi na tayo nakapag dinner kagabi. Gutom na gutom na ako."

Nagrereklamong pahayag nya. Umupo sya sa kama at inilapag ang tray na punong puno ng pag kain at umuusok sa init na kape.

"Good Morning sweetheart! Sorry, pinagod mo ako kagabi e." Natatawang sambit ko. Nakita ko ang pamumula nya. Bahagya nya akong hinampas ng unan.

"Dr. Yeo!! Ang aga ha! Nakakainis ka."

She's wearing her usual messy bun hair and my white v-neck shirt. God! She looks so beautiful. Hindi ako magsasawang titigan sya.


I could give up everything just to make sure that every time I'll wake up, I'll be seeing this beautiful scenery.

Natigilan ako sa nang lumapit sya sa akin, nakasubo pa ang isang croissant sa bibig nya.Pinunasan nya ang gilid ng labi ko gamit ang hinlalaki nya at binigyan ako ng ngiting lalong nagpa liwanag sa buong paligid.


"Ang kalat mong kumain Dr. Yeo. Para kang bata."


Napailing ako at inabot ang magkabilang pisngi nya para ikulong sa mga kamay ko. Kumunot noo sya at kinuha ko ang croissant mula sa bibig nya at marahang pinunasan ang mga bread crumbs sa may gilid ng bibig nya na umabot sa may pisngi nya.


"Ang kalat mong kumain Ms. Andrade. Para kang bata." Natatawang pang gagaya ko sa tono nya kanina.Naiinis na tinampal nya ang mga kamay ko. Binitawan nya ang hawak nyang croissant at humarap sa akin. Binigyan nya ako ng isang napakatamis na ngiti.Lumapit sya sa akin at kinuha ang tasa ng kape na hawak ko at inilapag iyon sa tray. Hinawakan nya ang braso ko at iniakbay iyon sa sarili nya bago nya ako tingalain at niyakap ako mula sa tagiliran ko.


"Sweetheart. Day off mo ngayon diba?" Nakangiting saad nya. Kumunot noo ako at bahagyang inayos ang comforter namin dahil medyo sagabal ito sa pagitan namin.


"Yeah. Why?"

I asked. She smiled at me again and this time, it's kind off creepy.

"Naalala mo yung sinabi mo kagabi?" Kinuha nya ang tinidor at tumusok ng isang sausage tapos ay isinubo nya iyon sa akin.


"Alin?"


Pinunasan nya ang gilid ng labi ko.

"Yung basketball game?" Patanong na sabi nya.I froze when I heard what she said. Actually, wala akong balak na tuparin ang sinabi ko sa kanya. Hindi dapat sya magkagusto sa ibang lalake!Tumikhim ako.

"How about the zoo?"

Tanong ko sa kanya. Sumimangot sya at bahagyang umirap sa akin. Uh,oh.

"Ocean Park?" Bahagya syang nag isip pero umiling din sya kaagad.

"Amusement park?" Umiling sya uli.

"How about overnight at the beach?" Nag isip din sya uli pero umiling din. I sighed.

"Sweetheart naman. Do you want to torture me? You want to go to a place where you can drool over to your crush?" Reklamo ko.

Kumalas sya ng yakap sa akin at tumalikod.

"It's just a crush. Hindi ko naman sya pakakasalan. Ni hindi nya nga ako kilala."

"I know."

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya mula sa likod. I know she loved it when I'm doing that. She tried to brush me away with her shoulders but I've tighten my arms that's wrapped around her.

Sleeping Beauty (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora