Chapter 46

24.3K 243 35
                                    

MELODY'S POV

"Are you sure hindi mo na kailangan ng kasama sa loob?" tanong sa akin ni Adam. I can see na kinakabahan din siya,siguro dahil nakikita niyang nagpa panic na din ako.

"Okay lang ako,itetext nalang kita mamaya ha?sige salamat sa paghatid." hindi ko na hinintay na makapagsalita si Adam at dumiretso na akong pumasok sa school. 

Buti nalang at kilala ako nung guard kaya naman kahit naka civilian ako ay pinapasok niya ako.

Habang naglalakad ako sa papuntang building namin,halos bawat nakakasalubong kong estudyante,iisa ang pinag uusapan. Si Sir Kris.

Lalo kong binilisan ang pagpunta sa building. Mas lalo akong kinakabahan habang papalapit ako sa bulletin ng school namin sa main lobby.

"Mine!!!"bati agad sa akin ni Kairie na naghihintay doon kasama sila Cheska. Punong puno ng pag aalala yung mukha nila. 

"Anong nangyayari?bakit ba masyadong malaking balita sa kanila yang lintik na picture na yan?" halos pagalit ko ng sabi.

"Its a big issue of course,student-professor relationship ba naman. Lalo na si Sir Kris yan Kapatid. You can never blame them." Yannie

Oo nga naman. Wala nga palang ibang ginagawa ang mga tao dito sa paaralan na to kung hindi pagkaguluhan ang buhay ng ibang tao.

Lumapit ako doon sa bulletin board habang hinahawi nila Yannie yung mga tao. At noong makita ko..

hindi ako pwedeng magkamali.. 

Kami nga yun..

yun yung simbahan na pinuntahan namin. Sh*t. blured na blured ang mukha at katawan ko pero kay Kris kitang kita mo ng malinaw yung mukha niya.

"Muff,may idea ka kung sino yan? As far as I can remember,wala pa talagang nagiging close si Sir Kris na babae dito sa school" Cheska.

"H..huh?wa..wala siyang nababanggit sakin. Personal life niya yun,wala akong karapatan tanungin siya." halos mahina kong sagot kay Cheska.

"Kawawa naman si pers kras mo Mine,kanina pa siya hinahanap ng mga tao dito sa school. Kaso walang kahit sino makakita sa kanya.wala siya sa office niya. Si Dean naman hindi nagsasalita about sa issue." Kairie

"Oo nga,ang balita ko nga pinapahanap na nila yung nagkalat nung picture. Pinapatanggal na nga yang picture na yan,tsk kaso pinagpe pyestahan pa nila." Yannie

Wala akong maisagot sa kanila. Isa lang ang nasa isip ko,kailangan ako ni KK ko :(

Maya maya nag ring yung phone ko.

**ZIA CALLING**

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Where stories live. Discover now