Chapter 1

90.8K 1K 61
                                    

Pagkadating ko sa classroom, agad kong ibinaba ang libro at gamit ko. Ipinaibabaw ko sa libro ko ang papel kung saan nakasulat ang assignment ko. First subject ko din naman ito ipapasa. 

Mukhang napaaga nanaman ako ng pasok. At ayoko talaga ng maaga ako. Wala pa si Cheska kaya mag isa nanaman ako dito sa gilid at nakikinig nalang ng mga kanta sa ipod ko. 

"Hi Melody, friend" isang matangkad na babae ang lumapit sa akin na may napakalapad na ngiti sa mukha. Narinig ko palang yung word na 'friend' kinikilabutan na ako. 

"Hello. Morning!." pilit din akong ngumiti sa kanya at saka tinanggal ang earphones sa tenga ko. Gusto ko na sanang magkunwari na hindi ko siya narinig kaso alam kong kukulitin din niya ako. Hay buhay. 

“Uhm,ano kasi.  Ano ba yung nakasulat dun sa blackboard kahapon? nabasa mo ba?Hindi ko kasi nasulat eh” yung isa niyang kamay, nakahawak na doon sa papel ko na nasa ibabaw ng libro. Tapos yung mga mata niya, akala mong nagpapacute na ewan. Kadiri!. Nahiya na ko talaga,nagpaalam pa siya di ba?! 

Simula noong lunes na nagsimulang mamigay ng assignment, ganito na ang linya niya sa akin. Na nakalimutan daw nya kopyahin yung mga naisulat sa board. Nakakainis kasi ako lang ba ang tao dito sa classroom?. Kung tutuusin nga, bago lang ako. Oo, irregular student kasi ako, kaya kumbaga, bagong salta lang ako dito sa section nila. 

Dahil alam ko na kung anong gusto niyang mangyari, tinanggal ko yung kamay ko na nakapatong sa papel at hinayaang makuha niya ito. “Oh ayan na kopyahin mo na.  10 minutes nalang at dadating na si Sir.” at saka ko ibinalik sa tenga ko ang earphones. 

“Salamat friend, don’t worry next time kokopyahin ko na yung assignments.” then she gave me her signature fake smile.  

“Next time daw,ilang beses na kaya niya sinabi yung next time na yun” pabulong kong sabi habang nakatingin pa din siya sakin at nakangiti. Seryoso na ito, wala ba siyang mata para di niya makita yung mga nakasulat sa board? O baka wala siyang ballpen para magsulat? Grabe naman nito,kawawang bata. Ang sarap tirisin. 

“Ano sabi mo Melody? May sinasabi ka ba friend?” napatigil pa siya sa paglalakad. Aba naman talaga,talas ng tenga. 

  “Wala sabi ko kopyahin mo na yung assignment, friend” I said sarcastically.

“Sige thank you ulit. Dun lang ako sa upuan ko ha?” patalon talon pa siyang pumunta dun sa upuan niya at nakipag kumpulan na din dun yung mga kaibigan niyang walang assignment. Tamad alert! Tamad alert!  

Gusto ko na ulit magpalit ng semester! Alam niyo yun?! Di ako pinag aral ng Daddy ko para ibang tao ang makinabang ng natututunan ko! Nakakainis naman na din kasi ! Yung tipong pinagpuyatan ko yung assignment tapos pagdating ko, parang akala mong chismis na kumalat yung answer sheet ko sa buong room namin. 

 Napa buntong-hininga nalang ako sabay yuko sa desk ko. Bwisit talaga. 

“Goodmorning muff” biglang kalabit sakin ni Cheska. Hay salamat nandito na siya. 

“Hello” matabang kong sagot. 

“Ano nanaman problema mo at naka kunot yang noo mo?” 

“Ay nako,paano yung papel ko ayun fly away nanaman.” napakunot noo nalang ako sa sobrang inis.

“Ahh kinuha nanaman ng mga holdaper?” 

“Oo,ang galing ng mga tao dito,nakaka hiya naman sa kanila eh.Pinaghirapan nila yun, hiyang hiya na din ako, muff! Mahiya ka din! Dali!” sadya kong nilakasan yung boses ko,baka naman kasi sakaling marinig nila at medyo ma realize nila na naiinis ako! 

“Hindi ka pa nasanay,1 week palang ng class ganyan na sila. Lagot lang sila kapag nahuli sila ni Sir” pag sang-ayon ni Cheska.

“Muff, 'di naman sa nagdadamot ako, kilala mo namana ko 'di ba?Pero yung halos araw arawin na nila?Di na makatarungan 'yon! Kung sana ba eh sinamahan nila akong magpuyat at mg research para sagutan yan eh." aba talaga naman kasi. Para sa akin, di masama ipagdamot 'yong isang bagay na alam kong pinaghirapan kong gawin. 

Ang lesson ko pala dito,dapat sasabihin ko wala akong assignment noh?! Para naman ma push silang makinig sa professor. 

Habang nagkakagulo ang mga classmates ko sa pagkopya,...... 

“Goodmorning class” yung malaki palang nyang boses, alam na agad kung sino pumasok. Creepy kaya 'yan. Dala dala nanaman nya yung laptop,libro, kape and as usual yung isang box nyang doughnut. Tuwing umaga may dala siyang ganyan. Di ba siya nagsasawa?

Biglang ayos ng upo ng mga mokong. Ay grabe,sarap picture-an! May nadapa pa papunta sa upuan niya. Mga nagsi -ayos na kami ng upo dahil itong professor namin na ito,well,medyo terror kahit bago palang. Pero may maipagmamalaki naman,matalino eh. 

Habang bubuklatin ko sana yung libro ko, napalingon ako doon sa iba kong mga babaeng classmates. And as usual,para silang nakakita ng isang artista at nagniningning ang mga mata nila. 

At ito pa,isang tanong ang tuluyang gumugulo sa isipan ko,bakit ba ang daming nagkaka crush at nagpapantasya sa nerd,masungit,pa-cool,at matalinong lalaking ito?! Kasi naman,professor yan tapos kung makatingin sila kala mo huhubaran nila eh. Di ba nila alam yung 'respect?' 

“Huy muff,ang gwapo ni Sir noh?” pabulong na sabi sakin ni Cheska habang wagas makangiti! Isa pa tong bestfriend ko!

“Whatever muff ayan ka nanaman” sagot ko. Eh sa wala siyang dating sakin eh bakit ba!! 

“Tsk Ms.Hopeless Romantic na old fashioned, bakit ba  walang effect si sir sa'yo ha?” Cheska. 

"Hindi sa walang effect, he's just not my type Muff. And besides, ayoko ng dumagdag sa populasyon niyo na mga nagkakagusto sa kanya." seriously,populasyon kasi madami sila. 

Habang nakatingin lang kami at nag aantay kay Sir sa kung ano ang sasabihin at ipapagawa niya sa amin ngayon... 

“What’s that?” turo ni Sir sa isang papel na nasa lapag. Walang kumikibo.Halos lahat tahimik na nakatingin lang 'don sa papel. Kaso 'nong ako naman ang lumingon para I-check kung ano 'yon.... 

Aba pasintabi pero PAKSHET PO! Papel ko yun! Papel ko yun! Yung mga walanghiya at makakapal na mukha kong kaklase, pinabayaan nalang basta sa lapag ang papel ko! 

Lumapit si Sir sa gitna at pinulot ang papel na nakita 'niya. “Miss Melody Aguilar?This is your paper?” pagtingin na pagkatingin niya sakin, kasabay din 'non ang panlalaki ng mata ko. Hindi ko alam pero parang gusto kong magpalamon sa lupa ngayon. 

“Uhm, yes sir” mahina kong sagot. 

“Then bakit nasa lapag 'to?” this time, nakakunot na ang noo ni Sir Kris. 

“Ahhhh eh kasi po... 

Mage- explain palang sana ako pero kinuha niya yung papel ng nasa harapan kong classmate at pinag-compare ang sagot! 

“Same way of solving the problem. Even the spacing is the same. So, you’re cheating now Ms.Aguilar?Kung hindi ako nagkakamali,you’re a Dean’s Lister right?” 

“Sir...it's not what you think-- 

“I don’t have time for your excuses Ms.Aguilar.Everyone, put all your papers on your desks! I’ll check them one by one .At kapag pareho kayo ng sagot at paraan ng pag solve, magkikita tayo mamaya!!” pagalit na sabi ni Sir. 

“And you Ms.Aguilar."  sabay duro niya sakin 

...Nakakahiya ka, such a disgrace for this section." Sir Kris 

Aba wait, stop right there. Ako? disgrace? San niyang planeta nakuha 'yon? 

So ganito? Ako na nagpa kopya, ako pa ang papagalitan?!Bakit hindi man lang niya kasi pakinggan ang explanation ko?!Bwisit lang! bwisit! 

Hindi porket gwapo siya at mala-batalyon ang dami ng nagkakagusto sa kanya eh papalampasin ko 'yong ginawa nya! 

Never in my entire life na naisip kong sasabihin ko ito. Pero I hate you sir! I hate you to the moon and back! 

I Hate You, Sir! (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon