Chapter 7

266 37 2
                                    

------

Ilang minuto na ang nakakalipas pero hindi pa din dumadating si prof. Kaya naman napag pasyahan naming pumunta muna sa cafeteria nagugutom na din kasi ko dahil hindi pa ko nakakapag breakfast

Naglalakad kami ngayon papunta sa cafeteria ng may makita kaming nag k-kumpulan

Anong meron dun? "takang tanong ko

Ewan ko tingnan natin "sabi ni jaydee agad naman kaming naglakad para tingnan kung anong meron

Makikipag siksikan na sana kami ng marinig namin yung sigawan ng mga students

Ang popogi!!

Pogi mo gabbo!!

Paps!!

Rinig naming sigawan ng mga babae napapatalon pa sila dahil sa kilig, hindi kami makasiksik dahil nga sobrang dami ng mga students

Tara sa unahan" saad ni brei bago hinawakan yung kamay ni lara

Ayuko kayo nalang si gabb lang naman yan" saad ko

Sige dyan ka lang wag kang aalis"saad ni frances bago sila nakipag siksikan sa mga students

Naisip ko naman na pumunta muna sa walang gaanong students dahil nga nadidikdik ako dito sa pwesto ko

Aalis na sana ako ng bigla kong maramdaman na nag ba-vibrate yung phone ko agad ko itong kinuha sa bulsa para tingnan pero tinulak ako ng isang student kaya naman mas napunta ako sa pinaka gitna as in ipit na ipit na talaga ko

patuloy pa din ang pagtutulakan nila hanggang makarating ako sa unahan banas na banas na ko dahil sobrang dami ng student na nagsisiksikan, isang malakas na tulak ulit ang naramdaman ko mula sa likod dahilan yun kaya nabitawan ko yung phone ko at hindi ko na alam kung saan ito tumalsik

Potekk yung phone ko!" inis na sabi ko napahilamos nalang ako ng mukha dahil sa sobrang inis

GABB POV

Habang pinag kakaguluhan kami dito sa unahan may isang phone na tumalsik sa harap ko agad ko naman itong kinuha para tingnan napangiti ako ng makita ko wallpaper ng phone

Alam ko kung sino may ari nun dahil picture nya ang naka wallpaper sa phone nya palihim ko itong tinago bago bumalik sa pwesto ko

Napatingin ako ng kalbitin ako ni drake

Gabb sila jaydee" sabi nya sabay turo sa direksyon nila jaydee agad naman akong naglakad papalapit sa kanila

Grabe ka gabbo dahil sayo nagkagulo yung mga students "nakangising saad ni brei

Hoyyy bumalik na kayo sa mga room nyo!! "natatawang sigaw ni jaydee sa mga students pero hindi pa din sila nag sisialisan

Maya maya lang ay nag sitabi na din yung mga students ng dumating yung grupo nila josh tuloy tuloy lang silang naglakad papunta kay gabb

Hmm ikaw pala ang pinag kakaguluhan dito" saad ni josh habang nakatingin sakin tumingin din ako sakanya bago nag salita

Ano naman? "walang emosyong sabi ko lumapit sya sakin at may binulong

Layuan mo si coleen! "bulong nya bago nag lakad paalis diko alam kung sinong coleen yung sinasabi nya pero ramdam ko yung galit sa tono ng boses nya

Hoy gabbo anong sinabi sayo? "takang tanong ni jaydee dahil hindi nila narinig yung sinabi ni josh

Wala" sagot ko bago naglakad papunta sa cafe

Teka nasan pala si coleen?"sambit ni lara habang lumilingon lingon napatigil ako ng marinig ko yung sinabi nyang yun

MNL48 Series Book 2-Rewrite the starsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon