Chapter 04

400 10 0
                                    

Nasa garden ako ngayon habang nakain ng meryenda. Nagpapahangin lang habang nagiisip.

Umiiyak ako kanina pag gising ko diba? Naalala ko na kung bakit. Baka dahil dun sa napanaginipan ko kagabi. Ang pinagtataka ko lang. Bakit ako iiyak ng dahil lang sa panaginip na yun.

" Ice... "

" Ice... "

" Ice... "

Argh! Nag-eecho yung boses niya sa utak ko! Fuck that lucid dream!

Pero.

Nakatulog naman ako ng mahimbing diba?

Hayaan na nga ang babaeng yun! She's just a dream. Ang importante masarap na ulit ang tulog ko.

Right! She's just a dream. No big deal.

Wala akong ginawa maghapon. Sound trip lang. Napapaisip din ako tungkol kay Gray. Kailan kaya siya magbabago? Sino kayang magpapatino sa kanya? He's a pervert, playboy, air head and a stupid fuckin' ugly raper.

But life will find a way.

After kong magisip ng kung ano ano. Pumasok na ako sa loob at naghanap ng makakain. Wala ang Mom ko ngayon. Nasa work siya. She's an accountant.

Umakyat na ako sa room ko at nanood ng DVD's. Jigoku Shoujo the hell girl ang pinanood ko. Habang nanonood ako may narinig akong kumakatok sa pinto ko.

" Come in! It's open! " - sigaw ko sa kung sino man yun.

* silence *

* nak! * nak! * nak! *

" Damn it! I said it's fuckin' open! " - sigaw ko. Sino ba kasi yun?!

* nak! * nak! * nak! *

Fuck! Tumayo na ako at padabog na naglakad palapit sa pinto sabay bukas nito.

" I said it's fuckin' op--- " - natigilan ako ng wala akong nakitang tao sa labas ng pintuan ko.

Ano kaya yun?

Lumingon ako sa kaliwa at kanan. Pero wala namang tao. May nangtitrip ba sakin? Baka si Mom? Impossible naman yun. Baka si Gray?

" Gray! " - sigaw ko pero walang sumasagot. Sisigaw na sana ulit ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

" Ice... " - sabi ng isang tinig babae.

Medyo mahina ang boses niya at halos pabulong na. Kaya tumahimik muna ako saglit para mas marinig ko kung saan nanggagaling ang tinig na iyon.

" I-Ice... " - pangalawang tawag niya. Mas malinaw na ang boses niya ngayon kahit parang nauutal utal pa. At mukang nanggagaling ito sa bathroom ko.

Dahan dahan akong humahakbang papalapit. Teka?! Paano naman nagkaroon ng babae sa bathroom ko? At lalapitan ko pa talaga?! Diba dapat tumawag na ako ng police? Baka mamamatay tao yan!

Pupunta na sana ako sa kama ko kung saan nandun ang cellphone ko ng may nakita ako. Isang babaeng nakaupo sa gilid ng kama at umiiyak.

" I-Ice... t-tulong... " - mahinang sabi niya habang umiiyak. Agad akong lumapit sa kanya. Bigla siyang humarap sakin at tumitig sa aking mata. Punong puno ng luha ang mga mata niya. Nangungusap ang mga ito.

Siya yung babae sa tulay! Bakit siya nandito?!

" I-Ice t-tulungan mo kami... Nagmamakaawa a-ako. I-Ice t-tulong... " - sabi niya habang nagmamakaawa sakin. Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Punong puno ito ng emosyon. Kitang kita ko ang lungkot at takot.

Bigla akong nasaktan para sa kanya. Kung ano man ang problema niya. Gusto ko siyang tulungan.

" Ssshhh don't cry. It's going to be alright. " - pagpapatahan ko sa kanya. Hahawakan ko na sana siya ng biglang naging blurred ang muka niya. Syempre nataranta ako.

" Miss! " - sigaw ko habang pinipilit ko siyang hawakan. Lumalabo na kasi siya ng tuluyan. Hanggang sa parang nagiging usok na lang siya.

" I-Ice wag mo kaming pababayaan... K-Kailangan ka namin... " - sabi niya hanggang sa tinangay na ng hangin ang kabuuan niya.

" Miss! " - sigaw ko sa kanya.

Ano bang nangyayari?! Bakit ganun?! Ano bang nangyayari sakin?! Nababaliw na ba ako?! No!

" Miss! " - sigaw kong muli.

I can't control my emotions! Fuck! What's happening to me?! Naiiyak na ako! Bakit parang nasasaktan ako?!

" Miss! Miss! Miss! " - sigaw lang ako ng sigaw and I don't even know why.

" Miss... miss... miss... "

" Ice anak wake up. "

" Miss... miss... miss... "

" Baby wake up. "

" Miss... miss... miss... "

" Please baby calm down. Mommy is here. Wake up baby wake up. "

" MMMIIISSSSSS!!! "

" Ssshhh! Baby! Calm down! " - sigaw sakin ni Mom.

Bakit hingal na hingal ako? Bakit pawis na pawis ako? Anong nangyari? Bakit parang. Bakit parang takot na takot ako.

" M-Mom. " - sabi ko sabay yakap sa Mom ko ng sobrang higpit at saka umiyak.

" Ssshhh... nandito na ang mommy. It's just a nightmare. It's not real okay? Everything's going to be fine. Tahan na. " - pagpapatahan sakin ni Mom.

It's just a nightmare...

It's not real...

Everything's going to be fine...

" No! N-No! No! S-She needs me! The girl needs me! She told me that I have to help them! S-She needs me mom. " - I said while crying. I just really need my Mom right now. I feel so hopeless.

Lucid dreamingWhere stories live. Discover now