Chapter 06

293 9 0
                                    

" Ice. " - tawag sakin ng babaeng katabi ko. Lumingon lang ako sa kanya habang siya nakatingin parin sa mga batang masiglang naglalaro.

" Hmmm? "

" Magiging maayos din ang lahat pagkatapos nito. Wag kang matatakot sa mga nangyayari. Basta wag mo lang kami kakalimutan. " - sabi niya habang may tumutulong luha sa kanyang mga mata.

" What are you saying? " - tanong ko ng puno ng pagtataka. Humarap siya sakin at pilit akong binigyan ng isang ngiti.

Ngiting nakapagpigil sa aking hininga. Ngiting nagparamdam sa akin na ako'y kailangan niya. Ngiti na nanaisin ng sino man na makita. Ngiting dahilan kung bakit minahal ko siya. Oo.

Mahal ko na siya.

Hindi ko alam kung bakit at paano. Basta ang alam ko mahal ko na siya. Sa iilang beses naming pagkikita. Minahal ko na siya agad. At kung panaginip man ito. Sana.

Sana hindi na ako magising pa.

" Kailangan mo ng gumising Ice. " - sabi niya ng masigla.

" Wait what? " - tanong ko sa kanya.

" Gumising ka Ice! " - narinig kong sigaw ng kung sino.

" Mom? " - sabi ko ng mabosesan ang kung sino man na tumatawag sa akin.

" Gumising ka Ice! Gumising ka!" - sigaw muli ng Mom ko pero hindi ko naman siya makita. Unti unting nawawala ang paraisong kanina lang ay punong puno ng kulay. Buong paligid ay hinihigop ng hangin paitaas. Hanggang sa lumutang ako sa kawalan.

Puro puti na lang ang naiwan. Wala na akong iba pang makita kundi kulay puti. Naiwan akong mag isa. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa sobrang lamig na naramdaman ko. Nilalamig ako. Sa sobrang puti ng paligid ay nilalamig na ako.

Oh God please help me. Mamamatay na ba ako? I just want a goodnight sleep. Why is this happening to me? I don't want to die please.

Mom...

I love you...

Pumikit na lang ako. Mom said wake up. Maybe I just need to wake up.

Wake up Ice!

You fuckin' chicken! Wake up!

Wake up...

Wake up...

Wake up...

" Come on baby wake up! "

* hingal *

* ubo *

* hingal *

* ubo *

* hingal *

* ubo *

Nagising ako ng hingal na hingal at ubo ng ubo na para bang ako'y nalunod. Nasa isang malamig na kwarto at may doktor sa harapan ko.

" Oh! Thank God! " - sigaw ni Mom sabay yakap sakin ng sobrang higpit.

" M-Mom? " - sabi ko sabay tingin sa kanya. Naiiyak nanaman ako.

Why so fuckin' gay Ice?!

" Yes baby? " - she answered.

" M-Mom. I-I'm scared. " - sabi ko.

" Ssshhh... tahan na baby ko. " - pagpapatahan sakin ni Mom.

" M-Mom... I saw her again. T-The girl. The girl at the edge of the bridge. She's smiling now but told me they still need me Mom. What should I do? I r-really want to help Mom. I really d-do. " - I said while crying on her shoulder.

" Ssshhh... you need to rest. We will talk about that later okay? " - Mom said then kiss me on my cheeks.

Pinakalma niya lang ulit ako saglit saka lumabas ng hospital room. At ako eto. Nakaupo sa kama. Nakatulala at inaalala ang mga nangyari. Inaalala ang aking mga nakita. Inaalala ang mukha niya. Ang tinig niya. Pati na rin ang mga ngiti niya. I already miss her.

The way she talks. The way she smile. The way she looks at me. Para bang napaka espesyal ko para sa kanya. And I need to see her again. I need to be with her again. I need to save her like what she told me. Pero paano? Saan ako magsisimula? She's just a dream. Pero bakit parang totoo siya? Argh! I'm going insane!

Ibinagsak ko ang katawan ko sa hospital bed dahil sa frustrate. What am I going to do?! I need a plan!

Lucid dream. I need you again. Not to give me a goodnight sleep. But to help me see that girl again. I need to be with her. Cause if not. I'm going to loose my mind. Nahiga na ako sa tamang posisyon at ginawa ulit ang mga steps.

" Baby Ice wake up. " - nagising ako dahil sa mahinang boses ni Mom at sa mahinang pag alog niya sa akin.

" Hmmm... " - mahinang ungol ko habang iminumulat ang aking mga mata.

" Ice nandito na ang psychiatrist mo. " - sabi ni Mom. Umupo ako para mawala ang pagkalasing ko sa antok.

" Goodmorning. " - bati ko sa kanila saka humikab.

" Did you sleep well? " - tanong sakin ng psychiatrist ko.

" Of course--- " - natigilan ako.

Wait? Ano nga bang nangyari sa tulog ko? Did I dream about her? Bakit hindi ko maalala?! Fuck it! Alalahanin mo Ice!

Hindi! Hindi ko siya napanaginipan! Bakit? Paanong? Paanong nangyari yun? Diba dapat makikita ko ulit siya?! Ano bang kalokohan ito?!

Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinignan ng maigi ang procedure ng lucid dream. Inaalala kung nagawa ko ba lahat ng tama. Nakita ko namang tama lahat ng ginawa ko. Pero bakit wala siya?! Ano ba!

" Ice? " - tawag sa akin ng psychiatrist ko.

" Mom! " - sigaw ko sa Mom ko na parang batang magsusumbong.

" Y-Yes baby? " - sagot ni Mom na medyo natataranta.

" M-Mom! I think s-she's gone! I think she's gone Mom! Where the hell did she go?! I want to see her. I want to talk to her. I want to be with her. I need her M-Mom. Please help me. I'm in a lot of pain right now. I really need her Mom. P-Please... " - pagmamakaawa ko sa Mom ko habang umiiyak. Nasaan na ba kasi siya? Bakit hindi ko siya nakita? Huli na ba ang lahat para tulungan siya?

Lucid dreamingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon