Blind Date (Page 1)

797 28 22
                                    

Blind Date

By GeniusMonkey

 

“Ayoko!”

“Sige na sis!” sabi ng bestfriend kong si Nina.

“Ayoko nga!”

“Sige ka! Tatandang dalaga ka nyan!”

Ayokong pumunta sa isang blind date! Pero naisip ko lang na tumatanda na nga ako. Dalawamput-limang taon na nga pala ako pero hanggang ngayon ay hindi ko pa natatagpuan ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Marami naman akong naging manliligaw dati pero hindi ko naman sila gusto kaya ang isang blind date ay hindi rin uubra sa akin. Isang lalaki nga lang pala ang minahal ko at alam kong nasaktan ko siya ng labis. Siguro nga ito na ang naging kaparusahan ko sa ginawa ko sa kanya.

“Adi naman eh! Meron na akong sinet-up para sayo,” sabay alog-alog sa akin.

“Tumigil ka nga!” tumayo na ako sa higaan ko at tumingin sa salamin. Kay aga-aga ay nandito na siya sa kwarto ko at nambubulabog sa day off ko.

“Anong gusto mo! Maging katulad ng Chief Nurse natin ha!” sabi niya.

“Hindi no!”

“Kaya nga tinutulungan na kitang maghanap eh! Ilang taon na lang at lalampas ka na sa kalendaryo… Gusto mo ba ng ganun! Maging katulad ni Ms. Valdez na ang sungit-sungit at parating galit sa mundo?”

“Basta ayoko!” ito lang ang naging tugon ko kay Nina. Madalas kasi niya aking inaayang makipagdate at madalas ko naman siyang tinatanggihan. Alam ko kasing magiging sagabal lang din sa buhay ko ang mga date na yan.

“Mabait naman siya,” pagpapatuloy ni Nina.

“Sigurado ka?”

“Oo naman… hindi kita ipagkakatiwala sa isang lalaking masama. Isa nga pala siyang lawyer na kaibigan ni Andrew.”

“Ah! Kaya pala… nirereto mo lang ako sa kaibigan ng boyfriend mo ha!”

“Hindi naman, gusto ko ring makitang masaya ang bestfriend ko. At isa pa gusto ko ring maging bridesmaid sa kasal nyo. Gusto ko kasing mauna kang maikasal.” at tumawa pa siya. Magkasing edad lang pala kami ni Nina pero batang isip pa rin siya.

“Basta ayoko talaga!”

“Bumangon ka na dyan at magbihis! Diba gusto mo nito?” at pinakita niya sa akin ang kahinaan ko. Mahilig kasi ako sa mga chocolates eh. “Bibilhan pa kita ng damit basta pumayag ka lang.”

At pagkatapos ay may pinakita pa siyang ticket sa akin. “Huh? May ticket ka para sa art exhibit na ‘yan?”

“Syempre naman! Pero kelangan mong magpakita sa blind date mo kahit saglit lang!”

“Saglit lang?” iyon lang talaga ang naisip ko. Saglit lang naman pala eh, may chocolates, damit, at ticket pa ako sa isang art exhibit.

“Saglit lang pero tatanong ko pa rin kay Andrew kung sumunod ka sa usapan. Saka mo lang ito makukuha kung may patunay kang nakipagdate ka nga.”

Mabilis akong nagbihis para pumunta sa mall kasama ng bestfriend ko. Marami siyang pinamili para sa akin. Diba ang swerte ko sa kanya? Simula kasi pagkabata ay palagi na kaming magkasama. At kahit hindi na kami mayaman ay nandito pa rin siya.

Love NotesWhere stories live. Discover now