Bestfriends

98 7 3
                                    

Bestfriends

by GeniusMonkey


"Hindi naman natin kailangang maging couple para maging masaya ang pasko natin."

"Kaya ka single."

"At least masaya ako. Ikaw, masaya ka ba?"

Natigilan si Jayden ng sinabi ko 'yon. Pagkatapos ay bigla siyang napayakap sa akin.

Si Jayden? Siya ang bestfriend ko na matagal ko nang crush. Bakit babae ang bestfriend ko? Ewan, basta naging magkaibigan na kami noong nagtransfer ako sa school niya noong elementary.

"Mark, bakit hanggang ngayon wala ka pang girlfriend?"

"As I told you hindi ko kailangan ng girlfriend para maging masaya."

Tama naman ang sinabi ko. Hindi ko naman kailangan ang isang girlfriend para maging masaya. Ang maging bestfriend mo ay sapat na.

"Ang labo mo talaga! Diba bestfriend mo ako? Bakit di mo sabihin sa akin kung sino ang tinitibok ng puso mo? Kahit crush man lang!"

"Hindi naman lahat sinasabi sa bestfriend eh. What if maging enemies tayo sa future? Mas mabuti nang wala kang masyadong alam."

"Bakit naman tayo mag-aaway?"

"Ewan."

Baka kasi mag-away kami kung aaminin ko sa kanya itong nararamdaman ko.

"Bahala ka nga!"

Walk-out na naman siya. Minsan di ko talaga maintindihan ang mga babae.

"Jade! Teka lang! Saan ka ba pupunta ha! Hintayin mo naman ako!"

"Hoy Mark! Ayaw na kitang maging bestfriend!"

"Edi 'wag!"

Mas lalo pa siyang nainis. Nakakatuwa ang kanyang pagmumukha. Mas lalo pa siyang gumanda.

"Di ka naman mabiro eh!"

"Basta hindi na tayo bestfriends!!"

"Edi mas mabuti!" sagot ko naman.

Napansin kong napaiyak siya dahil sa galit. Umiiyak ba siya dahil sa biro ko? Aalis na sana siya nang bigla kong hinawakan ang kamay niya. Hindi ko kakayanin na magalit siya sa akin. Hindi ko maisip ang buhay ko kung wala siya. Wala na akong makakasabay sa lunch break at wala na rin akong makakasama sa pag-uwi. Wala na rin akong kukulitin at aawayin.

"Jade," hindi ko alam pero kailangan siyang pigilan. "Ikaw ang crush ko."

Natigilan siya at napatingin sa akin.

"Hindi lang crush," pagbawi ko.

Eto na nga siguro ang katapusan ng pagkakaibigan namin. Pero at least nasabi ko na rin sa wakas.

"Hindi lang crush!?"

Namumula na siya sa galit.

"Hindi lang kita crush! Mahal na kita. Ayan nasabi ko na!"

Natigilan na naman siya dahil sa pag-amin ko.


A/N: Maikli lang talaga 'to... hehehehe... Pagbigyan nyo na ako if medyo malabo ang kwento.

Love NotesWhere stories live. Discover now