Chapter 18

143 13 0
                                    

Birthday

"Ate Val," yapos ko naman sa kapatid ko. "I'm glad you came. Kumusta?" I asked.

"Ako dapat ang magtatanong niyan. Kumusta ka rito? Is everything okay here?" she asked worriedly.

"I'm fine, Ate. Nag aadjust lang ako ng kaunti. Pero kaya naman. And mama's here to guide me, lalo na rin sa pag-aalaga kay Niah."

Ngumiti naman ito sa sinabi ko. Si Moana ay nag beso rin sa akin. At gaya ng ginawa ay ginawa rin nila iyon  sa mama ni Zam.

"I'm happy to see you again, Tita. Ilang buwan na rin po ang nakaraan. Para po yata kayong bumata!" pambobola ni Moana kay Mama.

Tinawanan lamang siya nito at hinampas ng mahina sa braso.

"Nako 'tong si Mona, bolera ka pa rin. Don't worry, I didn't forget about you. May binili akong imported na bag na magugustuhan mo. Pati na rin kay Valyn."

"Hanla, Tita nag-abala pa po kayo. Pero salamat po," makapal na mukhang sabi ni Moana sabay ngiti nang ngiti.

Napa-iling na lamang tuloy ako sa kaniya.

"Thank you po, Tita," my sister shyly said.

At napatawa naman si Mama dahil doon.

Nilapitan ko naman ang pamangkin kong si Vannica at lumuhod para mapantayan ang taas nito.

"How's my pretty niece. Did you do well your activities that your teacher gave to you," I asked her.

Ngumiti naman siya at tumango-tango. Pinakita niya rin ang wrist niya kung nasaan ang limang star na nakalagay roon.

"Wow, ang very good naman ng aming Vannica," I said and kissed her.

"Niah? Whe-where's... Niah, Auntie?" bulol niyang tanong sa akin.

"Niah is in the room, she's peacefully sleeping. So, just wait here until she wakes up, huh. Then maglalaro kayo ng doll house mo."

Tumango-tango naman ito at ngumiti sa akin. Hindi ko tuloy mapigilan na kurutin ng mahina ang pisngi niya at halikan siya. Ang ganda niya talagang bata, nagmana rin kay Ate.

"Madam Zebina, nakahanda na po lahat ng mga ingredients sa kusina," sabi ng isang katulong dito.

Nakita ko namang tumango si Mama.

"So, guys let's start cooking," wika na nito.

Kinuha naman si Vannica sa amin ng kaniyang yaya at tumuloy sa play room. Habang kami namang apat ay dumiretso na sa kitchen area.

Nakahanda na nga ang mga lulutuin namin.

"Si Avyl ba magluluto rin?" Moana asked me while laughing.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Ate at Mama.

"Even she's not good in cooking, she needs to cook also. Birthday ng asawa niya. Baka maghanap ang anak ko ng niluto niya," sabi ni Mama.

Napatango na lamang ako at parang problemado pa rin.

And yes, today is Zam birthday. Simpleng dinner lang ang gusto nito at kami-kami lang. Hindi na rin nag imbita ng iba pa nilang relatives dahil ayaw niya rin. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakapag greet sa kaniya, because I don't know how to approach him.

Naging maayos naman kami at sa totoo niyan ay lalo lang mas tumatag ang relationship namin ni Zam. One week had passed, but I'm still adjusting my normal life here. Bilang isang ina kay Niah at bilang asawa naman kay Zam. And I'm thankful and happy because Zam's mom is here to guide me. Hindi pa rin kami nakakalabas para na rin sa safety naming lahat. At ayaw rin ni Zam na may mangyari masama lalo na't on going pa rin ang paghahanap sa mga Urayzon.

Missing Pieces of Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon