Banana Twenty

1.4K 12 0
                                    

Nanginig ang buong katawan ko sa sinabi niyang iyon. Alam na niya ang totoo.

"Kahit sandali lang kitang nakasama rito sa Davao, kilala na kita. Hindi maitatago ng make-up at pag-aayos mo na 'yan kung sino ka talaga. Unang beses kitang makita bilang Devon, nagdududa pa ako. At noong may mangyari sa atin, nagduda rin ako dahil ibang-iba ka na rin at mapusok na kaya hinayaan ko. Pero hindi ako makampante. Hanggang sa marinig ko ang usapan niyo ni Gail."

"Narinig mo?"

"Lahat narinig ko. Alam ko nang may plinaplano ka laban sa akin." Hindi ako makasagot. "Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari sa'yo. Kung alam ko lang, hindi ko iyon hahayaan." Nilapitan niya ako at hinawakan sa braso. "Antagal kitang hinanap, Mara. Hayaan mong tulungan kita."

"Hindi mo kilala si Denver. Baka mapatay niya ako."

"Kaya nga mas lalong kailangan natin siyang pigilan. Matagal na siyang may galit sa akin kaya ginagawa niya lahat ng iyan. Gustong-gusto niya akong mapaalis sa pamilya namin. Kaya pasensya na kung nadamay ka para lang patunayan ko ang sarili ko sa Daddy ko at sa stepbrother ko. Passnsya na kung nagamit kita pero handa akong magbayad sa'yo ngayon. Handa kong panagutan lahat-lahat ng ginawa ko sa'yo."

"Napipilitan ka lang kasi nagi-guilty ka." Aalis na sana ako pero pinigilan niya ako.

"Mahal kita, Mara." Kumalma ako. "Noong nawala ka, hinanap-hanap na kita."

Hindi ko na mapigilang maiyak. Hindi ko pa rin kasi alam hanggang ngayon kung kaninong panig ako kakampi. Hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi ni Dustin o ginagawa niya lang ito para mailigtas ang sarili niya sa kahihiyan.

"Kung hindi ka pa rin kumbinsido," Bigla siyang lumuhod sa harap ko. "Pakasalan mo ako."

Umiwas ako ng tingin. "Hindi mo na kailangang gawin iyan, Dustin. Tutulungan na kita pero hindi dahil nakumbinsi mo ako. Pero dahil iyon ang sa tingin kong mas tama."

Pumunta na kami sa hotel na pagtutulugan namin. Iisang kwarto pero pinili ni Dustin ang mayroong magkahiwalay na bed. Nakatalikod kami sa isa't-isa.

Kinabukasan. Nagising ako na may kausap si Dustin sa telepono.

"Thank you so much sa napakagandang balita. Salamat. Salamat."

Bumangon ako sa kama. Nang ibaba niya ang telepono, lumapit siya sa akin nang may napakalaking ngiti at sinabing,

"Naipasara ko na Banana Heaven beerhouse."

Nanlaki ang mata ko at hindi maitago ng bibig at mata ko ang saya.

"Paano? Paano mo nagawa?"

"Matagal ko nang pinamanmanan si Tsina para sana mahanap kita pero saglit ata siyang tumigil sa ginagawa niyang iyon. At nang magbalik siya, nadiskubre nga ang illegal na ginagawa niya. Kaya naipasara na ang illegal na beeehouse na 'yun." Hinawakan niya ako. "Wala ka nang dapat ikatakot. Sasamahan kita sa laban na 'to."

"Gusto kong makita si Mama Hena. Gusto ko siyang makita. Hanapin natin siya."

Tumango-tango si Dustin. "Sige na at mag-impake ka na ulit. Ipapahanap ko siya."

Nagligpit na kami ng gamit at naligo at nag-ayos. Pagkatapos, muli kaming sumakay ng eroplano pabalik ng Manila.

Pagdating namin doon, pinuntahan namin si Mama Hena na kasalukuyang nakikituloy sa apaetment ng isang kaibigan. Siya lang ang tao roon ngayon kaya pinapasok niya kami. Niyakap ko siya.

"Salamat at ligtas po kayo, Mama Hena. Noong naipasara na yung impyerno na 'yun, ikaw agad yung naisip ko, kung okay ka pa ba, kung maayos ba ang kalagayan mo."

Banana Sucker (SPG / Mature)Onde histórias criam vida. Descubra agora