Banana Six

13.3K 67 6
                                    

Naunang pumunta ng banyo si Dustin para maghuhas. Habang ako naman, isang mata lang ang kayang buksan kaya pinilit ko na lang na maabot ang lababo. Pagkatapos niya sa banyo ay ako naman ang sumunod. Lumabas siya ng banyo nang hindi man lang tumitingin sa akin. Diretso lang ang tingin niya at agad na kinuha ang mga damit niya. Hinayaan ko na lang muna iyon at pumasok na ng banyo.

Naghugas ako pero inaalala ko pa rin ang mga nangyari. Tama ba ang ginawa ko? Tanong ko sa sarili.

Andun na yung gusto ko si Dustin at gusto kong may mangyari sa amin pero hindi nga ba masyado pang maaga na isinuko ko na ang bataan ko sa kaniya. Masyado ko nga atang ibinigay agad ang sarili ko. Hindi man lang ako nagpakipot. Pero, kailangan kong sabihin sa kaniya na yung ginawa naman ay hindi lang basta-basta. Kailangan kong linawin sa kaniya that it is something na kailangan naming parehong panindigan.

Nakabihis na siya paglabas ko ng banyo. Nakatapis lang ako ng twalya dahil dito na rin naman na kami madalas maligo ni Gail kaya may tig isa kaming twalya dito sa banyo ng kitchen.

"Alis na ako," sabi niya.

"Dustin, sandali." Lalabas na sana siya pero bigla siyang natigilan. Humarap siya sa akin pero hindi siya makatingin sa mata ko. "Alam kong mali na isinuko ko agad ang bataan ko sa'yo. Alam kong naging masyado akong mapusok. Pero sana tulungan mo naman akong bawasan ang kahihiyan na nararamdaman ko."

Lumapit ako sa kaniya. Iniharap ko siya sa akin. Hindi siya makatingin sa mata ko. Wala rin siyang naging sagot sa sinabi ko

"Dustin, please, pakasalan mo ako. Sobrang nagui-guilty ako dahil naging pakawala akong babae. Maling-mali iyong ginawa ko. Pero kung papakasalan mo ako, mawawala iyong pagsisisi na iyon. Hindi ka magsisi, Dustin. Please, Dustin, tulungan mo ako."

Tinanggal niya ang pagkakayapos ko sa kaniya.

"Mara, I'm sorry." Naglakad siya palayo sa akin. "Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Napakarami ko pang pangarap. Kung handa kang maghintay, sige, handa akong pakasalan ka. Pero sinasabi ko na sa'yo, matatagalan iyon."

Niyakap ko siyang muli.

"Handa akong maghintay, Dustin. Ang mahalaga, kampante na ako ngayon dahil handa mo akong panindigan. Salamat, Dustin."

Nang kumawala ako sa pagkakayakap ko sa kaniya, lumabas na siya.

Naiwan ako roon mag-isa kaya ako na lang mag-isa ang naglinis ng mga kalat. Maraming nagawang Tinagbawa si Dustin. Tumingin ako sa orasan. Alas-singko pa lang ng hapon kaya pwede ko pa itong itinda. Masasayang lang kung hindi at malulugi pa kami.

Nakasimangot akong naglinis. Hindi ko maintindihan.

Sinabi na ni Dustin na handa niya akong panindigan pero hindi ko pa rin magawang ngumiti.

Hindi ko alam pero hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. Sana lang totoo si Dustin sa mga sinabi niya at sana hindi niya ako niloloko.

Nang matapos maglinis, binuksan ko na ulit ang shop. Tumayo ako sa labas para magtawag ng kostumer.

"Tinagbawa! With love!" sigaw ko.

Marami naman ulit ang pumasok. Kahit ako lang mag-isa, kinaya ko naman. Nawala rin yung lungkot ko nung makita ko yung mga tao na sarap na sarap sa Tinagbawa na ginawa namin ni Dustin... with love.

🍌🍌🍌


Naglalakad ako pauwi nang masalubong ko si Gail kasama iyong boyfriend niya.

"Mara, okay ka lang?" tanong niya. Napansin niya sigurong nanlulumo ako.

Hindi ako sumagot at tumango na lang.

"Parang hindi. Mukha kang may sakit."

"Pagod lang siguro to."

"Sorry na. Sana sinabi mo para hinfi na lang ako nag-half day," saad niya.

"Okay lang. Pinayagan naman kita talaga."

"Tara na. Sabay na tayo umuwi."

Hinatid siya ng boyfriend niya hanggang bahay. Pero hanggang doon, wala pa rin akong naging imik. Buti na lang at hindi nila napansin dahil busy ang dalawa na magharutan.

Pagdating sa gate ng bahay namin, iniwan ko na sila sa labas na dalawa at dumiretso na ako ng kwarto ko. Nagbakasakali akong tawagan si Dustin.

Call Dustin.

Calling...

...

Sorry. The number you have dialed is not yet in service. Please try again later.

Bigla akong kinabahan pero baka masyado lang akong nag-iisip. Baka siguro na-lowbat lang siya. Tawagan ko na lang ulit mamaya. Panigurado naman na magchacharge iyon kasi mahalaga ang cellphone sa buhay niya.

Naghintay ako ng mga isang oras.

Nagmumuni-muni tungkol sa mga nangyari kanina. Sa isang iglap, bigla na lang nawala sa akin ang bagay na pinakaiingatan ko. At hindi pa ako sigurado kung ang taong nakakuha nito ay handang pahalagahan ang pinahalagahan ko sa loob ng maraming taon.

Sabay kasalanan ko rin naman. Naging masyado akong pakawala. Sabi niya siguro, hindi man lang ako nagpa-hard to get. Bukaka agad.

Muli ko siyang tinawagan.

Call Dustin.

Calling...

Muli ko siyang tinawagan.

Call Dustin.

Calling...

Sorry. The number you have dialed is not yet in service. Please try again later.

Wala pa rin.

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding. Mag-aalas onse na ng gabi.

Napaisip ako. Baka naman nawala lang iyong cellphone niya kaya ganoon. Siguro abangan ko na lang siya bukas pumunta sa shop. Abangan ko na lang siya bukas para personal kong matanong kung ganoon nga ang nangyari.

Sana nga nawala lang iyong cellphone niya. Iba kasi ang pakiramdam ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganto.

Makakampante lang ako kapag dumating siya bukas.

Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. Para akong mababaliw. Ano bang klaseng parte ng buhay na 'tong pinasok ko?

Maling-mali siguro ang desisyon kong basta na lang iyon isuko sa kaniya. Maling-mali.

Pero baka naman dumating siya bukas. Ang kailangan ko siguro munang gawin ngayon ay matulog. Sana maging okay na ang lahat bukas.

🍌🍌🍌


Nasa loob ako ng shop kasama si Gail na nagtitinda. Patanaw-tanaw ako sa labas. Hinihintay kong dumating si Dustin. Sa katunayan, bawat kostumer na papasok, napapalingon ako. Ang sakit na ng batok ko kakayuko at tungo sa kakatingin at kakaabang.

Darating pa kaya siya?

Sana dumating siya.

Naghintay ako ng naghintay. Lumipas ang ilang minuto hanggang sa naging ilang oras na pero naghintay lang pala ako sa wala. Hindi pa muna ako sumuko. Sinubukan kong muli siyang tawagan pero wala talaga.

Banana Sucker (SPG / Mature)Where stories live. Discover now