Kabanata I

0 1 0
                                    

GOC #1

Naka uniform akong naglalakad papunta sa pinagtatrabahuhan kong restaurant para magsabi ng advance na sweldo.

Ayoko mang gawin ito ay magugutom naman ako. Isa pa, kailangan ko ng bayaran 'yung sa fund namin para sa pagbili ng Tv. Iyon kasi ang napag-meeting-an ng mga magulang noong isang linggo at ngayon na ang last day para sa bayaran.

Gipit na nga ako. Mas lalo pang nagipit dahil sa ganoong bagay.  Sa public school nga pumasok para wala gaanong gastos, tapos kailangan ko pang bawasan ang pera ko para dito.

Dapat talaga ay mamaya pa ang pasok kong nga five Pm. Pero dahil babale nga ako ay kailangan ko munang magpunta dito.

Sarado pa ng nakarating ako pero alam kong may mga staff na dito sa loob.

"Blaire? May shift ka ba ngayon at narito ka?" Takang tanong ng isang Cashier dito an si Ate Marie.

"Ahm, hindi po eh. Pero hihingi sana ako ng bali kay Ma'am ngayon? Nandito po siya?" Napa tango naman siya at tinuloy ang pagbaba ng mga upuan na nakapatong sa lamesa.

"Oo, nariyan na 'yon. Magsabi ka lang. Alam mo namang favorite ka ni Ma'am Rez," kumindat pa siya sa akin bago ako umalis.

Natawa na lang ako sa kaniya. "Hindi naman, Ate Marie."

"Sus! Pa-humble pa 'to! Alam naman ng lahat na favorite ka no'n!"

Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. "Ate, ha.."

Tinaasan niya ako ng kilay. "Oh? Totoo naman eh. Saka 'wag ka ngang mahiya! Alam naman namin na kaya ka paborito no'n ay dahil wala kang panggastos at kagaya mo lang siya noong kabataan niya." Ngumiti siya at tinigilan muna ang ginagawa.

"Isa pa, Blaire, kahit ako si Ma'am baka ikaw din ang favorite ko. Grade ano kana nga?"

"Seven, Ate." Sagot ko.

Napa tango siya. "Oh, tignan mo. Nung ganyang edad ko nag-aantay lang ako ng pera mula sa magulang ko. Pero ikaw, lahat kailangan mong pagtrabahuhan."

Ngumiti ako ng mapait.

Kahit nakakapagod, kailangan kong nagpatuloy. Kahit mahirap, kailangan kong sumabay.

Kapag tumigil ako, magugutom ako. May pangarap pa ako. At gusto kong matupad 'yon bago ko sukuan ang mundong ito.

Kumatok muna ako sa pinto ng office ni Ma'am Rez bago ako pumasok.

"Pasok."

Mukang nagulat pa siya ng makita akong narito.

"Oh, Blaire? Anong ginagawa mo dito? Five pa shift mo eh,"

"Ahm, kasi po Ma'am Rez, if pwede lang naman po." Umayos siya ng upo at humalukipkip. "Kung okay lang pong kunin ko na 'yung sweldo ko para next week? May kailangan po kasi akong bayaran sa school eh." Pahayag ko.

Tumango siya. "Its alright, Blaire. Pero sa susunod na linggo paano? Wala ka ng sweldo, edi ganon din 'yon problema ulit ang pera."

"Kailangan po kasi talaga, Ma'am, eh."
Napapakamot na saad ko naman.

"Ano ba 'yung kailangan mong bayaran at mang hiram kana lang ng pera sa 'kin?"

Nanlaki ang mata ko. "Nako Ma'am! 'Wag na po, kaya ko naman pong tipirin ang sweldo ko eh. Ayos na po 'yon."

Sinemyasan niya akong lumapit kaya ginawa ko naman. Naupo ako sa upuan na nasa harapan ng desk niya. Nakayuko lang ako at pinagmamasdan ang black shoes ko na malapit ng bawian ng buhay. Konting lakad na lang maililibing na 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Granting of ChasedWhere stories live. Discover now