Panimula

12 5 3
                                    

Panimula

I stared at the horizon above me. Kahit maliwanag na ay napapansin pa rin ng mga mata ko ang hugis ng buwan, na bagaman napapaligiran ng ulap ay hindi pa rin natatakpan.

Most of the people would say that it's such a beautiful creature, that it was made out of perfection. But for me, this is... a curse. Everything above me is a curse. All of it witnessed how I suffered throughout the years of being manipulated and abused by inhumane people.

Huminga ako nang malalim at lumabas sa maliit na kubong tinitirahan ko. Nang may dumaan na tricycle ay pinara ko kaagad iyon. Nagpahatid ako sa eskwelahan na pinapasukan ko. I tightened my necktie and stood properly after going out from the vehicle.

Bumuntonghininga ako at tiningnan ang pitaka ko matapos makapagbayad sa drayber. Tuluyan nang nauubos ang pera ko. I don't have any job at all to earn money.

I walked through the sidewalk of our University. Mayamaya ay nakarinig ako ng sipol mula sa malayo.

"Aristhea! Ba't parang pagod ang mukha mo? Hindi ka siguro naligo, ano?" tanong sa akin ng isang lalaking estudyante rin.

No need. If I took a bath, that won't erase the fact that I'm dirty. Aristhea, you have no purity. Your body were laid many times. You don't have to act clean.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko. I shouldn't think negatively. I shouldn't be brainwashed by certain messed up principles being presented to me. Umiling ako at mas binilisan na lamang ang paglalakad.

Didiretso na sana ako sa tertiary building nang may humigit sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang basta na lamang akong kaladkarin nito sa dilim. Nang makita ko ang mukha nito ay namukhaan ko agad ito.

"Aris," pagkatapos ay mahalay ako nitong tiningnan. "Duty mo ngayon. Simula kaninang madaling araw ay ipinaalam na sa 'min ng pinuno na kailangan ka nang sunduin." Ngumisi ito sa akin.

Kumuyom ang kamao ko. Nakita niya iyon kaya mas lalo siyang tumawa.

"Nagagalit ka, Aristhea? Baka nakalilimutan mong kami na ang pamilya mo. 'Wag kang aangal kung ayaw mong..." at may naramdaman akong matulis na bagay na dumapo sa baywang ko.

Knife.

"Hindi mo na ako kailangang takutin, Jomel. Sasama ako," matigas kong sambit.

Malakas siyang humalakhak. "'Yan ang gusto ko! Masunurin! Halika na at naghihintay na ang sasakyan."

Hinigit niya ako at dinala sa isang maliit na daan kung saan nakatigil ang sasakyan ng grupo. Itinulak ako ni Jomel papasok doon. Muntik nang mapasubsob ang mukha ko kung hindi niya lang hinila ang laylayan ng damit ko.

"Lalampa-lampa!" sigaw ng isa mula sa loob. Tatlo ang mga kasama ni Jomel, ang isa ay nagmamaneho ng sasakyan.

Tahimik akong umupo sa bandang dulo. Sa loob ng byahe ay nakikinig lang ako sa usapan nila.

"Baka sa susunod na buwan ay manalakay tayo, sa Luzon naman. Ang sabi sa akin ng pinuno ay pahuhupain daw muna niya ang huli nating pag-atake," rinig kong sabi ng isa.

"Hah?! Malapit na pala ang muling pag-atake natin. Paano ba 'yan, kailangan na nating dalhin sa subastahan ang mga babaeng bihag," at naghalakhakan sila.

"Huwag nang ipa-subasta! Patayin na lang natin," mas lalong lumakas ang tawa nila dahil doon.

Huminga nang malalim so Jomel. "Sayang ang pera sa bidding kung hindi ipapa-auction..."

Hindi ko alam kung paano nila naaatim na pumatay ng mga inosenteng tao. The government is slowly being wrapped by toxicity, hindi na nila kailangang dagdagan pa iyon. They are killing innocent lives just for their hunger of doing it. Hindi makatarungan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seeking of Hopeless EquityWhere stories live. Discover now