36th Tainted

48.5K 1.6K 599
                                    

Tainted

Own Identity

Naging mahirap sa akin ang nagdaang taon. Sobrang gulo ng mga panahong iyon. Pinilit kong kumapit. Pinilit kong lumaban at magpatuloy. Ngunit simula ata noong araw na iyon ay wala na sa aking tabi ang swerte.

"Pasensya na Miss pero mahigpit na ipinagbabawal ni Asiel ang dalaw na galing sa'yo," the police officer said after I showed up for the twentieth time.

Damn it.

"Saglit lang naman. Kahit isang minuto lang. Gusto ko lang siyang makita at makausap," pagmamakaawa ko ngunit kitang kita ko ang paninindigan sa mga mata ng pulis.

Inilahad ko sa kanya ang dalang lunchbox. "Pakibigay nalang ulit 'to," dismayado kong sabi.

Tumango siya at ngumiti. "Mukhang kailangan mo ng maghanap ng ibang boyfriend. Nagmomove-on na ata. Ikaw nalang ang hindi." Ngumiti siya ngunit wala ng natitirang pasensya sa akin.

Tumalikod na lamang ako at bigong lumabas katulad ng mga nagdaang araw. Asiel keeps on declining my visits. Kahit silip man lang sa kanya ay hindi niya talaga pinapaunlakan. Ilang buwan akong gano'n ngunit talagang nauuwi ako lagi sa pagkabigo.

"Why don't you go back to Canada, hija?" ani Mommy nang mag-usap kami isang araw.

"For what? To protect my name again? Am I being a threat? Nadudungisan ko ba ang pangalan ng mga Delafuente sa ginagawa ko?" Ngumisi ako ng matabang.

"Brandy." Naging seryoso agad si Mommy nang tingnan ako.

"I am a Varquez, Mom," I said bitterly.

"You are still a Delafuente. Please don't hate on us. We tried, Brandy. You know that-"

"We tried? I was fighting alone. Hindi ko maalalang pumanig kayo sa gusto ko." I chuckled but there's no humor on it.

"Brandy. I know this is my fault, too. I meddle with your choices with men. Kung... Kung pinabayaan lang kitang magdesisyon..." my Mom sighed.

Huli na para sa pagsisisi. Huli na rin para mangsisi. Ano rin ba ang magagawa no'n? Wala.

I gave up the connections and the power after what happened. Ano lang din ba ang silbi no'n? Inabuso ko 'yon ng ilang taon. Namuhay ako sa anino ng aming angkan. Isinuko ko ang lahat ng meron ako at tinanggihan na lahat ng tulong nila Grand Uncle. Nagfocus na lamang ako sa pag-aaral kahit kaliwa't kanan ang naririnig ko sa mga estudyanteng nakapaligid sa'kin.

But it's futile. I can't change anything at all. Hindi ko na maibabalik ang buhay na nasira ni Asiel. Hindi ko na maibabalik ang dati. Luck... When are you siding him? When are you picking him? Bakit sa lahat ng panahong aabandonahin mo siya, ngayon pa na walang wala na siyang makakapitan? Ito ba ang gusto ng langit sa kanya? Ang kunin lahat ng meron sa kanya at walang itira kahit kaonti man lang? How can you let this cruelty? Anong rason ng lahat ng ito?

Naging bingi na ako sa paliwanag ng aking angkan sa akin. Hindi salita ang aking kailangan kundi resulta. But they only gave me a clearer sign. Being free from Asiel's crime is the evidence that they only want to protect me. Ako lamang. Helping Asiel will taint our name. At kahit si Asiel ay iyon ang iniisip.

Ngunit ano ba talaga ang meron sa pangalang tinatamasa ko kung ganitong pamumuhay rin ang ibibigay sa akin? I am not happy anymore. This isn't what I want anymore.

"Ano? Lalaban ka?" galit na tanong ng isang babae sa loob ng cr.

Ramdam ko ang lamig ng tubig na yumakap sa aking katawan nang ibuhos niya iyon sa akin. Noong mag-angat ako ng tingin ay nag-aapoy na ang kanyang mga mata.

T A I N T E D (NGS #8)Место, где живут истории. Откройте их для себя