42nd Tainted

61.9K 1.8K 617
                                    

Tainted

Work

"Bakit mo kinanta si Rassia? Sekreto 'yon ah? Naghuhugas kamay kana naman!" si Grand Uncle Rico.

Humigop ako ng hininga at sinenyasan si Harris na patayin ang tawag. Asiel stared at me deeply while walking. Inalis ko ang tingin sa kanya at ibinalik sa target. Binitiwan ko agad ang arrow na kahit si Harris ay sinundan ng tingin ang paglipad no'n.

"Fuck," I grunted when I missed the target.

Umangat agad ang dalawang kilay ni Harris.

"First time mong hindi na asinta ang target, Miss Brandy," aniya sabay tingin muli kay Asiel na lumalapit na lalo sa amin.

Kumuha akong muli ng isa pang arrow. Nahahati ang aking atensyon at ang aking focus. Muli kong iniangat ang aking mga kamay katulad ng ginawa kanina ngunit bago pa mabitiwan ang arrow ay nasa aking gilid na si Asiel. Yumuko siya sa aking gilid at iniba ang lebel ng aking mga kamay na kahit ang kanyang pabango ay mabilis na nanuot sa aking ilong.

"Keep your bow arm steady and always keep your muscles flexed. Now, let go of the string," utos ni Asiel na awtomatikong sinunod ng aking kamay at naasinta agad ang pulang bilog na nasa gitna ng target.

"I know Archery. Sadyang iyon ang unang beses na hindi ko naasinta," sabi ko para takpan ang kahihiyang nakita niya kanina.

Namaywang siya at ngumisi. "You still need more practice, Miss..."

Umirap ako habang may ngisi sa aking labi. "Tsss. Halos dalawang taon na akong nag a-archery. Sadyang ngayon lang..." I muttered while staring at his dangerously handsome face.

Kumuha ako ng panibagong arrow habang si Asiel ay hinuhubad ang kanyang archery bag. Sinimulan ko ulit asintahin ang target. Sa pagkakataong ito ay ginaya ko lang ulit ang kanyang turo at ibinigay ang aking focus.

Binitiwan kong muli ang arrow. I frowned nang hindi na naman iyon tumama sa target. What the hell!

Asiel whistled. Hindi ko siya nilingon lalo na't alam kong nanunuya na ang ngiti sa kanyang labi. I need to show to him that I can score!

Iritado akong kumuha ng panibagong arrow habang sa gilid ng aking mga mata ay sinusuot niya na rin ang bawat equipment. Ang agarang kumuha ng aking pansin ay ang kanyang itim na bow na gamit. Nice... Is he good at archery, too?

Inangat niya ang kamay at walang kahirap hirap na binitiwan ang arrow at agad na tumusok iyon sa gilid ng pulang bilog sa target.

He glance at me. Nakaangat ang dalawa niyang kilay at parang gustong ipakita sa akin na gano'n umasinta kahit marunong naman talaga ako.

Muli akong dumukot ng arrow. My temper was trying to lecture me through my head. I gritted my teeth. Ngunit bago ko pa iyon mabitiwan ulit ay muli kong naramdaman ang presensya ni Asiel sa aking likod at hinawakan na rin ang arrow na hawak ko habang ang isa niyang kamay ay nakahawak din sa kabila kung saan nakahawak ang aking isa pang kamay.

Dikit na dikit ako sa kanyang likod na ramdam ko kung gaano ka tigas ang kanyang katawan at hanggang balikat lamang ako kumpara sa kanyang katangkaran. Now I'm not even sure if I can completely focus.

Sa gilid ng aking mga mata ay nahuli ko kung paano itinapat ni Harris ng pasimple ang kanyang cellphone at pabuntonghiningang kinunan ata kami ng picture.

"You just need to stay focus," ani Asiel kaya bumalik ulit ang aking mga mata sa harap.

Kinontrol niya ang aking kamay para bitiwan ang arrow. Lumipad iyon at nasundan ko pa kung paano tumusok sa target. Namangha ako. Asiel chuckled and pulled away.

T A I N T E D (NGS #8)Where stories live. Discover now