Paano ka mapapansin ni CRUSH

22.5K 137 63
                                    

TIPS PARA MAPANSIN KA NG CRUSH MO.

Lahat tayo, gustong mapansin tayo ni crush. Para paraan yan. May normal at abnormal way. Haha! Nasa sayo na kung paano mo kukunin attention niya. Kung susundin mo mga tips ko, at gumana. GOOD FOR YOU. Kapag hindi. Batuhin mo na ng bulaklak. Siyempre, dapat kasama ang paso para may impact. Nang sa ganon ay maramdaman niya na nandiyan ka.

NORMAL TIPS.

1. Kausapin siya. Tuwing dumadaan siya, greet him/ her. Lokohin mo nga ehh kung close kayo. Kung medyo mahiyain type ka naman, gumawa ka ng rason para kausapin ka niya. Like, magtanong ka ng mga bagay bagay na connected sa projects or topics niyo.

Dapat lang na kausapin mo siya. Kasi, kapag binalewala mo siya. Lalo na kapag babae yan, iisipin niya na wala kang interest sa kanya. So, go lang ng go!

2. Tumabi ka sa kanya kapag nagsusulat or may ginagawa kayong assignment sa school. Kunyari, di mo makita or di mo maintindihan. Unti unti mong ibahin ang topic. Be sure na may pagkakwela kang kausap. Wag mong tipirin ang mga sinasabi mo. Pero balansehin mo. Bigyan mo rin siya ng time para makipag kwentuhan sayo, hindi lang lagi ikaw ang bida. Kung maaari, wag kang magmayabang sa usapan niyo.

3. Tignan mo siya. Wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya hanggat hindi siya tumitingin sayo. Kapag tumingin siya sayo, ngitian mo siya or magmonologue ka. Kaso yung hindi sana niya naririnig.

In that way, malalaman niyang gusto mong makuha ang attention niya.

4.Message mo siya sa FB niya. Tweet mo siya sa twitter. Kung pwede nga lang ehh, I like mo mga photos niya. PDA na masyado yun. Pero kung kapal muks ka, kaya mo yan.

Kung gaano kayo ka close sa personal, dapat ganon din sa mga sites. Kung hindi kayo close. Kulitin mo siya ng kulitin para magreply siya sayo.

5. Kapag katext mo siya. Padaanan mo siya lagi ng GM. Pero ang ipadaan mo yung mga inspirational quotes lang. Wag yung brokenhearted or inlove kasi baka paghinalaan ka niyang inlove. Tapos mag conclude siya na di mo siya gusto kahit gusto ka niya. Di ba ang hirap? Ang hirap intindihin. Ay ewan ko ba! Basta wag mong kakalimutang kumustahin siya.

6.Magpatulong ka sa kanya. Kapag inutusan ka ng teacher niyo, isama mo siya. Habang nasa daan kayo,kwentuhan kayo. Hindi sa lahat ng oras ay maiisama mo siya kaya treasure the moment habang naglalakad kayo. Imagine yourself in a wedding dress. Kaso naapakan yung wedding dress kaya magising ka muna sa katotohanan BRUHILDA!

ABNORMAL TIPS. Kahit may pagkaweird ang mga ito, sigurado akong papansinin ka nila.

7. Kapag dumaraan siya sa hallway, banggain mo siya. Yung sinasadya tapos mag sorry ka. Kapag may nahulog na bagay, swerte mo. May pupulutin ka. Magkakatinginan or may chance pang maghawak ang kamay niyong dalawa.

8. Kapag nananahimik siya or may iniisip. Tabihan mo siya. Guluhin mo buhok niya or kilitin mo siya. Kapag kinausap ka na niya. Pilosopohin mo lang. Para mapahaba ang usapan at mapatawa mo pa siya. It's like hitting 2 birds with 1 BIG stone.

9. Kapag nakaheadset siya, tabihan mo siya at kunin mo ang isa. Swerte mo kung alam mo ang kanta at singkapal ng dictionary yang feslak mo. Kapag nakuha mo na ang isang headset, kantahan mo siya. Yung sintonado para mapasaya mo siya.

10. Kapag magbarkada kayo, sabayan mo siyan umuwi. Tapos siya pagbayarin mo. Awkward kapag babae ang nagbayad. Sa huli, sabihin mong joke. Gusto mo ilibre kita pero ang diretso natin sa bahay ko. Gagawin kitang bantay. Oh di ba? May patawa na, naging kwela ka pa.

11. Kapag outings niyo or groupings, lagi mo siyang tanungin para may dahilan kayo para magusap usap. Wag kang ma OP sa kanila. Kung inimbitahan ka niya wow yan. Kapag tinabihan ka pa. Haba ng buhok mo sa baba ate. Naaapakan ko na o!

12. Kapag nakatalikod siya, kalabitin mo siya sa kabilang balikat niya and pretend like you did nothing. Mapapalingon siya at magtatanong tanong kung sino ang kumalabit sa kanya. Kapag ikaw ang napagbintanggan, sabihin mo...magkasama nga tayo kanina ehh. Katabi pa kita, paano mo nasabing ako. Akbayan pa nga tayo ehh. Pilosopo lang ehh. Pati sa text, sagutin mo ng kwela basta wag mong sisirain ang image mo sa kanya.

Hope this tips ay naka affect naman kahit papano sa inyo. It's up to you if you're going to do those things pero, good luck na lang diyan. Inform niyo ako sa for further announcement. :D

Kalokohan Tips Ever made!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon