CHAPTER 21

4.3K 140 6
                                    

Nandito kami ngayon sa harapan ng haunted house pagkatapos namin sa falls. Papunta kaming hot spring pero nadaanan namin ang malaking bahay na para bang wala ng tumitira dahil sa dilim sa loob at mga halamang gumagapang na sa mga pader ng bahay papunta sa bintana.

Malalakas ang loob nila ngayon dahil nakainom. Dahil mga adventurers daw sila ay kailangan nilang pasukin ang bahay. Dala ang camera ni Darah ay pumasok na kami sa loob. Nakakapit pa si Kristoff sa braso ni Darah.

Parang baligtad yata?

Mabilis akong napatingin sa itaas ng hagdan nung maramdamang parang may nakamasid sa’min. Naglakad ako sa direksyong iyon.

“Saan ka pupunta, Queenie?” Tanong ni Darah.

“Parang may nakita akong tao.” Walang emosyong sabi ko.

“Tang^na naman Queenie! Ngumiti ka naman kung nagbibiro ka! Nagtataasan ang mga balahibo ko!” Mura at reklamo ni Kristoff.

“Bakla ka lang kamo! Sinisi mo pa si Queenie.” Tukso ni Kenji.

“Shut-up ‘dre!”

“HAHAHAHAHA!” Tawa ni Darah. Agad din naman syang tumigil sa pagtawa nung may mahulog na bungo galing sa itaas ng hagdan.

“KYAAAAAAHHH!” Tili nilang dalawa ni Kristoff. Nagyakap pa sila dahil sa gulat at takot.

Pinulot ko ang bungo. Binato ko iyon paitaas ng hagdan para bigyang babala ang nanakot sa’min.

“Q-Queenie.. A-alam kong hindi ka normal... Pero bungo yun! Baka multuhin ka ng may-ari.” Nanginginig na sabi ni Darah. Si Raven at Kenji lang yata ang hindi rin natatakot sa loob.

Nag-umpisa ulit akong maglakad saka umakyat sa hagdan.

“Q-Queenie! Wag kang aakyat... U-umalis na tayo dito.”

“Kayo ang nag-alok pumasok dito. Hindi ako umaatras sa isang misyon lalo’t hindi ko pa ito natatapos.” Seryosong sabi ko.

Nauuna akong maglakad. Medyo nahihilo si Raven dahil sa pag-iinuman nila kanina kaya nasa gilid ko lang sya. Yung dalawa naman ay magkayakap na naglalakad. Si Kenji ang nasa huli.

May biglang nahulog naman na puppet at nakaluwa ang isang mata habang duguan ang damit. Narinig ko naman ang takot na sigaw ng dalawang kasamahan namin.

“Tangina Kristoffer! Umayos ka! Bago ko kwestyunin ang pagiging lalake mo!” Tukso ni Kenji. Umayos naman si Kristoffer saka nagkunwaring hindi takot. Nakakapit naman si Darah sa braso nya.

Sinuntok ko ang puppet na nasa harapan. Naghiwa-hiwalay ang mga parts nito. Ngayon ay nasisiguro kong may tao sa lugar na ito.

Naglakad kaming muli at pumasok sa isang kwarto. Nakita namin ang isang kabaong. Lumapit ako at nakitang may nakahigang puppet sa loob. Bigla itong naupo mula sa pagkahiga at napatingin sa direksyon namin.

Nagulat ulit ang dalawa. Pero walang niisa sa kanila ang sumigaw. Pagtingin ko ay pareho na silang nakatago sa likod ni Kenji.

Nakataas naman ang isang kilay ni Kenji saka binatukan si Kristoff.

“Di ka talaga natatakot, Queenie?” Tanong ni Darah habang nanginginig parin sa takot.

Hinawakan ko ang kabaong. Batid ko’y gawa sa styro. Lumayo ako ng kunti saka ginamit ang axe kick. Nasira ang kabaong pati narin ang puppet.

============

DARAH POV

Nawala yata ang pagkalasing ko kanina dahil sa bungo. Mas lalo naman akong namamangha dahil walang kinatatakutan si Queenie.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon