CHAPTER 34

3.3K 115 16
                                    

Nagsipag-upo naman kaming lahat. Nilagay ang mga kamay sa likod ng batok.

Parang may naaalala ako sa scene na’to.

Sumunod nalang din ako sa sinabi ng holdaper. Pare-pareho kaming nakaupo. Kung bibilangin ay nasa sampung customer lahat ang nandito. Kasama na ako at sila Raven. Yung guard naman at ang cashier ay katabi ko. Ngunit nakikita ko parin sila Raven. Walang emosyon nyang sinunod ang mga holdaper.

Nakakapit naman sa kanya si Jaiza.

Hindi ako natatakot sa mga holdaper. Ang mas kinatatakot ko ay ang makita ni Raven.

Ginawa kong takip sa mukha ang isang plastic ng yogurt para hindi nila ako makita.

“Tangina Tol! Saktong may dumaang patrol! Gawin na lang nating mga hostage ang lahat ng nandito!” Sabi nung isa. Pagtingin ko sa may pinto ay may anim pang pumasok. Siyam silang lahat na may mga armas na hawak.

So pera lang talaga ang pakay nila. Wala silang balak saktan kami. Pero dahil may patrol, hostage na kami ngayon.

Total ay may mga pulis na, sasabay nalang ako sa trip nila. Ayokong gumawa ng eksena at makita ni Raven.

“Ilabas nyo lahat ng mga cellphone nyo at ihagis nyo papunta sa paanan ko!” Sigaw nung lalakeng nakatutok ang baril sa’min.

Naglabasan naman ng cellphone ang nandun sa loob including Raven and Jaiza saka pina-slide sa tiles papunta sa paanan ng lalake.

“Ikaw!” Sigaw nya. Pero di ko alam kung sino ang tinutukoy nya. Lalo’t nakayuko ako. “Ikaw na may hawak na yogurt!”

Tang*ina! Sinama mo pa ang apelyido kong yogurt!

Takip parin ang plastik ng yogurt sa gilid ng mukha dahil nasa kanan ko banda sila Raven at Jaiza. Hindi naman tabi pero malapit lang.

Tinuro ko ang sarili ko at inangat ang ulo. I whispered...

“Me?”

Uy! Ang ganda pre!” Sabi nung isa. I whispered again para hindi nila marinig ang boses ko.

“Thank you.” Sabi ko sa isang nagkumento.

“Bakit ka ba bumubulong?”

“Paos ako!” Sabi ko. Nababasa naman ng mga holdaper ang mga sinasabi ko, through the movement of my lips.

“Kung ganun ay ihagis mo na rin ang phone mo.”

“May tatawagan pa ako. Naghihintay ang kapatid ko. Baka mapano yun.” Sabi ko. Kumunot ang noo ng lalake saka hinaklot ang kwelyo ko.

Nagtilian naman sa loob. Narinig ko pa ang cashier.

“Ma’am!” Nag-aalalang sambit nya.

Dun ko naman nabitawan ang plastik ng yogurt ko.

Now, it’s the end of my world.

“Anong sabi mo? Di ko masyadong narinig e!”  Sabi ng lalakeng humaklot sa kwelyo ng blouse ko.

“Queenie?” Rinig kong gulat na tawag sa’kin ni Jaiza.

Tadhana at Kupido? Mukha yatang nagkakasundo kayo ngayon?

“Yo!” Bati ko kay Jaiza sabay ngiti. Dun naman sya nagulat sa pinakita kong expression ng mukha.

Napatingin ako kay Raven. Nakatitig na sya sa’kin. Di ko mabasa ang expression ng mukha nya lalo’t blanko lamang ito. Sinagot ko naman ang lalake.

THE LENIENT ASSASSINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon