3RD CHAPTER: SUPERNATURAL POWERS

3 0 0
                                    

(Through nightmares and incident)

______________

Mariz's POV:


"(Isang babaeng bata ang nakidnap ng mga kilalang most wanted notorious killer dito sa Pilipinas, at laking pasasalamat ng mga magulang ng bata dahil nailigtas ito sa loob ng 5 oras bago ito makidnap, pero hanggang ngayon ay hindi pa natutunton ng mga pulis kung sino ba talaga ang may pakana nito.)"

Mabilis kong iminulat ang aking mga mata dahil sa matinding panaginip na iyon.

"Ahhh! Another unexplained nightmare again," Sambit ko sa aking sarili at nahiga ulit, pero bumangon din lang ulit dahil hindi na ako makatulog. "Letseng buhay 'to." Wala sa sariling wika ko at inulit lang ang ginawa, pero kahit ilang beses na akong pumikit, gano'n pa rin ang kalalabasan, hindi ko pa rin makuha ang aking antok. "I'm bored, I want to do something, but I don't know what is it."

Gabing-gabi ay hindi ko namalayan na hawak-hawak ko ang aking cellphone at nagtetext sa mga kaibigan ko.

Mariz Lowell: Hey! Care for walk?

Matagal bago ako nakatanggap ng reply.

"Mukhang tulog na ang mga ito."

Patricia Vaughn: Damn! It's 12 am, what're you up to?

Caitlin Larson: I'm super tired, hindi ko na kakayanin, 10 ako natulog kanina ta's nagising lang dahil sa text mo.

Mariz Lowell: You're all KJ, just join me, I know you want it too.

Hindi rin nagtagal at pumayag din silang dalawa, nagpalit lang ako at dahan-dahang bumaba.

"Well, habit ko na ito, but I must still be careful in order to hangout with my friends again."

Nang successful akong nakalabas ay ganoon din ang ginawa ko sa gate, may mga guards sa gate pero dahil may alaga akong tatlong aso sa side, pinakawalan ko muna ang mga iyon para naman may kahabulan sila, para 'di sila antukin.

Patricia Vaughn: Mariz, we are here already? Sa'n ba tayo magkikita-kita?

Caitlin Larson: Maybe sa bar? Or convenience store nalang, kain tayo noodles, I'm still craving for it.

Patricia Vaughn: Hello Mariz? Andito na kami sa gate ng village niyo, text ka naman diyan.

Mariz Lowell: Yeah, just wait for me, kakalabas ko lang sa gate namin.

Kahit kailan talaga, maasahan ang mga ito sa late strolling, gawi na namin iyan simula first year, whether may problema o talagang 'di lang makatulog.

•~•~•

Finally, natakasan ko rin ang nakatulog na guard na naatasang magbantay sa gate ng aming village, pagod siguro, o talagang trip lang matulog, or kung hindi naman, hindi siya nakatulog, hindi niya lang talaga napansin ang mga pagtakas ko.

Sa madilim na parte ko nakita ang mga nanlalamig nang mga kaibigan ko, parang mahigit isang oras na silang naghihintay.

"Ano na naman ang dahilan?" Pambungad ni Patricia sa akin, natawa lang ako. "Ano na naman ang nagawa mong methods para matakasan ang inyong mga bantay?"

The Three Inherent [Season 01]Where stories live. Discover now