Chapter One

8 0 0
                                    

A/N : Sorry if ito agad ang sisimulan ko, Nadelete lahat ng gawa kong chapter sa mga previous Story ko. hehe sorry! ●︿●

"Cali." Rinig kong sigaw sa labas ng pintuan namin. Agad-agad 'kong tinakbo ang pintuan para buksan. Bumungad sa'kin ang mukha ni Karl ang kababata ko.

Parehas na'tin gustong magpaaraw kahit bihira lang ako payagan nila mama noon.

"Tara na. Andon na sila Tsuki!" Anya.

"Wait lang, Papaalam muna ako kay Mama kasi baka magalit ulit sa'kin siya. Lagot ka hindi tayo makakapaglaro ulit!" Pananakot ko.

"Oo bilis aantayin kita dito." Agad niyang sabi kita ko ang takot niya sa kanyang mga mata.

Masyado kasing mahigpit sa akin si Mama syempre dahil siguro iisang babae lang ako.

"Mama." Katok ko sa kanilang kwarto ni Papa. Sa ngayon ang alam ko nagliligpit siya ng mga damit nila.

"Pasok." Sigaw niya para marinig ko.

"Ang ganda ng Mama ko." Bungad ko sabay yakap sa kanya.

"Mama ang bango-bango mo naman, Hmmm!" Sabay singhot sa kili-kili niya kita ko ang pagtawa niya at pagsaway sa akin.

"Uhmm, Mama pwede po ba 'ko lumabas?" tanong ko. Kita ko pa din ngayon ang ngipin niyang mapuputi sabay ng pag-tango.

"Basta, Wag kayo magpapahapon ha." sabi niya sabay kiliti sa akin.

Agad naman akong napapalakpak dahil sa narinig ko mukhang good mood ang Mama ko today ah.

Paglabas ko kita ko agad ang mukha ni Karl na naiinip.

"Hoy lalaki tara na! Pinayagan ako ni Mama bleh!" Sabay labas ng dila sa kanya. Agad naman siyang napangiti at hinila ang kamay ko para sabay tumakbo.

Kita ko ang mga kalaro naming lalaki tama nga siya ando'n nga si Tsuki ang kaibigan kong babae.

"Tsuki!" Sigaw ko at agad naman siyang lumapit sa akin at kinurot ang pisngi ko.

Mas matanda si Tsuki kumpara sa'kin dahil nasa 10 years old na siya samantalang ako ay 8 years old palang at si Karl ay 9 years old.

"Mabuti at pinayagan ka lumabas." bungad niya bago bitawan ang pisngi ko.

"Ang sakit nun ah!" sabay hampas ko sa kamay niya. "Oo naman syempre wala si Papa ngayon. Alam mo namang malakas ako kay Mama ko eh." Pagmamayabang ko.

Naghabul-habulan, nag-luksong tinik, Luksong baka, piko. Lahat na yata ng laro nalaro natin.

at dahil kasama kita buo na ang araw ko. Bata palang ako pero naramdam kong may iba na akong dapat di maramdaman sa'yo dahil siguro bata pa kasi tayo eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving you, Silently.Where stories live. Discover now