Chapter 3: Klein

156 10 6
                                    

Hiyaw ng bata ang nagpatigil sa kanya sa pag-aayos ng mga gamit niya. Matapos ang engkwentro niya kay Ford ay nakumbinse naman na ito sa tulong na rin nila Nana Aida at Tetay.

Lumabas siya at narinig ang mga lagabog sa loob ng silid sa itaas habang nakatayo sa pinto si Nana Aida at Tetay.

"Ano ho ang nangyari, Nana Aida?" tanong niya ng makaakyat.

"Naghahagis nanaman ng gamit si Klein. Ang batang iyan kapag tinotopak talaga ay nagwawala." Tila problemado na ang matanda.

"Asan ho si Sir?" tanong niyang muli. Kung may tao man na dapat dumisiplina sa bata ay ang tiyuhin nito.

"Umalis at may client meeting daw. Noong hinanap ni Klein at sinabing umalis lang saglit ay ayan at nagwala na. Nangako raw kasi si Ford na maglalaro sila kapag gising niya," may bahid ng lungkot sa tono ng matanda.

"Naku, Viel. Ihanda mo na ang sarili mo at mapapasabak ka talaga sa batang iyan," wika naman ni Tetay na kumukumpas-kumpas pa ang kamay.

Napaatras si Tetay ng hampasin ni Nana Aida sa braso.

"May susi ho ba kayo ng kwarto?" tanong niya. Kailangan na niya makapasok sa loob dahil naririnig na rin niya ang munting iyak ng bunso.

"Bakit nasa loob ng kwarto ni Klein si baby Ri?"

"Nilapag ko roon saglit ng kinuha ko ang mga maruming damit," sagot ni Nana Aida.

"Ito ang susi." Inabot ni Tetay sa kanya ang isang bungkos ng mga susi na may mga label kung para saan na kwarto. Mukhang magagamit niya ang mga susi na ito sa pagiimbestiga sa mansiyon.

"Sige ho Nana Aida, Tetay ako na ang bahala sa mga bata," wika niya sa dalawa. Tila napalis naman ang pag-aalala ng matanda.

Pinihit niya ang seradura at dahan-dahan na pumasok. Tumambad sa kanya ang nagkalat na gamit sa sahig. Ang mga libro, laruan, maging ang lampshade at study table and chair nito ay pawang mga nakatumba.

Nakita niya si Klein na nasa ibabaw ng kama at tinatapik ang bunsong kapatid. May tila kung anong humaplos sa puso niya sa nakita.

Ngunit ang maamong mukha ni Klein ay muling nagbago ng makita siya. "Who are you?"

"I'm Viel. I will be in-charge on taking care of you and baby Ri," mahinahon niyang turan. Hinuhuli pa niya ang ugali ng batang kaharap.

Pumalatak ito. "Another walang kwentang babysitter," mahinang turan nito na patuloy pa rin sa pagtapik sa kapatid na nagsisimula ng bumalik sa pagtulog.

Bumuntong-hininga siya bago maingat na isinara ang pinto. "Bakit naman naging walang kwenta? Si Nana Aida at Tetay ba ay wala ring kwenta para sa 'yo?"

"Am not going to talk to strangers like you, okay?"

"If you think that those people who loves you are walang kwenta, then you do not deserve to be loved as well, I guess," sambit niya habang nagsisimulang pulutin ang mga gamit sa sahig. Sinusukat hanggang saan ang kaya ng bata na makipagtagisan sa kanya.

Alam niya na may pinanggagalingan ang inaasal nito at kailangan niya iyon malaman para maintindihan ito.

Tila tinablan ang bata at yumuko ito. Binitiwan niya ang mga gamit na pinulot at inilagay sa may gilid ng kama. Lumapit siya rito at umupo sa katapat nito para makita niya ang mukha nito.

"I guess you are right. I don't deserve to be loved because I'm bad. So you better leave us now," masama ang tingin na ipinukol nito sa kanya pero iba ang ipinahihiwatig ng mga mata nito.

Banaag sa maamong mukha nito ang lungkot at sakit na pilit itinatago sa likod ng pilyo at pasaway na pag-uugali.

Naikwento kasi ni Nana Aida na walang tumagal na tagapagalaga rito dahil sa mga kalokohan na pinaggagawa sa mga ito. Naroon na hinahagisan ng palaka habang natutulog ang yaya nito, pero ang madalas daw ay nilo-lock nito sa closet ng maghapon ang tagapag-alaga.

#2 PLUS-SIZE UNDERCOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon