Chapter One

643 21 6
                                    

Frema Grace POV

"Bestfriend!! Tara na sa room!! Baka nandun na yung asawa ko!! " aya ko kay Kaye. Bestfriend ko since elem. Nandito kami ngayon sa gate dahil inintay ko syang dumating. Sino yung asawa ko kako?? Syempre my ultimate crush!! Hihi

Nga pala!! My beautiful name is Frema Grace Garcia, 15 years of age at currently a 3rd year highschool sa Blue Academy. Isang private school dito sa lugar namin. Yung inaaya ko naman kanina is yung bestfriend kong si Kaye Bernadette Sebastian. Same age lang kami at obviously same school at same section.

"Maka -asawa ka! Eh kahit nga kausapin di mo magawa!! '' asar nya sakin

"Iiiiiih!! Bestfriend naman eh! Ikaw kaya magkacrush! Kita mo aasarin din kita!! " sabi ko sabay pout. Diba guys ang hirap?? Lalo na yung crush mo eh crush ng bayan! Dami mong kaagaw!!

"Heh! Tara na nga sa room at baka nandun na nga yung asawa mo!! " sabi nya sabay hila sakin.

Sa Room:

"Guys wala daw si Ma'am!!!! " sigaw nung isa kong kaklase dahilan para magsigawan at matuwa ang mga kaklase ko. Pero ako? Wala sa mood!! Wala pa kasi ang asawa ko!! Hmmmmp

"Wag ka ngang gumanyan! Mukha kang bibe! Ang haba ng nguso mo!! " sabi ni Kaye na nakaupo sa tabi ko at naglalaro ng walang kamatayang flappy bird!! Adik!

"Eh pano wala pa yung asawa ko! Baka napano na yun!! " sabi ko na nakapangalumbaba at nakangusong nakatingin sa pinto. Malamang nagaabang!! Wag nyo ko pagtawanan kasi kahit kayo iniintay yung pagpasok ng mga crush nyo sa pinto ng room nyo! Tas pag di pumasok nanghihinayang kayo!! Don't worry guys alam ko yung feeling!!

"Ang oa mo ha!!?? Makareact ka dyan parang totoo kayong magasawa!! Eh kahit nga magkaibigan hindi kayo eh!! Parang di rin kayo magkaklase!! Pero hayaan mo bestfriend intay lang!! Papasok din yun........... bukas!! Bwahahahaha!! '' sabi ng bruha kong kaibigan sabay tawa. Ipamukha ba naman sakin na wala talaga kaming relasyon ng self proclaimed kong asawa!??? Aray ha -_-

"Nakaka ---'' di ko na natapos yung sasabihin ko dahil may pumasok. Isang lalakeng matangos ang ilong, maputi at makinis na nukha na parang pinapabelo araw -araw, dimples na malalim at ang nakakamatay na killer smile!!! Shet ang asawa ko!!!

"Ang gwapo talaga nya!! " rinig kong bulungan ng mga kaklase kong karibal ko sa asawa ko! Sabi ko sa inyo eh and dami kong karibal!! Tsk!!

"Oh ayan na asawa mo!! Bibili lang ako sa canteen ha!! " si kaye sabay siko sakin pero di ko sya pinansin dahil titig na titig ako sa asawa ko na parang model kung lumakad. Ang gwapo talaga!!!

Dumiretso na sya sa upuan nya which is sa harap ng upuan ko. Katabi naman nya si Ian Patrick Villanueva na bestfriend nya na nanliligaw sa bestfriend ko since 1st year. Taray no? Ewan ko ba sa bruha at ayaw pang sagutin!!

"Late ka ata bro?? Inistalk mo na naman sa Facebook no!?? " rinig kong sabi ni Ian.  Sino inistalk ng asawa ko?? Sino??!!

"Tumigil ka nga! Makarinig sayo eh! Di ko inistalk dahil di ako stalker. Secret admirer ang tawag dun! Tsaka kumuha lang ako ng pics nya. Ieedit ko muna bago ko ipaprint sayo bukas " sabi naman ng SELF -PROCLAIMED KONG ASAWA, LONG TIME CRUSH ,MAHAL KO  AT DREAM GUY kong si PETER TORRES. Capslock pa yan para damang dama talaga!! Pero tama ba rinig ko?? Secret admirer sya!? Nino naman?? At kinuhanan pa nya ng pictures sa Facebook!! Di ko kasi sya friend eh. Nakakahiyang magrequest!!

"Ganon na rin yun pinaganda mo lang ang term!! Wag kasing torpe!! Tagal mo nang crush si ano eh!! Este mahal mo na nga pala!! " ewan ko ba pero ng marinig ko yun feeling ko sinaksak ako mismo sa puso ko. May mahal na sya!!????

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bluetooth Connection (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon