Chapter V #kahitdmosabihin

2.4K 107 5
                                    

Mabilis na pinasibad ni Aithan ang kotse. Napipikon na talaga sya sa dalaga.Hindi nya maintindihan kung ano ang pumipigil ditong mahalin sya.Obvious naman na nag-aalala na 'to sa kanya.Masama ang loob na ibinagsak nya ang katawan sa kama.Dahil nilalagnat hindi na nya nakuha pang magpalit ng damit.

Naabutan sya ni Dougs na natutulog.Nagtataka itong iba ang pang-itaas na suot nya.Nag-alala ito ng makitang namumutla ang binata.Hinipo nya ang noo nito at nalaman nyang inaapoy pala ito ng lagnat.Nagpaalam pa naman sya rito na papasyal muna sya sa probinsya ngayon.Naisip nya si Liezel. Kaya dali-dali nya itong sinundo.

Nang makita ni Liezel ang buntot ni Aithan batid na nyang may problema ito.

"Liezel pasensya ka na wala na kong ibang pwedeng lapitan eh..Si boss kasi may sakit!"bungad nito sa kanya.

"Nasaan sya?!"nag-aalalang tanung nya.

"Nasa bahay ayaw magpadala sa doctor eh"paliwanag ni Dougs.

"Maari mo ba akong samahan sa kanya?"di na nahiyang tanong ng dalaga.

"Oo! Yun nga sana ang ipapakiusap ko sayo."Saglit lang...magbibihis lang ako at mag-iiwan ng note kila inay!"mabilis na tumalikod ang dalaga.

Mabilis na nakarating sila sa mansion.Dinala sya ni Dougs sa Kwarto ng binata at nagpaalam na ito na uuwi na ng probinsya.Lumapit sya sa tulog na tulog na binata at masusing pinagmasdan nya ito.Namumutla ito na tila giniginaw napansin nyang hindi parin ito nagpapalit ng damit kaya naghalungkat na sya sa damitan nito ng pwedeng pamalit.Binihisan nya ito at pilit pinainum ng gamot.Kahit nakapikit ay pinilit nyang mapainum ito ng gamot upang bumaba ang lagnat.Kinumutan nya rin ito ng makapal na kumot upang hindi ginawin.

Mag aalas dose na ng madaling araw hindi parin gumugising si Aithan hindi na tuloy sila nakakain ng hapunan.

Narinig nyang umuungol ito na nanginginig kaya kinabahan sya ng sobra at niyakap nya ang binata.

Bahagyang tumigil ang panginginig nito kaya minabuti nyang yakapin na lang ito hanggang sa nakatulugan nyang nakayakap sa binata.

Nagising si Aithan sa liwanag ng sikat ng araw na nagmumula sa bintana.Bahagya syang nagulat ng makilala ang babaeng katabi na himbing na himbing sa pagkakayakap sa kanya.Nakangingiting pinagmasdan nya ang maamong mukha nito na tila walang bahid kasalanan.Iniunan nya ito sa kanyang balikat at hinimas-himas pa ang buhok.

Nagising si Liezel ng maramdamang may humahaplos sa kanyang buhok.Nagkatitigan sila ng binata.Dahang-dahang inilapit ng binata ang mukha sa kanya at marahan syang hinagkan sa mga labi.Hindi tumutol ang dalaga sa ginagawa ng binata bagkus ay tumugon sya sa halik nito.Nagtatanong ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.Pero tila hindi pa sya handa na sabihin ang salitang gusto nitong marinig.

"Ngayon mo sabihing hindi mo ko mahal?"inulit ulit ni Aithan ang tanong na yon sa kanya.Sa halip na sumagot ay niyakap sya ulit ng dalaga.

"Wag ka ng magpapaulan ha?"tila naglalambing pa na wika ng dalaga.Kahit nalalabuan ay sinakyan na lang ng binata ang kakaibang mood ng dalaga.

"Opo!"At hinalikan nya ulit ito ng mabilis sa labi.Natawa lang ang dalaga sa ginawa nya.Sumeryoso ang mukha ng binata.

"Hindi na mahalaga saken kung ayaw mo pang banggitin ang mga salitang gusto kong marinig ang mas mahalaga saken ngayon nandito ka at kasama ko

"Yun lang at niyakap na sya nito ng mahigpit.Nasa ganong ayos sila ng tumunog ang tyan nila.

Nagtawanan sila! Kagabi pa kasi sila hindi kumakaing dalawa kaya nagrereklamo na ang mga tyan nila.Tumayo si Aithan at binatak ang dalawang kamay nya patayo.

"Tara kain na tayo pagluluto kita!"aya ng binata sa kanya.

"Talaga?marunong ka?!"tila di makapaniwalang tanong nya.

"Ou naman!"natatawang sagot nito.Masaya nilang pinagsaluhan ang niluto ng binata.Napahanga na naman si Liezel sa binata.

"Kakaiba sya talaga!"isip-isip nya habang pinapanood itong naglilinis ng plato.

"ako na lang dyan may sinat ka pa eh"!Tinangka nyang kunin ang sinasabunang plato nito pero iniiwas nito kaya natapunan ito ng sabon sa mukha.Kaya gumanti rin ito at nilagyan din sya ng bula sa mukha.Para silang mga batang naglaro sa bula.

Ms.Sungit Loves Mr.Bad BoyWhere stories live. Discover now