PROLOGUE

468 91 9
                                    

PROLOGUE

There is nothing special here. Just a typical school with students who seem to have their own world. Some serious people without any reaction or expression shown on their faces. Some are looking at me in a way that I'd never want. Here it is again, the feeling that I hate. Wala pa akong ginagawa pero masama na ang tingin nila sa akin. Walang bago, as in lahat ay pare-pareho. Pati ugali ng mga estudyante, pare-pareho. Katulad na lang nitong taong nasa unahan ko. Kanina pa kami nagpapatentero, kaliwa-kanan-kaliwa. Hindi magbigay ng daan kahit ang laki naman ng space!

"Ano ba? Tabi d'yan!" Nang maubusan ng pasensya ay utas ng lalaki. Tumigil ako para makapagbigay ng daan sa napaka-gentleman na tao at saka nagpatuloy sa paglalakad nang ito ay makalampas. Ilan pa kayang parehong pangyayari ang mararansan ko ngayong araw na ito? Kasi, heto na naman at may isa pa.

"Hoy, Nerdy! Lumayas ka nga d'yan sa dadaanan ko. Ang panget mo na nga, humarang ka pa d'yan. Nagmumukha kang basahan!" Napangisi na lang ako sa narinig ko. Nabingi ako sa lakas, sa lakas ng presensya niya. Nagsimulang magbulungan ang mga tao at karamihan sa mga babae ay nagtilian. The hell I care! Ang yabang mo naman! Eh, ano ngayon kung nerd ako? Baka magkandarapa ka na kapag nag-ayos ako? Tss! Parang High School!

Lalong umingay ang paligid. Namilog ng kusa ang aking mga mata nang mapagtantong lumabas pala sa bibig ko ang mga salitang akala ko ay isinaisip ko lamang. Napalunok ako at napatingin muli sa medyo may-hitsurang lalaki sa harapan ko. Hmmm, okay, fine! Gwapo. Eh, ano kung gwapo siya? Maganda din ang katawan ng lalaki. Mukhang nagwo-work out, kaya sa murang edad ay may kagandahan na ang build ng katawan. So, what? Malaki din naman ang yabang niya sa katawan, 'di na lang siya kainin ng lupa!

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba, Miss? Sinasabi mo bang magkakagusto ako sa'yo? Ang lakas, ah! Eh, mukha namang wala nang pag-asa yang mukha mo."

Nabusog ang tainga ko ng mga salitang ibinabato ng mga estudyante sa kapaligiran. Nakita ko ang pag-ngisi ng lalaking noon ay hindi ko pa nakikilala pero mukhang kilalang-kilala ng iba.

Hindi pa man ako nakaka-recover sa pagkapahiya sa mga taong nasa paligid nang mapagtanto ko ang aking sinabi ay agad akong napasinghap sa biglaang panlalamig ng aking katawan. Sumunod kong nakita ay ang mga babaeng nagrereyna-reynahan sa departamentong aking kinaroroonan. Nakita ko ang basong hawak ng isang babae at doon ko napatunayang siya ang nagbuhos ng juice sa akin. May hitsura ang dalawang babaeng nasa aking harapan at sa tingin ko ay nagmula sa mayamang angkan, ngunit kung sa pagiging edukado ay mukhang kinulang, at sa pag-iisip ay mukhang kulang-kulang. Nagsalubong ang aking kilay at hindi ko napigilan ang tingnan siya ng masama.


"What? May reklamo ka? Ang lakas ng loob mo, ah! Baguhan ka lang dito, baka nakakalimutan mo."


Nakataas ang kilay na ibinigay niya ang baso sa estudyanteng napili niya at humalukipkip habang lumalapit sa akin. Akmang hahakbang din ako palapit sa kanya para bigyan siya ng leksyon pero pinigil ko ang aking sarili nang maalala ko si Mommy.

"I am tired of sending you to different schools! This will be your last. You better watch your behavior, Janelly. Kapag may complain pa about your behavior, tumigil ka na lang sa pag-aaral."

I have been changing schools since high school due to being short-tempered. Hindi kasi ako nagpapatalo sa mga bully sa dating school na pinasukan ko, pero sa huli ay ako din ang napapaalis."Use your ability for defense, hindi para sa mga kalokohan at pambu-bully!" Iyan ang laging sinasabi sa akin ni Mommy. Oh, c'mon! She does not have any idea who's being bullied here. Okay, I may have not used it as a self-defense from being sexually harassed, but I used it because I am being harassed verbally! At least I stood up for myself, 'di ba? Hindi ako nagpa-api. Second year in college, the fourth time na lumipat ako ng school simula noong mag-high school ako. Lakas maka-basagulero ng dating, ano? Pero ngayon kailangan kong magbait-baitan. Mahirap pala.

Nasanay akong ipaglaban ang sarili ko pero ngayon ay hirap na hirap ako dahil kailangan kong magtimpi. Kailangan kong magpa-api dahil kailangan kong manatili sa paaralang ito para makapagtapos ng pag-aaral.

"This nerd should know her place, Cous." Ano daw? Cass as Cassy/Cassandra? O, wrong pronunciation of 'cous' at mag-pinsan ang dalawang bruhilda?


Hindi ko itinuloy ang balak ko sa nagmamagaling na babae sa harap ko. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nilampasan siya habang pinupunusan ng panyo ang damit kong nabasa. Awtomatikong napaharap muli sa kanila ang flexible kong katawan nang hawakan ako sa siko at hilahin ng buwisit na huling babaeng nagsalita. Matalas ang tingin na hinarap ko sila at hinawakan sa kamay.

"Get your hands off me before you regret it." Mabilis niyang inalis ang kamay niya at sinamaan ako ng tingin. Tsk! Duwag naman pala. Agad akong napangisi sa aking nasaksihan.

"Tapang-tapangan. 'Kinaganda mo 'yan?" Nagpatuloy ako sa paglalakad matapos magbitaw ng salita at lumawak ang ngiti nang maisip na puwede ko naman palang ipaglaban ang sarili ko kahit salita man lang.

Muli kong narinig ang mga bulungan sa paligid. May nagsasabing ang kapal ng mukha ko at nasabi ko iyon, samantalang kung ako nga daw mismo ay wala din namang ikinaganda. Malapit ko nang malampasan ang mayabang na lalaki kanina at may nakapagpataas pa din ng ego ko nang marinig kong may nagsabing mabuti na lang at lumalaban ako kahit papaano, hindi katulad ng iba. Ilang segundo pa ang nakalipas at biglang napawi ang namumuong ngiti sa akin bagkus ay napalitan ng pagkagulat. Ang gulat ay agad ring napalitan ng pagkapahiya at inis nang maramdaman ko ang tuhod at braso kong sumalampak sa sahig. Hindi iyon bago sa akin, ang patidin ako ng kung sino. Sa ganoong pagkakataon ay bumabangon agad ako at binabalikan ng walang-awa ang gumawa noon. Pero sa ngayon ay wala akong magawa kundi ang manahimik at pakinggan ang nakabibinging tawanan ng mga tao sa paligid. Tss! Wala akong pakialam sa mga nakakita sa akin. Sabi ko nga, sanay na ako.

Itinuon ko ang aking kamay at nagsimulang bumangon. Ipapakita ko sa kanila na hindi ako ganoon kalampa. Hindi nila ako mapapatumba ng ganoon lang. Napaigtad ako sa parang kuryenteng sakit na biglang gumuhit nang sinubukan kong bumangon. Hindi ako nagkamali sa naramdaman kong sakit kanina. My poor ankle was hurt. Nabigo akong itago ang sakit na aking nararamdaman. Ganoon pa man, pinilit kong tumayo at unti-unting nangilid ang aking luha. Nang tuluyan akong makabangon ay tumingin ako sa taong pumatid sa akin. Ang mayabang na lalaki. Malawak ang ngisi ngunit unti-unting nabura nang magtama ang aming mga mata. Binigyan ko siya ng isang mapait na ngiti.

"I-I'm sorry." Umakma siyang lalapit pero muling napatigil dahil sa paglapit sa kanya ng babaeng nagbuhos ng juice sa akin.


"Serves her right." Parang nanalo sa kung saan ang babaeng iyon habang tatawa-tawang nakatingin ng may pagmamalaki sa akin. Nakita ko kung paanong buong-landing ipinulupot ng babae ang kamay niya sa braso ng lalaki. Nandoon pa rin ang hindi maipaliwanag na mukha ng mayabang. Nag-sorry siya. Nakokonsensya ba siya sa ginawa niya? As if he was convincing.

"Hahaha! Nagpapatawa ka ba, Miss? Sinasabi mo bang magkakagusto ako sa'yo? Eh, mukhang wala nang pag-asa 'yang mukha mo."

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang maalala ko ang mga salitang binitawan niya kanina. Wala akong ideya kung sino siya, kung ano ang relasyon niya sa babaeng ahas kung makapulupot, at kung ano ang imahe niya sa school na ito. Masama ang ugali niya kaya masama na din ang lahat sa panlabas na anyo niya!


"I wonder how would you feel swallowing your own words, Mr.SoGood. Let me know when you feel it someday."


Nakangiting sabi ko kaya naman hindi kataka-takang makita ngayon ang nakakatawang ekspresyon sa mukha ni ate mong inis. Iika-ika akong lumakad palayo sa lugar kung saan ako napahiya. Magpasalamat kayong lahat at nagtitimpi pa ako!

"I am ready whenever you are." Napaigtad akong muli sa gulat. Masyadong malakas ang pagkakasabi niyon kahit na pabulong naman ito. Turning my body around shocked me. He was damn so close!

Nakita ko ang pag-guhit ng nakakalokong ngiti sa kanyang labi bago siya namulsa at tumalikod. What the hell does that mean? Naiinis ako pero may kung ano sa sistema ko ang nabuhay.

Ang yabang talaga! Pray for yourself. You are bound to fall...so hard...alone.

And that day, the nerd was self-dared.

Note to self: Stay nerd and let him deal with the shit.


Love Me Nerdy (ON HOLD)Where stories live. Discover now