CHAPTER TWO

242 44 9
                                    

Nanlaki ang mata ko sa aking narinig. Salitang nagmula sa lalaking naging dahilan ng pagtaas at pag-init ng aking dugo. Ang panget ko pa rin daw? Ang lakas naman talaga ng loob ng lalaking ito, ano? Hanggang ngayon ay wala pa ring pinagbago ang pagiging mayabang niya. 

Ngayon ko lang ulit siya nakita matapos ang ilang taon ng pananahimik niya. Tapos ngayon ay para bang may grand entrance siya sa pagbabalik? I rolled my eyes, grabbed Mika's hands and started walking away. Napansin kong naninigas ang katawan ni Mika na para bang ayaw umalis sa kinaroroonan. Malamang nakakita na naman ito ng gwapo kaya ganyan, nagiging rebulto. 

Nahagip ng mata ko ang lalaking may malawak na ngiti sa kanyang mga labi. Binilisan ko pa ang paglakad sa kadahilanang umaakyat sa ulo ang aking dugo at nag-iinit ito.

"Bibilisan mo ba, o iiwan na kita dito?" Inis kong sabi kay Mika. 
 "Saglit lang naman! 'Wag mo naman akong kaladkarin! Heto na nga, sasama na ako!"
Agad naman itong bumilis sa paglalakad at sumunod sa akin kaya naman binitawan ko na ang kamay niya.

Nang makalayo na kami ay binagalan ko na ang paglakad. Hindi ko mapigilan mag-isip kung ano ang ginagawa ng lalaking iyon dito. Hindi naman siya mukhang mag-aaral. At saka hindi ba't nawala na siya sa landas ko? Bakit ngayon ay tila dumagdag na naman siya sa bilang ng mga maninira ng araw ko? 

Muli kong binalikan ang pigura niya sa isip ko. Kung noon ay maganda na ang build ng katawan niya, hindi maitatangging mas matipuno na siya ngayon. Siguro sa gym na iyon tumira nitong mga nagdaang dawalang taon. Alam kong mas matanda siya sa akin pero sa body built niya ay para bang matured na siya. Katawan nga lang, hindi utak.

"Hoy, ano na? Hindi mo na ako pinansin! You're too pre-occupied, Besh. Share your thoughts!" Naantala ang aking pagmumuni-muni sa matinis na boses ng kasama kong ito. Hindi talaga ito makuntento. Palagi na lang gustong maki-tsisimis. Bakit ba iniisip ko pa iyong dagdag na panira sa araw ko? Normal na naman iyon sa akin.

"Wala naman. Tara na umuwi." 

★      ★     ★     

Nang maghiwalay kami ni Mika ay hindi  rin agad ako nakauwi. Naisipan kong pumunta muna sa bookstore kaya naman doon ako nagderetso. Pasado alas singko na rin nang makaalis ako sa bookstore.

Isa iyon sa malaking problema ko, ang paano kokontrolin ang sarili pagdating sa libro. Paano ba naman, kapag nasa bookstore ako ay nagtatagal ako sa pagpili. Katulad na lamang nito, halos dalawang oras ako doon.

Naglalakad ako at malapit na sa bahay na aking tinutuluyan nang bigla akong tamaan ng bolang hindi mawari kung saan nagmula. Inis kong kinuha ang bola at humarap sa lalaking naglalakad palapit.

"Sorry, Miss. Okay ka lang ba?" tanong ng lalaki. Malamang sila ang may kagagawan. Maayos ko sanang ibibigay ang bola pero nakarinig ako ng pagtawa mula sa isa sa mga kasamahan nito.

"Bullseye, man! Hahahaha!" Narinig kong sabi pa nito  habang tumatawa kaya naman nag-ipon ako ng lakas at buong pwersang ibinato ang bola sa lalaking palapit sa akin. Kawawa ka dahil sa kasama mo.

Sa kabutihang palad ay agad itong nakaiwas at ang bola ay napunta sa lalaki sa likuran nito. Tawa pa nang tawa ang lalaking iyon at may paghawak pa sa tiyan kaya naman hindi na nito napansin ang bolang lumanding sa kanyang mukha. Kitang-kita ko kung paano ito tinamaan gayun din ang galaw ng mukha at katawan ng lalak. Dahilan upang ako naman ang matawa ng malakas.

Kung siya ay may paghawak pa sa tiyan habang tumatawa, ako naman ay may pag-upo pa at hindi mapigilan ang pagtawa. Kusang  humina ang aking tawa nang maramdaman na may lumalapit sa akin kaya naman awtomatiko akong napatayo. Ang lalaking tinamaan ng bola ay masama ang tingin sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love Me Nerdy (ON HOLD)Where stories live. Discover now