CHAPTER 1: COMING HOME

3 0 0
                                    

[ALLISON'S POV]

Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana ng kotse naming mag asawa at pinagmamasdan ang mga puno sa paligid dito sa loob ng subdivision. Kahit gaano ko subukang alalahanin ang daang ito, di ko na talaga maalala kahit na ang mga tao na nakatira rito.


"We're almost home," malamig na sabi ni Monarch na ngayo'y busy sa pagmamaneho.


Pansin ko na kanina pa siya tahimik mula sa hospital hanggang ngayon. I held his hand and I felt he stiffened a bit when I touched his hand that's resting on the gearstick.


"What's the matter, hon?" I looked at him with concern in my eyes.


I know something is bothering him. Maaaring nakalimutan ko ang iba kong alaala, but not my memories with my husband and the details of his expressions.


I saw the shift of his face, from cold and tense to a soft one, the usual Monarch that I know. His soft smile made me at ease and mas napanatag ako nang hawakan niya pabalik ang kamay ko.


"None, darling. Work, as usual." I heard his timid laugh and it's been a while since I heard it.


I returned my gazes outside the window para hindi ko na siya maistorbo sa pagd-drive. The remaining ride didn't last long dahil nakarating din kami sa mansion agad. Beyond the heavy tinted window, I saw Monarch opening the door for me. He is such a gentleman at ang sarap lang sa pakiramdam na pagsilbihan ng asawa. Even after 15 years of being together, he is still the same Monarch I dated back in high school.


Pakababa ko sa sasakyan, tiningnan ako ang malaking mansion sa harap ko. I don't recognize everything, but I feel so at home. Natigil ang pagmamasid ko sa lugar nang may sumigaw na babae in her mid 50's habang papalapit sa kinaroroonan namin.


"Lili ko!" Niyakap niya ako nang mahigpit kaya halos hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko. "Namiss kita nang sobra!"


Nang niyakap niya ako nang mas mahigpit, tiningnan ko na si Monarch para humingi ng tulong.


He smiled at me and pat the shoulder of the lady to get her attention. "Mamang, baka kapusin sa hininga ang asawa ko," malumanay niyang biro at nag mano sa matanda.


He then faced me and held my hand. "Hon, this is mamang. She's your nanny since you were a kid and dito na rin siya tumitira. She's the one cooking your meals noong nasa hospital ka pa."


Bigla akong nahiya't nakaramdam ng lungkot nang hindi ko man lang maalala ang nag alaga sa akin mula pagkabata hanggang ngayon na may asawa na ako. Tiningnan ko si mamang at nakita ko kung paano siya nataranta nang mag-krus ang aming mata.


"Nako, anak. Wag ka na malungkot." Hinila niya ako sa isa pang yakap. Kung kanina ang higpit, ngayon naman ang kalmado lang at hinahaplos niya pa ang buhok ko. "Tahan na. Naiintindihan naman ng mamang."


Di ko na napigilan ang sarili ko't umiyak na ako sa mga bisig niya. I felt so sorry and embarrassed dahil kahit nakikita ko siya sa hospital para alagaan ako, di ko pa rin siya matandaan kahit na ang pangalan niya man lang.

Grime of Courtly MemoriesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin