Epilogue Part 1

595 38 1
                                    

Hindi 'yun ang gusto kong ending pero wala akong magagawa.

I hate her for treating me like a shit. I hate her for making me realize that I am not belong to her world.

Nang panahon na 'yun, nagsimula na kaming ipakilala sa mundo pero hindi naging maganda ang simula namin. Parang pinatunayan lang ng mundo na wala akong silbi. Na wala akong maaabot kahit saang daan pa ako pumunta. Pero kahit ganoon, ginamit kong inspirasyon ang mga salitang iniwan ni Amber para mag-aim ng mas mataas.

Agad naman na nagbunga nang makilala kami ng mga tao. Projects became non stop. Naging busy ako pero nagawa ko pa rin na mag-enroll para makatapos ng apat na taong kurso. I wanted her to realize na mali ang pag-iwan niya sa akin.


Six years passed. Doon umikot ang mundo ko. Somehow, I made a new world again. Hindi ko na siya makakalimutan kahit kailan dahil naging malaking parte siya ng buhay ko pero nasanay ako sa sakit na dinala niya sa akin. Nasanay din ako na wala siya.


We were on the stage in a mall show when I noticed that the staffs are all panicking. Maya-maya ay may batang lalaki na inosenteng lumapit sa stage. Galit na ang lahat pero tumigil sila nang lumapit ako sa bata at itinanong ang pangalan niya.

"Lleniel." Sagot niya sa akin. I smiled at him.


The kid was innocently staring at us. Para bang may malalim siyang iniisip. I saw some staffs approaching on the stage that's why I showed them my palm, telling them not to go. Inalalayan ko ang bata pababa ng hagdan. Hindi ko alam but this kid felt familiar. My heart is telling me to take good care of him.


"Kilala niyo po ba ang Daddy ko?" Tanong niya sa akin gamit ang Tagalog na may accent. Mukhang laking ibang bansa ang batang 'to. Nagtawanan kaming lima kasabay ng mga tao sa loob.

"Look Lleniel, this stage isn't a playground for kid. Okay? You might get hurt here. Nawawala ka ba or something?" Before he could answer, may pamilyar na boses na tumawag mula sa hallway. Nanlaki ang mata ko nang ma-realize na si Amber pala 'yun.

"You make Mommy worried. Akala ko mawawala na ang baby ko. Don't do that again, okay? Mababaliw si Mommy kapag wala ka!"

Anak niya pala si Lleniel. Kaya siguro malapit ang loob ko sa bata. I am seeing his Mom with him. Umiling-iling ako at natagpuan ng tingin ko ang isang pamilyar na bulto. It was Bryce with a kid on his side. Dalawa na pala ang anak nila?

"Next time, huwag mong pabayaan ang anak mo." Malamig na saad ko bago tumalikod. Tumawag pa si Lleniel nang Papa kay Bryce. Nice, masaya na siya sa pamilya niya.



Ang pagkikitang 'yun ay nasundan pa ng nasundan. Kahit ang mga balita ay sila ang laman. Para bang ipinapamukha kung gaano sila kasaya habang ito ako, stuck pa rin.


"Mukhang pera rin pala 'yang si Amber e. Botong-boto pa naman ako sa kanya dahil humble siyang tao pero mukhang nagkamali ako ng pagkakakila." Naalala kong rant ni Ate Yssa noon nang malaman niyang iniwan ako ni Amber. Galit na galit siya kay Amber.

Napabalik ako sa kasalukuyan nang tinawag ng organizer ang pangalan ko. Invited ako sa kasal ng Kuya ni Amber. He did tried to pair me up with Amber but the crowd requested otherwise. Hindi ko alam. Dapat matuwa ako pero iba ang nararamdaman ko.


We got stuck on an abandoned house on my first night in San Lorenzo. That's when I realize that I still care for her.


Even I am mad, I know that I still love her so much.


Kaya naman ng araw ng kasal, hindi ko napigilan na batuhin ng cellphone ang lalaking 'yun. Sobrang sakit sa mata na makita kung paano inaayos ni Amber ang buhok niya. Kung kami pa, sa akin siguro niya 'yun ginagawa.


Josh Cullen's ChildWhere stories live. Discover now