𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐢𝐬𝐚

63 5 0
                                    

"Maraming mga pangyayari sa mga nagdaang taon ang Pilipinas. Ang pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas at ang mga kasarinlang kanilang ipinatupad."

Taimtim na nakikinig lamang siya sa babaeng nagsasalita sa harap ng entablado na napapalibutan ng mga tao, mapa-bata man o matanda.

Ito ang kaniyang trabaho, ang maibahagi ang mga aral ng nakaraan at sa kasalukuyan.

Isa siyang Historian at Linguist, pumapasok rin siya bilang isang tour guide kung saan ginagamit niya rin ang kaniyang kaalaman sa Historya ng isang lugar.

"Rita?!"

Nakabalik siya sa ulirat nang may tumapik sa kaniyang balikat, napatingin siya rito at nakita si Liam, kaibigang babae nito.

"Halika na, tapos na yung event. Uwi na tayo." Napatingin naman siya sa entablado at nakitang nagliligpit na pala ang ibang kasamahan niya.

Tumango naman siya at pumunta na sa office ng tagapamahala ng ginamit nilang venue.

"Maraming salamat po talaga, sa uulitin po ah!" Magiliw na sabi ni Liam sa ginang na namamahala sa lugar.

"Walang anuman, basta't may matutunan ang mga kabataan o kahit may edad na tungkol sa Historya." Sambit naman ng ginang sa kaibigan at nagpaalam na ito sa kanila.

"Bes, ayos ka lang? Parang kanina ka pa di umiimik diyan, may sakit ka ba?" Alalang tanong nito sa kaniya.

"Nahihilo lang pero kaya naman ng pahinga." Maikling sagot nito at agad na pumasok sa sasakyan nilang van.

"Sigurado ka?" Alala pa ring sambit ng kaibigan at tumango na lamang ito at inihilig ang ulo sa sandalan ng inuupuan.

"¿Se sentía bien? Antes se había desmayado mientras rezaban en el convento. (Ayos lang ba ang kaniyang pakiramadam, kanina ay nahimatay siya habang sila'y nagdadasal sa kumbento.)"

Alalang saad ng isang ginang at nakahawak sa kaniyang kamay.

"No se preocupe, Donya Victorina. Su condición también está bien, también he recibido tratamiento de la señorita y necesita descansar. (Huwag na po kayong mag-alala, Donya Victoria. Maayos na rin naman ang kaniyang kalagayan, nalapatan ko na rin ang senyorita ng lunas at pahinga ang kailangan nito."

Saad ng lalaking may postura at nakasuot ng Camisa de Chino at may hawak na kagamitang pangmedisina.

Naglakad na ito palabas ng silid at tumingin naman sa kaniya ang isang magandang babae na may ngalang Victorina.

Nakangiti lamang ito sa kaniya at siya naman ay puno ng pagtataka dahil hindi niya ito kilala at hindi niya alam kung papano siya napunta sa lugar na iyon.

"Hija, tómate un descanso y te cocinaré tu comida favorita. (Anak, magpahinga ka na at lulutuan kita ng iyong paboritong pagkain.)"

Hinalikan nito ang kaniyang noo at lumabas na rin ng kaniyang silid.

Anak? Tinawag niya siya anak ngunit hindi niya ito kilala.

Naiintindihan niya ang mga sinasabi nito ngunit ang hindi niya maintindihan ay ang kung paano siya napunta sa lugar na iyon at kung sino ang babaeng tinawag siyang anak.

"Gising na siya!"

Naalimpungatan siya nang may narinig na pamilyar na boses na sumigaw.

Unti-unti niyang binuksan ang kaniyang mga mata at bumungad sa kaniya ang mga nag-aalalang pamilya at kaibigan niya.

"Aysus, mabuti nama'y gising ka na, apo ko. Pinag-alala mo kaming lahat at ako'y muntik pang highblood-in sa iyo."

𝓽𝓾 𝓪𝓶𝓸𝓻 𝓽𝓪𝓽𝓪 (on going)Where stories live. Discover now