𝐤𝐚𝐛𝐚𝐧𝐚𝐭𝐚 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚

36 4 3
                                    

Iinumin na sana niya ang apple juice na bigay ng kaibigan nang may humigit nito at inilayo sa kaniya.

"No beverages for tonight."

Napatingin ang magkaibigan sa nagsalita at nakita nila ang nakatatandang kapatid ni Rita na si Russel.

"Apple juice lang naman yan kaya ibigay mo na." Saad ng kaibigan at halatang inis na ito.

Sanay naman itong nakikitang iritado agad kapag nagkikita ito at ang kapatid niyang lalaki kaya napapaisip rin minsan ito na may kakaiba na sa pagitan ng mga ito.

"No beverages, just Ginger and Turmeric tea only." Sambit naman ng kaibigan at narinig naman ang marahas na pagsinghap ng kaibigan.

"T*nga, ginger at turmeric iisa!" Bwelta ng kaibigan at kita niya ang palihim na pagkamot-ulo ng kapatid at bahagyang pangiti nito.

"Sige na, Kuya pumasok ka na." Saad niya at umiling na pumasok pa ang kapatid.

"Alam mo, hindi talaga ako makapaniwalang engineering ang tinapos niyan." Mahinang pasaring ng kaibigan at natawa naman siya dahil doon.

Inayos niya ang upo niya at inakap ang dalawang tuhod. Nakangiti pa siyang tumingin sa kaibigan at halata ang pagtataka sa mukha nito.

"Alam mo, kahit i-deny ng labas, isinisigaw ng loob." Simpleng saad niya at napairap naman ang kaibigan.

"Akala ko ba historian at linguist ka lang, di ako na-inform na pati pagtutula pinasok mo na." Mataray na saad nito at ininom ang inumin nito.

"May gusto ka kay Kuya Russell." Maikling saad niya at agad namang napatingin sa gulat ang kaibigan.

Sa halip na mainis ang kaniyang kaibigan ay napatitig lamang ito sa kaniyang mukha.

Nakangiti ito at nakatitig sa itim na kalangitan na napapalibutan ng mga nagniningning-ningang mga bituin.

Napangiti na lamang din ito at napasandal sa pool lounge na inuupuan niya at tinitigan rin ang kalangitan.

"Ang ganda noh." Nakangiting sabi niya at napagtango naman ang kaibigan.

"Ang magandang tanawing iyan ay nagpapahiwatig ng magandang pangyayaring naganap ngayong araw."

"Sa pamamagitan nila ipinapakita ang mga naging magandang dulot ng araw na'to. At hanggang sa nariyan sila patuloy ang saya, pero kapag sila'y naglaho't dumilim na ang kalangitan, mga tao'y dumaranas ng kalungkutan."

"Katulad ng isang madilim na kalangitan at pakiramdam mo'y nag-iisa ka lang. Mga bituing marikit na siyang nagbibigay ng liwanag, naglaho't ng lahat nariyan pa rin at hintayin mo lamang sila'y dumating."

"Tiyak pakiramdam mo'y gagaang tunay."

"Anak, gising na. Mag-a-almusal na, magbihis ka na." Rinig na sabi ng kaniyang ina at tuluyan na siyang bumangon.

"Magbihis ka na para makakain na." Saad ng ina niya at hinalikan siya sa noo bago lumabas ng kaniyang silid.

Agad siyang tumungo sa kaniyang banyo at naligo, nagbihis na siya at kinuha ang sling bag niya.

Bumaba na siya at tumungo sa hapag-kainan ng pamilya, nakita niya roon ang kaniyang ama na nagbabasa ng diyaryo habang ang kapatid ay nagbabasa naman ng libro.

"Good morning." Bati niya at hinalikan ang mga pisngi nito.

Umupo na siya sa kaniyang upuan na katabi  ang kaniyang kapatid, naglalagay ng mga pagkain ang ibang kasambahay at nagtaka naman siya kung nasaan ang ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 31, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝓽𝓾 𝓪𝓶𝓸𝓻 𝓽𝓪𝓽𝓪 (on going)Where stories live. Discover now