Ending

63 4 0
                                    

14 - Her

Jaxton

"Magkano ito, Manang?" tanong ko sa isang Ale na nagtitinda ng bulaklak na nasa labas lang ng sementeryo.

"Itong lilies ba, Hijo?" tumango ako sa tinuro niya, "Walong peso lang kung isa, pero kung isang bouquet ang bibilhin mo, depende na 'yon sa iyo kung ilan ang ilalagay mo."

Napangiwi pa ako sa presyo pero naaalala kong nangangailangan din si Manang. Habang namimili ako ng bulaklak, binibilang ko sa isipan ko kung ilan na ang napili ko na sakto lang sa dala kong pera ngayon. Isa pa, isang espesyal na araw ito para sa kanya kaya binisita ko siya ngayon kahit kabibisita ko lang kahapon.

"Ito po, Manang, oh. Forty-five po lahat 'yan kaya, wait lang po." Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa para i-multiply ang forty-five at eight. "Three hundred sixty po lahat, Manang," natawa ang ale pagkatapos ko sabihin 'yun.

Natigilan lang ako ng mapagtanto ang ginawa ko. Hala, bobo ko naman? S'yempre alam 'yun ni Manang kasi nagtitinda siya nito, baka nga mas nauna pa niyang malaman 'yung sagot.

Nahihiya kong inabot ang bouquet na inarrange niya pagkatapos ko bayaran. Dinagdagan ko pa ng tip para sa effort niya. Nagpasalamat at nag paalam muna ako sa kanya na nginitian lang niya, kaya naglakad na ako papasok sa loob ng sementeryo.

Hinanap ko ang pwesto kung saan siya nakalagay. Nang makita ko iyon, lumapit ako at napakunot ang noo nang mapansin ang isang babae na nakatalikod mula sa akin. Si Tita Mexie yata iyon. Lumapit pa ako lalo at tama nga ang hinala ko, siya 'yun.

"Tita?" tawag-pansin ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at napatayo. Nilingon ko ang puntod niya bago ko nilingon si Tita M.

"Naunahan pa yata kita, Jaxton. Pasensya ka na at ngayon lang ako nakabisita, medyo maraming pasyente na kasi ako ngayong inaasikaso," paliwanag ni Tita sa akin na naintindihan ko naman.

"Ayos lang, Tita. 'Saka gets ko naman kung bakit ngayon ka lang, bumisita kaya ako noong isang araw sa ospital," napahinto si Tita at napapikit nang maalala siguro na bumisita nga ako.

"Tumatanda na yata ako kaya naging makakalimutin na ako. O's'ya, una na ako." Paalam niya sa akin na tinanguan ko lang. Naglakad siya papunta sa kanyang sasakyan na sinundan ko lang ng tingin at kinawayan habang nakangiti hanggang sa makaalis na siya.

Bumaling ako sa puntod niya at lumuhod sa harapan nito. "Kumusta ka na r'yan, Ma? Nakukulitan ka na po ba sa akin kasi kabibisita ko lang kahapon tapos ito na naman ako ngayon?" tumawa ako at pinahiran ang puntod ni Mama, "Miss na kita, Ma. Alam mo ba na may nililigawan ako ngayon? Sobrang bait at ganda. Pakiramdam ko siya na talaga 'yung magiging forever s'yota ko 'pag magiging kami. Minsan nga po ang korni ko sa kanya-" naputol ang pagkukuwento ko nang may sumigaw mula sa 'di kalayuan.

"Hoy! Jaxton!" Napapikit ako dahil sa napakalakas na sigaw niya.

'Tong babaeng 'to, kung makasigaw akala mo naman wala sa sementeryo. Kung hindi ko lang talaga 'to mahal...

Nilingon ko siya at nakita kong tumatakbo siya palapit sa akin, nakayuko at nakatakip sa bibig. Narealize yata ang ginawa, nakita ko pa na masamang nakatingin sa kanya ang mga tao na tinawanan ko na lang. Ayan kasi.

Pinalo niya ako ng makarating siya sa pwesto ko. Natatawa ko iyong inilagan at sapilitan siyang pinaupo sa tabi ko.

"Bakit hindi mo ako hinintay?" inis na tanong niya sa akin.

Hapless Beings Where stories live. Discover now