Chapter 7

32 2 0
                                    

Sa pagbangon ni Alecksi ay napahawak siya sa kanyang ulo ng sumakit ito, dumaing sya sa sobrang sakit. Napamura siya nang maalala ang lahat, na wala na si Cassie sa kanya, na may iba na itong papakasalan.

Muli ang puso nyang wasak ay nakadama ng sobrang hinagpis, pinipilit iyon sa sobrang sakit. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala, gusto niyang magmakaawa na siya na lang ulit.

Na sana hindi siya na huli ng pagdating, na sana hindi siya na aksidente. Sana mayroon na siyang asawa sa piling ni Cassie. Sana sila pa rin, pero nasayang lahat ng iyon. Hanggang sana at sayang na lamang siya.

Dahil kahit anong gawin niya ay walang magbabago. Si Cassie ay nakalaan na sa iba. Si Cassie ay hindi na babalik pa sa kanya.

Kaya ang tanging magagawa na lamang niya ay tanggapin ang sakit at maging masaya para sa taong minsan ay minahal niya.

Yes, ganoon na nga ang kanyang gagawin. Magpapaubaya siya at papakawalan ang pag-ibig na ikinulong niya sa kanyang puso.

Napalipad ang kanyang tingin sa ingay ng pagkabukas ng pinto. Bumungad sa kanya ang magandang mukha ni Irene na may bahid ng pag-aalala.

Nagpakawala siya ng malalim na hangin, dahil pakiramdam niya ay lagi niyang naaabala ang doktora.

"Good morning, drunkard. Here's your breakfast." Imogen said with a smile on her lips, and put the tray on the bed.

"Good morning, Imo. I'm sorry for the trouble last night." Said Alecksi, while avoiding the said girl's eyes.

"Always welcome, Alecksi." And the silence fell through them. Tahimik lamang si Alecksi habang kumakain ng breakfast at si Irene ay taimtim na nakamasaid lamang sa kanya.

"I know you remember everything last night. Iyon ba talaga ang gusto mo?" Seryoso ang tono ni Imogen. Sa konting panahon na nakasama niya ang doktora ay alam niya kung kailan ito seryoso o hindi. Maaari nga niyang sabihin na kilala na niya ito sa ibang aspeto.

Napatigil si Alecksi sa pagkain, ibinaling niya ang ulo sa ibang dako, at nakakita nya ang iba't ibang klaseng medals at trophy ng doktora. Gusto niyang tuksuhin ito pero alam niyang hindi ito ang tamang oras.

"Yes, Zarya. Wala naman na akong babalikan pa rito. Wala na akong rason pa para manatili pa rito." Iyon ang totoo, wala na ang nag-iisang rason niya.

"Nandito pa ang pamilya at kaibigan mo, Dwyn. Paano sila? Hindi ba sila sapat para manatili ka?"

"Hindi pa alam ng mga kaibigan ko na buhay ako, hindi na dapat muna nilang malaman. Sila mama ay alam kong maiintindihan nila ako. Dahil sa ngayon ang tanging paraan upang ako ay makilimot ay umalis dito." Naramdaman niya ang malambot na kamay ni Imogen nang hawakan nito ang kanyang pisngi para pagtagpuin ang kanilang mga mata.

Malumanay at puno ng pag-intindi ang mga mata nito. "Naiintindihan ko at kung iyan talaga ang gusto mo Hindi kita pipigilan. Isasama kita pabalik sa isla. Pero bago iyan kausapin muna natin ang mga magulang mo at para makapagpa-check up ka bago tayo umalis. Iaatras ko ang flight ko pabalik ng isla para masamahan kita sa check up mo." Laking pasasalamat ni Alecksi at natagpuan niya si Imogen, nakahanap siya ng kaibigan.

"No need, we'll use a private plane. Mahirap na baka may makakilala pa sa akin. At may gusto rin akong i-discuss sayo at sa parents ko." Hinigit niya si Imogen papalapit, at hinagkan ito. "Ulit-ulitin ko ito, Zarya hanggang sa magsawa kana. Maraming salamat sa lahat. You're the only one who keeping me sane these days. At thank you. Dami ko ng utang sayo. Pangako babawi ako. Sa ngayon salamat at nandyan ka para sa akin." Nadama niya ang pagyakap nito pabalik, hinagod ang kanyang likod.

"I'm always here for you, Dwyn. Always, remember that."

--

"Are you really sure about this, Alecski? You still can talk to Cassie--" umiling si Alecksi sa kanyang Ina.

Breakeven (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora