PART 7

7 1 0
                                    

Kylla's POV

Pagkatapos naming magusap ni Francine, dumeretso agad ako sa cr at doon nagisip, nasa last corridor ako.

(FLASH BACK)

"May guy kaseng gustong itakas ang babae sa room 121, at gusto rin akong isamang itakas, but before pa kami makalabas sa kwarto ko, may sumuntok sa guy." Sabi ni Francine.

Ano? Sino naman ang nagtangkang tumulong sa babae and kay Francine? And bat isama pa si Francine?.


"Ah, Francine? Yung guy ba na sinasabi mo? Kilala mo ba?" Tanong ko


"Opo" -Francine

"Sino?" Nagtatakang sabi ko

"Si Doc. George po" sabi niya.

(END OF FLASH BACK)

nagugulohan talaga ako, hindi ko alam kung sino ang may kinalaman sa nakakulong na babae don, kung gustong itakas ni George ang babae it means hindi siya ang nagkulong sa babae, at kung hindi si George sino naman?

Isa pa sa sinabi ni Francine ,may kasamang isang Doctor ang nangbugbog kay George, pero hindi niya malinawan kung sino, kung babae ba o lalake dahil narin sa madilim na paligid.

Kung ang sabi ni Francine ay isang doctor it means isa lang sa kanila ni Thomas at Faith ang master mind.

Pero it doesn't make any sense, si Faith ay kapatid ni George bat niya naman gagawin yun sa kadugo niya and si Thomas naman ay hindi parin nagpapakita since last night.


Tumayo ako mula sa pagkaupo, aktong lalabas na sana ako sa corridor pero may pumasok na dalawang babae sa cr at naguusap, kaya napatigil nalang ako.


"Alam mo ba Gayle, bumalik na ang dating Personal Assistant ng mga dating may ari ng hospital." Sabi ng isa.


"Si Doc. Franco Mallesco? Yung father ni Doc. George?" Tanong isa.


Nagulat ako sa sinabi niya.
Si Franco Mallesco ay anak niya si George? It means marami siyang nalalaman tungkol sa hospital na to.
Kailangan ko siyang makita.


"Oo siya nga, nakapagtataka nga eh, for how many years siyang nawala dito sa hospital at susulpot lang siya, sa maling panahon at oras pa" Sagot ng isa.


"Tama ka, ang higpit na ng security dito sa hospital, bawat galaw may nakatingin" - babae.


"By the way isa ba sa—"


Napahinto sila sa paguusap ng makita nila akong lumabas mula sa corridor.


"Hi po nurse Victoria" bati sa akin ng isa


"Ahm, narinig kong bumalik na si Doc. Franco, pwede niyo bang sabihin kung nasaan siya ngayon?" Sabi ko sa kanila.


"Ah I guess papunta siya sa office ni Doc. George" sagot ng isa.


Agad akong pumunta sa office ni George.
Pagkarating ko don ay nadatnan ko siyang nakaupo habang may binabasang patients record.


Pagbukas ko ng pinto agad siyang tumingin sa akin.


"Victoria?" Nagulat niyang sabi.


Tumayo siya at pinamadali niya akong papasukin sabay sara si pinto.


"Kanina pa ako nag hihintay sa inyo," nagtataka nitong sabi.


"Nasaan ba si George" dugtong niya.


Abandoned Hospital [COMPLETED]Where stories live. Discover now