Heartbroken ohhhh

57 2 0
                                    

Alexa's POV

"Hello? " panimula ko

"Alexa... "

Parang familiar ang boses, Teka posible kayang....

"Hello sino po to? " -ako

"Si rei to alexa"

Whaatt?! Si rei?! Hmmp bakit naman ako kikiligin?? Eh hindi ko na naman sya crush! Napakasungit na nya!

"Bakit ka napatawag?" -ako

"Gusto ka daw makausap ni mama bukas,pupunta daw sya dyan sa inyo bukas"

"uhh? Bakit daw,At pano mo nakuha number ko stalker ba kita! ? " -ako

*Toot toot*

Bastos na lalaking yun binabaan ako, ANG sungit sungit napaka sungit, hindi ko nga alam kung bakit ko sya naging crush, all i know na matalino at mabait sya dati at lagi syang nasa tabi ko kapag naiyak ako dahil kay..... Aisst ano ba to! Hindi ko na dapat sya iniisip!

"Alexa huy! "

Napatingin ako kay ate na nasa loob ng kwarto ko

"Ate bakit? "-ako

"Kakain na tayo"nakataas kilay nyang sabi

"Ok ate" sabi ko tapos bumaba na sa baba tapos nagsimula nang kumain

"Sino kausap mo sa phone? " tanong nya habang nakain

"Uhh si rei"-ako

"Bakit daw? "-ate

"I don't know itanong mo kay batman"-ako

"Hmmp philosopho"-ate

Kumunot ang noo ko

"Anong philosopho dun ate? "-ako

"Wala bwiset" sagot nya tapos tumayo at pumasok sa Banyo

Ayos naman yun kanina ha,Problema nun? Meron ba yun ngayon? Sa bagay hindi na kailangan itanong yan dahil para sakin lagi syang meron dahil palaging suplada, pero mabalik nga anong problema nun, No sense of humor? Hindi palabiro kaya si ate! Ummm Ano kaya?

"Hmmp bakit mo bako iniwan?! Bwisit kang James ka akala ko mahal mo ko?!" rinig kong sigaw ni ate galing Banyo,

Ah alam ko na! Heart broken!

Dinikit ko ang teinga ko sa pintuan para marinig pa sya

"Bakit?! Bakit mo ako pinagpalit sa ibang babae, bakit huhuhuhu! "ohh kawawa naman si ate kaya ayaw ko ULIT mainlove eh sasaktan at sasaktan ka rin naman! Katulad ni... Arghh alexa sinabi nang wag mo na syang isipin matagal na yun nakapag move on nako! (A/N:Sorry po kung nalilito kayo basta po may tinutukoy si alexa malalaman nyo rin yan sa mga susunod na chapters)

Narinig kong ibinato ni ate ang mga sabon at panglinis nang bowl sa pader

Tumaas na lang ako sa kwarto at natulog,

**********

*KaKao*

Nagising ako nang narinig ko ang magaling kong cellphone na tumunog nang pagkalakas lakas at sa tapat pa nang teinga ko, sino naman to?!

Alexa date ulit tayo mamaya? Ano? ╰(*'︶'*)╯

From: daniel panget

At may pa smiley smiley face pa sya ha?! Sya na nga ang nakaistorbo nang tulog eh!

To:daniel panget

May gagawin akong importante mamaya kaya NO!

WAIIT WHAT TIME IS IT? tinignan ko ang oras sa cellphone ko, AT.... 5:00 am?! Bwisit yung daniel na yun!! Ang aga aga!

To:daniel panget

Ayan tuloy! Hindi na ko makatulog kasalanan mo ang lahat eh! Kung hindi Ka nagtext nang kaaga aga!

Ang hit send!, ilang segundo pa lang nag reply na agad sya

Ah! Soo ako pa pala ang may kasalan eh kung sinilent mo kaya yung phone tuwing tutulog ka?! Edi hindi ka magigising!

From:Daniel panget

To: Daniel panget

Ang soo naman?!

*Kakao*

Soo Ka dyan wala kalang maisip na dahilan aminin mo na kasi na ikaw ang may kasalanan!

From: Daniel panget

GRRR o(╥﹏╥)o

To:Daniel panget

Eh kung Tadyakan kaya kita?! Kita mo naman na stress na stress ako galing dahil sa school tapos ako pa tong gigisingin mo nang maaga?! At ako Pa ang may kasalanan?! Alam mo naman bukas hanngang Friday hinding hindi na ko makakatulog nang matino! Puyat na puyat na ko bahala ka sa buhay mo! Patay ka talaga sakin bukas!

*Kakao*

Ok chill chill girl kalma lang sorry na ok? Sorry na kasi nagising kita, sorry na kung hindi Ka na makatulog dahil sakin, sorry na dahil excites lang naman ako para sa second date natin, sorry na kung gusto lang kita makasama ngayon, sorry na hindi ko alam na hindi naka silent ang phone mo, sorry talaga

From:daniel panget

.......................


..................

..................

⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄ bakit parang natouch naman ako sa message nya? Hindi ko alam kung nagbibiro ba sya o talagang seryoso sya? Bakit parang kinilig naman ako sa sinabi nya sa massage, i suddenly felt something a very weird feeling that i didn't felt 3 yrs ago.....

Mr. makulit and Ms. mahinhin's Deal (ON HOLD)Место, где живут истории. Откройте их для себя