Chapter 1

1.5K 39 12
                                    

"Where is Mr. Enriquez?"

I seriously asked the staff infront of me. Napapalunok pa siya ng ilang beses. I guess she's tensed? and why? kadalasan sa mga staff na nakakaharap ko ay ganito ang ekspresyon kapag ako na ang kaharap.

I must say na mataray nga akong tingnan. Mataray lang naman ako to those people I hate. Pero kung ganyan siya pinagmumukha niya ang sarili niyang talunan at mahina. I hate her na! ang tagal sumagot.

"I'm asking!", hindi ko na napigilan ang sarili na sigawan ang babaeng to na putok ng make up at halos nanimpis na ang kilay

"He's not here", It was a deep voice. Para akong nalunod sa sobrang lalim ng boses na nasa likuran ko kaya hinarap ko siya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nasa harapan ko. At bakit siya nangingialam?.

"Hindi kita kinakausap, 'wag kang sumawsaw", I replied and I crossed my arms through my chest. Tiningnan ko pa siya ng sobrang talim.

Dapat lang siyang pagtarayan, he belongs to those people I hate.

"You don't have the right to raise your voice on her. She's an employee and also you.", nakita ko ang sandaling pagtingin ng babaeng 'to sa lalaking kaharap ko. Pinagtanggol lang inlove agad?. Hays mga tao talaga ngayon.

"Wala ka ding karapatan para pagsabihan ako. Sino ka ba? ha? magkapantay lang din naman tayo na humahangad na makabilang sa kumpanyang 'to!", pagtataray ko sakanya. Umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim. Napailing iling pa siya habang paalis. Mas lalo akong nainis.

"Maam, kanina ka pa jan?. Wala daw po si Mr—", hindi natuloy ni Kaye ang sasabihin niya dahil tiningnan ko siya ng matalim.

"San ka ba galing?. Ang tagal mo. Iniwan mo kong mag isa rito!?", panenermon ko sakanya at napayuko naman siya.

"Sorry maam, may inasikaso lang po", aniya. May lalaking dumaan sa likuran niya. Galing sa lugar kung nasaan siya.

Kaya naman pala nawala. May inasikaso. It was Josh kung sino ang inasikaso niya. "Inasikaso?", sarkastiko kong saad sakanya at tumingin siya kung nasaan ang paningin ko. She was about to complain pero nagpatuloy nako sa paglalakad.

Bakit ba nakakainis ang araw na 'to? Pakiramdam ko talo ako sa lahat ngayong araw na 'to. At yon ang mas kinaiinis ko. Hindi ako ganun. Hindi ako talunan. Wala sino man ang nakapag salita sa akin ng ganun kundi siya lang? and who the hell is him?. He's so mayabang kala mo kung sino. Otherwise, this will be exciting. Siguro naman sa kumpanyang'to alam ko na matatalo ko siya. Walang sino man ang makakasira ng plano ko.

Not even him. Definitely.

Naisipan kong pumunta sa isang mall. I'm with Kaye. Siya ang taga hawak kung ano man ang gusto kong bilhin. Okay lang naman yon sakanya. I didn't treat her as 'only' my secretary. A friend maybe?

"Ito maam. Bagay to sa'yo oh pak!", aniya at binigay sa'kin ang isang yellow off shoulder dress na naka hanger. Napagtarayan ko siya kanina ngunit parang wala lang yon sakanya. Maybe sanay na siya sa'kin.

"Maam!ito din ang ganda neto bet ko 'to.. para sa'yo!", aniya at tumawa na halos mawala na ang mga mata dahil sa pagka singkit.

"Take it", saad ko habang namimili ako ng lipstick. Tumigil siya sa kakatawa kaya liningon ko siya.

"A—ano maam?", tanong niya.

"Take it! kung gusto mo, ako na magbabayad", sagot ko at shinade ang lipstick sa labi ko. Tinitingnan ko kung maganda ba 'yon habang nasa harap ako ng salamin.

Maganda siya. Lightly pink kaya mas nag glow ang skin ko. I'll buy it.

Saglit pa kong nanatili sa mirror not until I saw a man in my back. Mula sa salamin ay liningon ko 'yon. He's staring?!. Si kaye ay nasa malayo at namimili noong sapatos na gusto niya. I stepped backward nang maglakad palapit sa'kin si.. si K—Ken??

It was Ken!? hindi naman ako gaanong makakalimutin para hindi ko siya maalala at ang pangalan niya. Anon'g ginagawa niya rito? sinusundan niya ko or.. or?? lumingon ako sa paligid. Puro make up, lipstick at mga pang paganda ang narito.

He's gay!?

Umirap ako sa naisip ko. Imposible naman. Napaka manly niya no. Napailing ka agad ako dahil sa huling naisip ko.

Sa bawat hakbang niya palapit ay ang hakbang ko rin palayo ngunit dead end na. Nasasamid ako kahit wala naman akong kinakain or iniinom. I also felt my throat drying. "A-ano ba?!",sigaw ko sa pagmumukha niya ng makalapit siya sa'kin.

"You're beautiful however"

"Kuya asan na?", nagulat ako dahil sa babae na nasa gilid namin I guess she is in teen age. Hindi ko na rin napansin o narinig ang sinabi niya.

Ano ulit yon?.

Narinig ko na may kinukuha si Ken sa tapat ng tenga ko. Liptint ang naroon. Okay. Palamon sa lupa mukhang napahiya ako. Kaya siya lumapit ay dahil may pinapaabot yung babaeng kasama niya. Sinigawan ko pa siya. Nang makalayo siya sa'kin inayos ko ang tayo ko at diretsong tinalikuran sila. Naririnig ko din ang pagtawa niya

"Wag kang matawa tawa dyan. Masasapak kita", saad ko habang namimili nung lipstick na kanina ay hawak ko

"Hindi naman ako tumatawa", ayan na naman yung nakakalunod na boses niya. Ewan ko ba naiirita ako. Siguro ay pinaka ayaw kong boses sa lahat ay ang boses niya. Para akong kinakilabutan sa t'wing naririnig ko ang boses niya kahit kanina ko lang siya nakilala. And yah. That was so regretful. Biggest mistake. Sitwasyon na sana di nangyari. Ang makilala siya.

"Pwede ba? 'wag ka nang magsalita!", saad ko sakanya at humarap ako sakanya. Nakatayo pa 'rin siya doon at wala na ang babaeng kasama niya

"Kakainin mo din lahat ng sinasabi mo", at ayan narinig ko na naman ang boses niya. Yawa talaga. Para siyang bata na nakanguso pa habang nagsasalita. I rolled my eyes at him.

Lumabas na ako ng mall. I texted Kaye na bayaran yung mga pinamili ko. Nasa kanya naman ang isa ko pang ATM. I said na doon nalang siya magbawas ng pera at aantayin ko siya sa kotse

Ngunit lumabas din ako ng sasakyan nang may makita akong isang bahay sa tapat ng mall. Sa kabilang kalsada

It caught my attention. Black and white ang color ng bahay na yun which is my favorite. At mas natuwa pa ko nang makita na it's for sale. Tumawid ako ng kalsada at pumunta sa tapat ng bahay na yon. I want it! it's so beautiful. at malaki siya.

Nakatingala ako sa may veranda sa taas ng bahay nang may marinig akong boses.

"Someday, you will be mine"

A Home With You[Ken Suson FANFIC- COMPLETED]Where stories live. Discover now